Na late na ako ng gising ilang sandali pa naka rinig ako ng katok sa pinto ng aking kwarto boses ni Mommy Khaelle ang nadinig ko. Sinabihan na akong bumangon na para makakain na ng breakfast. Agad naman akong pumasok sa banyo para maghilamos at magtoothbrush.
Pagkababa ko ay naabutan ko silang nagkukwentuhan at si Ate Avara naman ay tawa ng tawa. Umupo naman na ako sa tabi ni ate at nagsandok na ako ng pagkain ko.
Pagkatapos namin kumain ay agad naman akong umakyat sa taas dahil magsisimba kaming buong pamilya at maglalunch sa labas. Tuwing sunday ay lumalabas kaming buong pamilya kapag walang pasok dahil gusto pa din ng mga parents namin na maglaan pa din ng oras sa puong maykapal at pananampalataya sa kanya.
***
Kakatapos lang namin magsimba at nag aya munang pumunta ng mall si Mommy avery dahil may mga bibilhin daw muna sya saglit sa school supplies. Hindi na ako sumunod na pumasok sa loob at hinintay nalang sila dito sa labas ng store at si ate Avara naman ay may pinuntahan. Tumingin-tingin nalang muna ako sa mga naka display dito.
" Buti nalang at dumating ako ng gabi na 'yon Geneses... "natigilan ako ng may madinig akong boses malapit sa tabi ko at senesermunan nya ang pangalang nagpapapintig ng puso ko.
Napalingon ako sa gawi nila dahil sa panenermon sa kanya ng Dean at ang pinagtataka ko lang ay bakit masyadong clingy sa kanya si Miss Asul? Pilit naman syang inirapan ng isa at binigyan ng cold look. Mukha syang pinapagalitan pero base sa expression ng mukha nya ay parang wala lang sa kanya na pagsabihan sya nito.
May bitbit na eco bag si Miss Geneses sa kaliwang kamay nito habang pumipili sa mga nakasabit na damit.
" Hay naku, Geneses ano ba kase amg pinaggagawa mo? " nakita ko sa expression ng mukha nito ang pag aalala at ng makita nya ito ay biglang naging soft ang itsura nito at don ko napansin na parang kumalma sya. Pero bakit ganun? Hindi ko maintindihan ang sarili ko ng makita kong niyakap sya ni Miss Asul ay parang nakaramdam ako ng kirot na hindi ko maintindihan.
Bumalik lang ako sa ulirat ng di ko namalayan na hinawakan ako ni mommy Khaelle sa balikat tsaka nalang ako yumakap dito sa kanya ng mapansin na wala na ang dalawang taong nakita ko. Nagtatakang tinignan ako pero niyakap ko lang sya. Agad naman na hinaplos ang likod ko at unti-unting kumakalma na ako.
" may problema ba? " tanong nito ng kumalas ako sa yakap nya. Umiling naman ako na hindi tumitingin sa mata nya. Hindi nalang uli pang nagtanong si mommy at nauna na akong naglakad pabalik kung saan naghihintay si mommy averu sa amin.
Kakatapos ko lang maligo at magpalit ng pantulog at umupo sa kama at nagpahid ng lotion sa aking balat. Pagkatapos kong maglotion ay itinabi ko na ito sa side table sa gilid ng lampshade at naisipan ko munang magbukas ng acc ko at bumungad sa akin ang napakadaming notifications.
Tinignan ko muna ang group chat namin sa office at halos sila iisa lang naman ang pinag uusapan nila.
Nag scroll naman ako sa sss at nakuha ng aking atensyon ang nakasuot na denim short at isang stripes t shirt.
Naka tag sya at kuha ang litrato sa kalye Kong San may tinitndang street foods kasama nya ang mga kaibigan nyang proffesor at kasama din si Dean. Halos lahat ng kasama nya ay nakangiti pwera lang sa isa.
Di naman talaga maipagkakaila na they are gorgeous as well. Lalo na sa isa,bakit ang ganda pa din nya kahit nakasimangot? Oh wait--did I compliment her again? Natigilan ako sa naisip. Agad nalang na binalik ang phone ko sa side table at humiga nalang ako at napatingin sa kisame.
Hanggang sa paggising ko ay mukha nya pa din ang nakikita at naiisip ko. Sign na ba ito na crush ko na sya?
Hindi naman siguro dahil straight ako at normal lang naman na humanga sa isang tao.
Ilang linggo at tinuruan na akong magdrive ni tito Daniel kapatid sya ni Mommy Khaelle. Since hindi naman daw sya busy ng 1 week dahil sya nagpresinta na turuan akong magdrive.
