“I’LL GO ahead, Dad. Nandiyan na si Michael sa labas,” paalam ni Lia sa ama bago humalik sa pisngi.
Ngumiti sa kanya ang ama at sinundan siya ng tingin.
“Natutuwa akong makita kayo na magkasama ulit.”
Natawa siya at umiling. “Huwag mong bigyan ng malisya, Dad. Hinahanap lang ako ni Lola Martha kaya siya pumunta dito saka kay Avery. Pagkatapos nito, babalik na kami sa normal.”
Bumuntong-hininga ang ama.
“Wala na bang pag-asa talaga na magka-ayos pa kayong dalawa?”
She sighed and smiled sadly at her father. “Dad, tapos na kami… masyado nang sira ang relasyon namin.”
“Fine, sabi ko nga eh, baka lang naman.”
Natawa na lang siya. “Anyway, I’ll go ahead.”
Habang naglalakad patungo sa gate ay humugot ng malalim na hininga si Lia. This will be their first time in five years for them to ride in one car together. The last time she ride in his car, they had a major fight that lead to their separation. Hindi na bumaba ang dating asawa mula sa sasakyan, sa halip ay tinulak na lang nito ang pinto ng passenger’s seat mula sa loob.
“Morning,” bati nito sa kanya pag-upo niya.
“Morning,” sagot ni Lia.
“Lola is waiting for you. Nasabi ko na sa kanya kagabi na pupunta ka ngayon at excited siyang makita ka.”
Napangiti si Lia nang maisip ang maaaring maging reaksyon ng matanda.
“Daan tayo sa fruit stand, ayokong pumunta ng wala man lang dala.”
“Bumili na ako, dumaan na ako kanina bago ka sunduin. Alam ko na prutas ang ipapasalubong mo kay Lola,” sagot nito sabay turo sa likod.
Napalingon siya sa likuran bahagi ng sasakyan at nakita doon ang isang basket na puro prutas ang laman. Napangiti siya.
“You’re still punctual as always,” komento niya.
“Pagkatapos natin kay Lola Martha, dumiretso na tayo kay Avery,” sabi pa nito.
“Did you buy flowers?”
“Hindi pa, mamaya na para fresh pa kapag dinala sa atin sa kanya.”
“It should be carnation, with stargazers and daisies. Those are her favorite flowers.”
Narinig ni Lia ang mabigat na paghinga ng malalim ni Michael.
“I know. Nag-order na ako sa kilala kong florists kahapon pa, dadaanan na lang natin ‘yon mamaya.”
Mayamaya ay natahimik si Lia. Puno ng pag-aalala ang kanyang puso. Ngayon lang siya muling makakatapak sa bahay ng partido ni Michael simula nang maghiwalay sila. Hindi niya alam kung hanggang ngayon ay galit pa rin ang mga ito sa kanya.
“Galit pa rin ba sila?” ilang sandali ay tanong niya.
“Who?”
“Your family.”
“Nakalimutan na nila ‘yon. I already forgot about it as well. Excited nga sila na muli kang makita. Sa totoo lang, lagi akong pinapagalitan ni Mommy kapag nababalitaan niya na may dine-date akong ibang babae.”
She just drew a small laugh. Unbelievable. Ang hirap paniwalaan ng sinabi nito na nakalimutan na nito ang lahat. Paano nangyari na naging ganon kadali lang para dito ang lahat? He's supposedly mad at her, o kaya naman ay nakapormal ito sa kanya. But Michael is smiling from ear to ear as if he's really happy to see her. And thinking about it makes her even more angry. Mayamaya ay lihim siyang napabuntong-hininga, sabagay, madali lang para dito kalimutan ang lahat dahil hindi naman ito ang nagmukhang masama. Marahil ay masaya na ito sa buhay pag-ibig nito kaya madali nitong nakalimutan ang nakalipas, maging siya. Pero bakit may kirot siyang naramdaman sa huli niyang naisip? She feels even more angry just thinking he's dating other woman.
