CHAPTER 35 "Kuya Jazz, hindi ba si Janna 'yun?" tanong ni Ralph. "Siya nga yata." Lumayo si Justine kay Airish. Pinagbuti niya ang pagkilatis sa sumisigaw na iyon. "Si Janna nga." Naibulalas nito. Mabilis na tinalunton ni Justine ang pilapil. Ang lakad ay naging takbo. Halatang sabik siya sa girlfriend niya. Nilingon ni Ralph ang naiwang si Airish. Bakas na bakas sa mukha nito ang hindi niya maipaliwanag na emosyon. Dahan-dahang nawala ang ngiti nito sa labi. Napansin niyang nakatingin sa kaniya kaya patay malisyang tumalikod at ipinagpatuloy ang paghuhugas sa putikang katawan. "Paano silang tatlo ngayon? Paano si Airish?" bulong ni Ralph sa sarili. Tumabi si Ralph kay Airish. Tahimik lang ito at halatang litong-lito. "Okey ka lang Ma’am Airish?" tanong ni Ralph. "Oo, naman. B