"How are you?" Gillan asked her. Pilit siyang ngumiti dito. Nasa isang coffee shop sila ni Gillan dahil gusto raw siya nitong makausap, buti na lang ay pinayagan siya ni Daryll. Tatlong araw na rin mula nang magkabungguan sila ni Gillan, pero ngayon lang sila nag-usap nang silang dalawa lang. Ngayon lang kasi siya pinayagan ng kanyang asawa. "I'm okay, how about you?" Gillan took a deep breath. "I'm not okay, Trina. I thought I would forget you if I go away, but I was wrong, because I can't forget you. Kaya ako bumalik ay para makita kita. Gusto kong humingi ng tawad at makipagbalikan sana sa'yo, but you already married to my best friend." Ilang sandaling katahimikan ang namayani. "I'm sorry, Gillan." Hindi makatingin si Trina ng diretso sa mga mata ng lalaking kaharap. Hanggang n