DAPHNE'S POV “Wait!” sabi ko kay Cian at agad na huminto sa paglalakad at hinawi ang kamay n’yang nakahawak sa kamay ko. Narinig ko pang bumuntonghininga s’ya bago tuluyang hinarap ako. Kunot na kunot ang noo n’ya at parang nagpapasensya lang talaga sa akin. Ano bang problema n’ya? Bakit ba parang ang init pa ng ulo n’ya sa akin? Inaano ko ba s’ya?! Hindi ko tuloy maiwasang mapairap sa kanya. “What? Can’t you just follow me without asking anything?” parang nauubos na ang pasensyang sabi pa n’ya kaya tumaas ang kilay ko. “Kung pwede lang naman,” habol n’ya pa na parang nakikiusap lang sa isang bata kaya umawang ang bibig ko at hindi makapaniwalang tiningnan s’ya. “Of course I can follow you. You really don’t have to hold my hand ‘coz for all you know, you are making me uncomfortable-” A