The President’s Princess Phenomenal Romance Novel by: Joemar Ancheta CHAPTER 33 Sa bakanteng kubo, sa gitna ng bukid, habang walang tigil ang pag-ulan, doon nila pinagsaluhan ang pagkasabik nila sa isa’t isa. Hindi aakalain ni Airish na ganoon kainit ang naglalagablab na apoy na kanyang sinimulan. Ang nagbabagang apoy na iyon ang siyang tumupok sa kanila ni Justine. Sumasabog na noon si Justine. Pagkapasok pa lang nila sa kubo ay sumasabay na din ito sa kaniyang mapusok na paghalik. Mabilis ang pintig ng kaniyang puso at bawat hagod ni Justine sa kaniyang katawan ay lalong nagpapaigting sa kaniyang nararamdaman. Basa ang kanilang damit ngunit wala silang nararamdamang ginaw dahil nangingibabaw ang init ng kanilang katawan. Hinubaran siya ni Justine at walang pagtutol na itinaas ni A