CHAPTER 36 "Oh my God! Akala ko hindi na aabot ang tapsilog na favorite ng honey ko!" masayang pabida ng nakangiting si Janna. Itinabi niya ang nilutong afritada ni Airish sa kabilang bahagi ng mesa at itinabi ni Janna ang malaking bendehado ng tapsilog. Kitang-kita ni Airish ang pag-atras ng kutsarang hawak ni Justine. Dapat papunta na kanina sa afritada niya iyon ngunit biglang umatras at sa tapsilog ito tuluyang bumaba. "Mas masarap 'tong afritada ko Jazz!" ipinagpilitan ni Airish at itinabi niya sa mismong pinggan ni Justine. Natahimik ang lahat. Si Janna din ay nabigla sa ginawang iyon ni Airish. Natulala si Justine. Halatang naguguluhan kung alin sa dalawang ulam sa tabi ng pinggan niya ang uunahin. "Oo Ma’am Airish, titikman naming lahat 'yan! Kita mo, uubusin namin ang