PAGKATAPOS mag-usap ni Trina at ng kanyang kaibigan sa apartment nito ay agad na siyang nagpaalam. Sakay ng kotse ni Daryll na pinahiram sa kanya ay dumiretso na siya sa kompanya nito. Hindi na siya kumatok pa at agad na binuksan ang pinto ng opisina ng asawa. Pagbukas niya ay nagulat pa siya nang makita kung sino ang mga taong nasa loob. Agad na napatayo ang mga ito pagkakita sa kanya at nagsi-unahan pang lumapit. "Hi, Love." Si Gillan ang unang nakalapit. "For you." Nakangiti nitong binigay sa kanya ang isang bugkos ng bulaklak. Napakurap-kurap naman si Trina at napatingin sa bulaklak na hawak ni Gillan. Pigil hininga niya na sana itong tatanggapin pero bigla na lang may bumangga sa likod ni Gillan, dahilan para mapalingon dito ang lalaki. "Tsk. Allergic ang pusa ko sa ganyang bu