Plan

1048 Words
CHAPTER 1   “Is it really okay for you to transfer your son even if the school year has already started, Marco?” alanganing tanong ni Quin sa kababata at co-teacher n’yang si Marco. They have set a meeting to settle the things that they haven’t settled on in the past. That was when Marco cheated on her and took advantage of her feelings for him almost seventeen years ago. Quin’s life was in danger after he caught him cheating on her with their co-teacher Cathy, who is now his wife. In exchange for Quin's silence about the issue and to protect their reputation as respected teachers, they have decided to return the favor to help her deal with her problem now with her eldest daughter. At willing si Marco na gamitin ang sariling anak para tulungan si Quin sa problema nito. Hindi na kasi maintindihan ni Quin kung paano n’ya mapapatino ang panganay na anak. Sa edad nitong labing anim ay masyado na itong bilib sa sarili dahil sa mga na-achieved nito sa murang edad. Likas na matalino si Daphne at lumaki ito na parating nag-uuwi ng karangalan. She and her husband should be proud of their daughter’s achievements, pero kabaligtaran ang nararamdaman ni Quin. Hindi s’ya natutuwa na ang palaging nasa isip nito ay ang pagka panalo sa halos lahat ng bagay. Takot na takot itong matalo ng kahit na sino kaya binibigay nito ang lahat para lang manalo. Ilang beses na n’yang sinasabihan ito na walang masama sa pagkatalo dahil gano’n naman talaga ang buhay. Na hindi makokompleto ang buhay nito kung kahit na minsan ay hindi nito mararanasan ang matalo. Nag aalala na rin s’ya dahil madalas ay wala s’yang nakikitang simpatya na galing dito para sa ibang tao. Masyadong insensitive ang anak n’ya at madalas na nagiging rude na ang dating nito lalo na sa ibang tao. She started seeing signs of her daughter being a sociopath. Kaya naman nang kusang lumapit si Marco sa kanya para mag alok ng tulong tungkol sa anak n’ya ay walang pagdadalawang isip na tinanggap n’ya iyon. Tutal ay may atraso itong ginawa sa kanya noong mga dalaga at binata pa sila ay inisip na lang n’ya na iyon na ang pabor na hihilingin n’ya dito. At iyon ay walang iba kung hindi paglapitin ang anak nito at ang anak n’ya.   Lingid sa kaalaman ni Quin ay problemado rin si Marco para sa panganay nitong anak. Katulad ng anak ni Quin ay may nakikita rin itong problema sa anak nitong si Cian pagdating sa pakikipag kapwa tao. Aminado s’yang na-pressure n’ya yata masyado ito kaya halos wala na itong ginawa kung hindi ang isubsob ang sarili sa pag aaral para maging proud sila ng kanyang asawa para dito. Wala silang inutos dito na hindi nito sinunod. Cian was acting like a perfect and ideal son to them, na sa sobrang pagiging masunurin nitong anak ay parang wala na itong sariling buhay. Parang inilalaan na lang nito ang sarili para panatilihing proud sila para dito. He wasn’t living his life anymore. Na pakiramdam nito ay responsibilidad nitong maging huwarang anak habangbuhay. Kaya naman nalulungkot ang asawa n’yang si Cathy at ilang beses na kinwestyon ang ginawa nilang pagpapalaki dito. Alam nilang may pagkukulang sila sa naging pagpapalaki dito kaya naman nang malaman nilang mag asawa na namomroblema si Quin sa anak nito ay naisip nilang ipakilala ang anak nitong si Daphne sa anak nilang si Cian. Kilala na n’ya si Daphne dahil estudyante n’ya ito. Alam n’ya ang kapasidad ng batang iyon at mukhang ito na ang makakapag pabalik ng dating sarili nito. Dahil paniguradong kapag nakilala at nakasama nito si Daphne ay hindi na nito mapapanatili ang image na inaalagaan nito sa harap ng maraming tao. People are seeing his son as ideal and Cian is living up to other people’s expectations because of that. Kaya naman kung may isang taong makikilala ito at makapag paparamdam dito na hindi ito perpektong tao ay baka sakaling bumalik ito sa pagiging isang normal na anak at estudyante. All they ever wanted is to see their son living his own life and will be back to his usual self again. “Yes, Quin. If it’s the only thing we can do to help you and your daughter, why don’t we try it? Isa pa, hindi naman namin gagawin ito kung alam namin na hindi magiging mabuting impluwensya si Daphne kay Cian. Your daughter is intelligent at walang masama kung makikilala s’ya ng anak namin,” mahabang sagot ni Marco at sinulyapan pa ang asawang si Cathy na nakaupo sa tabi nito. Tumango lang si Cathy at ngumiti ng tipid kay Quin. “We can even asked Cian to court your daughter and make her fall for him-” “Hah!” Sarkastikong ngumisi si Pio, ang asawa ni Quin, nang marinig ang suhestyon ni Cathy. “Sa tingin n’yo gano’n gano’n lang mapapasagot ng anak n’yo si Daph?” Naiiling at sarkastikong tanong nito. “Alam n’yo naman ang karisma ng anak ko, manang mana sa akin-” Hindi na nito naituloy ang sinasabi nang sikuhin ito ng asawang si Quin. Binigyan nito ng nagbababalang tingin ang asawa kaya natahimik ito at walang nagawang nagkamot sa batok. Ibinalik ni Quin ang tingin sa mag asawa at saka tumango. “Kung papayag kayo ay pwede nating sabihing engaged na sila sa isa’t-isa at ipapakasal kapag tumuntong na sa legal age,” suhestyon n’ya na tinutulan naman kaagad ng asawang si Pio. “Mahal naman! Ni hindi ko pa nga nakikilatis ang pagmumukha ng batang ‘yon ay ipapakasal mo na sa anak ko-” “Hindi naman totoong ipapakasal, Pio! Para lang mapilitan silang magkasundo. Dahil duda ako na pagtutuunan iyon ng pansin ni Daph dahil kilala mo naman ang anak mo pagdating sa mga lalaki ay napakabilis magpalit ng feelings! Manang mana kasi sa pinagmanahan!” Pigil ang iritasyon na sita ni Quin sa asawa n’ya. “Sure, sure. We can do that. We can proceed to your plan…” sang-ayon naman ni Marco at ginagap pa ang kamay ng asawa. Tumango rin si Cathy at ngumiti kay Quin. “Hoping for this plan to go well…” sambit pa nito bago binigyan ng alanganing ngiti ang asawang si Marco.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD