MARCUS CIAN'S POV Buong linggo ng hindi ko nakita ang lalaking kumuha ng picture kay Daph sa library. Pati na rin si Gio na s’yang nag-utos dito ay hindi ko nakikita. Hindi ko alam kung hindi talaga s’ya pumapasok o talagang iniiwasan n’ya lang na makita ako. Dahil sigurado akong nakapag sumbong na sa kanya ang inutusan n’ya. Tss! Gagawa-gawa ng kalokohan pagkatapos ay hindi naman pala kayang harapin ang consequences ng ginawa! Gano’n ba ang tipo ng lalaki na gusto ng Daphne na ‘yan? I really thought that her standards were quite high. Did she really fall for that kind of guy? I just can’t believe it. Naagaw ang atensyon ko ng mga babaeng naghihiyawan sa isang bench sa gilid ng soccer field. Nakita kong kunot ang noo si Daph na nakatingin sa lalaki na may dalang red roses. I know that g