Pagkahatid sa akin ng family driver namin ay agad kung itinapat ang I. D ko sa scanner at pagkatapos ay agad na akong pumasok sa loob. Dumaan muna ako sa SC OFFICE para sabihin kay Gray ang public information para maipaskel ang announcement para sa open na pagsali sa mga clubs at ang iba pang activities ng school ngayong taon.
Sakto naman na napadaan ako sa faculty at napasulyap ako sa office nya. As usual ay wala pa sya dahil maaga pa naman ala sais y medya palang ng umaga.
"Uy ponkan! "
Nadinig kong boses 'yon ni Brianna habang naglalakad na ako papuntang klase ni Ma'am Rodriguez. Inakbayan naman ako nito.
" Oh, bakit? " maikli kong tanong sa kanya.
" Nabalitaan mo na ba na si Sir Clarence muna ang prof natin sa culinary? " napatingin naman ako sa kanya na nakakunot ang noo.
" Huh? Bakit naman daw? Wala ba si Ma'am Rodriguez? " react ko na parang nabibigla. Bakit naman kaya hindi sya magtuturo. Napatawa naman ang katabi ko sa nalaman na hindi si miss geneses ang magtuturo.
" Buti nga 'yon eh para naman makakita ako ng gwapo! " napatawa naman ito sa sinabi nya. Seriously?
" mag hunus dili ka nga Brianna kukutusan na kita eh! Ang harot mo... " napailing nalang ako sa turan nito ng makapasok na kami ng classroom.
Napahinga naman ako ng maluwag ng wala pang prof na dumating.
Lumipas ang ilang araw at hindi pa nagpapakita si Ma'am Rodriguez. Haayy bakit kaya wala pa sya? Ayaw na ba nyang magturo sa amin? Napabuntong hininga nalang ako sa isipin na hindi ko sya nakikita. Lalo na kapag nakikita ko syang nagtataray kapag nagkakatinginan kami.
Di ko maiwasan na maisip sya parang gusto ko lagi syang nakikita lalo na ang kanyang mga mata.
Naisipan ko munang magpunta ng music room dahil ilang minuto ng wala pa ang next proffesor namin. Nagpaalam muna si Brianna na pupuntang cafeteria para bumili ng tubig.
" Punta lang ako music room... " Paalam ko sa kanya at tumango naman ito.
Iilang students ang nakakasalubong ko ang bumati sa akin bago pumasok sa loob.
Buti nalang at walang tao dito ngayon dahil gusto ko munang mapag isa. Halos lahat ng gamit na instrumento ay nandito. Nilapag ko muna ang bag ko sa table at naglakad ako tungo sa stage at hinawakan ko ang gitara.
Kusang nag strum ang aking mga daliri sa strings ng gitara at isang kanta ang agad na pumasok sa isip ko.
Kusang nag strum ang mga kamay ko sa string ng gitara at isang kanta agad ang pumasok sa isip ko at sinimulan pagtugtugin.
I can be tough,
I can be strong,
But with you, its not like that at all...
Sinimulan kong kumanta habang iniisip sya na sana ay nandito sya.
There's a girl that give a shit
Behind this wall,you was just through it
And I remember all those crazy things you said
You left them running through my head
You're always there,you're everywhere
But right now, I wish you were here...
At kusang pumikit ang mga mata ko ng dinadama ko ang kanta I wish you were here. Palagi ko sya naiisip kahit saan ako magpunta lagi sya sumasagi sa isip ko. Hindi ko pa din maintindihan 'tong nararamdaman ko...baka alam nyo pwede paki tell naman sa akin?
All those crazy things we did
Didn't think about it just went with it
You're always there, You're everywhere
But right now I wish you were here...
Damn damn, damn, damn
What i'd do to have you here,here,here
I wish you were here...
Hindi ko alam kung bakit ako nandito,ang alam ko lang gusto kong tumugtog at kumanta ng mag isa pero bigla ka nalang sumasagi sa isip ko.
Damn, damn damn, damn...
What i'd do to have you near, near, near,near
i wish you were here...
Hope nandito ka ma'am Rodriguez... Ugh para akong nababaliw. Aaminin ko naman na humahanga ako s akanya bilang proffesor na magaling magturo...
Pero 'yon lang ba? -tuya naman ng isip ko.
Hindi ko alam. Binabaliw na ako ng sarili kong isip char.
' nababaliw ka na nga'tinawanan naman ako ng isip ko. Kaloka bakit ba ako nakikipagtalo sa sarili kong isip, e.
Hanggang sa natapos ko 'yong kanta habang nag hmm pa din at ko lang nadinig na may nagpalakpak.
Nagulat naman ako ng makita ko sya kasama katabi nya si Dean at ang ibang proffesor ng school.
What an act orange---sh*t!