CHAPTER 32 Madalas mararamdaman na lang ni Airish na nakatulog na ang katabi niya habang nakaunan siya sa matitipunong bisig at dibdib nito. Nagkasya na lamang siya sa pagkakadikit ng mainit nilang katawan at ang paghalik sa labi ng lalaking minahal na niya habang ito ay tulog na tulog na. Ngunit sa mga sandaling iyon, masasabi niya sa sarili niyang kailangan muna niyang makuntento kung ano lang muna ang kayang ibigay ni Justine. Langit na din kasi sa kaniyang maituturing na nayayakap at nahahalikan niya ang lalaking pinakamamahal. May hihigit pa ba sa kasiyahan ang katabi sa buong magdamag ang lalaking akala niya ay isang pangarap lang? Isang umaga ng Linggo ay wala na si Airish sa higaan nito. Napabalikwas si Justine. Hinanap kaagad niya ito dahil baka bigla na naman itong umalis dahil