“Ikaw, Lia? Kumusta ka na?”
“Well, I’ve been busy. Simula nang bumalik ako sa pagmo-modelo, hindi na ako napahinga.”
“Kumusta na kayo ni… what’s his name again? Benj?”
Sarkastiko siyang natawa at umiling.
“Let’s not talk about this, Mike. Dahil siguradong sa away na naman mauuwi ‘to. I don’t want to start my day with stress,” pormal na sagot niya.
Hindi na sumagot pa si Michael at tahimik na lang na nagmaneho. Ilang sandali pa silang bumiyahe bago tuluyan nakarating sa bahay ng pamilya ng dating asawa kung saan naghihintay si Lola Martha. Humugot ng malalim na hininga si Lia pagbaba ng kotse. Pilit tinataboy ang kabang malakas na kumakabog sa kanyang dibdib. Napalingon siya nang hawakan ni Michael ang kanyang kamay.
“Everything will be fine, I promise you.”
Ngumiti siya at marahan tumango bago pasimpleng binawi ang kamay mula dito. Nararamdaman ni Lia na may kakaiba sa kinikilos ni Michael, kung paano siya nito kausapin at kung paano ito makitungo sa kanya. Dapat ay masaya siya, dahil mukhang tuluyan na nitong nakalimutan ang pangit na nakaraan nila. Pero ganoon na lang ba ‘yon? He will act as if nothing happened, as if he did not hurt her at all.
It feels so unfair. Lia has been trapped on the night they had a big fight. Ang gabi kung saan tuluyan na nilang iniwan at tinalikuran ang isa’t isa. She suffered from the hate that she didn’t deserve because of a lie that he believed and severe miscommunication, na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam kung sino ang may kagagawan ng mga larawan na iyon na tila sinadyang ipadala kay Michael para magkasira silang mag-asawa. Until now, Lia didn’t receive a single apology. Maaaring nakalimutan na nito ang nangyari, pero hindi pa rin natatama ang mali nitong akala. Tapos sasabihin nito sa kanya na nakalimutan na nito ang lahat. Like, what the hell? Ganoon na lang kadali para dito dahil hindi siya ang nagmukhang masama. And just thinking about it, gustong magalit ni Lia ng husto. Pero kahit magalit siya ngayon, wala na rin naman silbi iyon.
“Just go with the flow, Mahalia. Wala naman sigurong masama doon. Isipin mo na lang na mga dating kaibigan at kakilala ang haharapin mo. Don’t stress yourself out,” sabi niya sa sarili sa kanyang isipan.
Naputol ang pag-iisip niya nang biglang bumukas ang pinto at lumabas doon ang byenan na babae.
“Omg, Lia!” masayang salubong nito sa kanya.
Agad siyang nagpaskil ng malapad na ngiti at yumakap nang salubungin din ito.
“I missed you, hija. Finally, nagkita na rin tayo ulit.”
Nakita ni Lia ang sinseridad ng mga ngiti nito sa kanya.
“I’m so happy to see you again, Ma.”
“Napapanood kita at nakikita ko kahit saan ang mga pictures mo. And I am so proud of what you have become.”
“Salamat po.”
“Halika na sa loob, kanina ka pa hinihintay ni Mommy.”
Mula doon ay dumiretso sila sa backyard garden at naabutan na nakaupo sa wheelchair si Lola Martha. Nang lapitan niya ang matanda, naiyak ito sa tuwa nang makita siya lalo na nang yakapin ang isa’t isa.
“Ay ang apo kong maganda, salamat at binisita mo na rin ako,” sabi pa ng matanda.
Nang tignan ang mukha ng matanda ay ngumiti ng matamis si Lia.
“Pasensiya ka na Lola kung ngayon lang ako nakadalaw. Alam n’yo naman ang mga nangyari noon eh.”
Ngumiti ito at tinapik ang hawak nitong kamay niya. “Naiintindihan ko anak.”
Lumingon si Lola Martha. “Iwan n’yo muna kami, gusto ko siyang magkausap na kaming dalawa lang,” utos nito sa lahat.
Nang maiwan silang dalawa, doon napaiyak siya nang tuluyan nang maalala ang nakaraan.
“Sorry po Lola kung hindi kita pinuntahan. Sinadya ko ‘yon dahil sa nangyari noon.”
Tumango-tango lang ito habang malungkot na nakangiti.
“Wala akong kasalanan, Lola. Wala po akong ginawa noon para masira ang relasyon namin ni Michael.”
Pinahid nito ang luha niya. “Alam ko, hija. Alam na alam ko ‘yon, dahil kilala kita at kilala ko kung paano ka pinalaki ng Daddy mo. Disente kang babae at naniniwala ako sa’yo.”
Hinila ni Lia ang isang bakanteng upuan at nilapit iyon.
“Kumusta ka na, Lola? Sinabi ni Michael sa akin na inatake ka daw last week.”
“Mabuti na ako, hija. Huwag ka nang mag-alala, malakas na ako. Sa Weekend babalik na ako sa Farm. Mas mapapabilis ang paggaling ko doon dahil sariwa ang hangin pati mga pagkain at tahimik. Hindi gaya dito sa Maynila, napakaingay.”
Pinahid ni Lia ang natirang luha sa kanyang pisngi at ngumiti.
“Namimiss ko na po ‘yong farm, ‘La. Lalo na ‘yong mangga doon.”
“Aba’y bakit hindi ka bumalik, alam mo naman bukas ang pinto ng farm para sa’yo.”
“Hayaan mo, Lola, kapag lumuwag ang schedule ko. Dadalawin kita doon, basta promise mo sa akin na iingatan mo ‘yang sarili mo.”
Marahan natawa ang matanda. “Pangako. Hihintayin kita, sabihin mo kay Michael kung kailan ka pupunta para masamahan ka dito.”
“Hindi na po, kahit ako na lang.”
“Hindi puwede! Hindi ako papayag na bumyahe kang mag-isa ng ganon kalayo.”
“Lola…”
“Alam mo apo, aaminin ko sa’yo, hanggang ngayon ay pinagdadasal ko na magkabalikan kayo ni Michael. Naniniwala ako kasi na kayo ang tinadhana ng Panginoon para sa isa’t isa. Kaya nga noong inatake ako, nagdasal ako, hiniling ko na huwag muna niya akong kunin dahil gusto ko pa kayong makita na muling mabuo ang pamilya at magka-anak ulit.”
“Lola Martha…”
Ngumiti ito at tinapik siya sa kamay.
“Hayaan mo na ang Lola mo na mangarap. Malay natin, sagutin ng langit ang dasal ko.”
Tumawa na lang siya at hindi na kinontra pa ang matanda.
“Dumito ka na hanggang sa pananghalian ah, matagal tayong hindi nagkita, gusto kong kuwentuhan moa ko tungkol sa trabaho mo.”
“Huwag kang mag-alala, Lola. Hanggang hapon, dito lang ako.”
“Aasahan ko ‘yan ha? Pagdating mo doon, may sorpresa ako sa’yo.”
“Ano po ‘yon?”
“Basta, malalaman mo lang kapag naroon ka na.”
“Sige po.”
Naging malaking parte si Lola Martha ng relasyon ni Michael. Noong bagong kasal sila ay tumira sila ng ilang buwan sa Farm nito sa Zambales. Doon siya natutong magluto ng mga iba’t ibang putahe lalo na ang mga paborito ni Michael. Sa tuwina ay palagi silang bumabalik doon tuwing weekend. At halos si Lola Martha rin ang katulong nilang mag-asawa sa pagpapalaki sa anak nilang si Avery.