Kakalabas ko lang ng school ng makareceive ako ng tawag galing kay Mommy Khaelle agad ko naman itong sinagot sakto ng dumating ang family driver namin.
Agad naman akong sumakay at sinarado ng driver ang pintuan. Kakapagod lang ang araw na ito at ang dami kong ginawa sa office at idagdag mo pa ang nangyari kanina sa class ni Miss Geneses.
Pwede na akong lamunin ng lupa dahil sa kahihiyan.
Napadako naman ang tingin ko sa labas ng sasakyan ng makita ko syang nakatayo sa may tapat ng convenience store na busy ito kakalikot ng phone nya at napakunot ang noo ng mau huminto na sasakyan sa harapan nya.
" Ma'am Rodriguez, Sakay na po kayo," Sabay mosyon ko at binuksan ang pintuan ng sasakyan. Binigyan ko pa din ito ng magaang ngiti matapos nya akong tinaasan ng kilay.
" No. I have my car. " madiin na sabi nya habang nakatingin pa din sa phone. Edi wag! Wala sa sarili na pinabalibag kong isinara ang pintuan at napahalukipkip nalang ako sa dibdib.
Paano ba naman kase hindi man lang ako nito tinapunan ng tingin. Tsk ano ba pakialam ko s akanya bakit ba ako nagkakaganito. Mabait pa din ako sa kanya kahit ganun sya. Parang laging pinaglihi sa katarayan.
Pagkadating namin sa bahay ay agad akong dumeretso sa living room at naiimis na napahalukipkip ako sa braso. Napakataray talaga ng proffesor na 'yon.
Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito sa kanya. Tsaka naman dumating si Mommy Khaelle ng madatnan nya akong itsura ko na wala sa mood.
" What's Wrong Sweetheart? " agad na umupo ito pagkatapos nyang ilapag ang bag sa sofa at nag aalalang nakatingin sa akin.
" Wala po ito mom, siguro pagod lang ako sa school. " sabi ko nalang.
" Ok. Magbihis ka muna at mamaya kakain tayo sa labas. At susunduin ko ang mommy avery mo sa school... " tumango na lamang ako at agad na umakyat sa kwarto ko at binalibag ang sarili sa kama.
Pagkatapos kong magbihis ay agad na akong bumaba at sakto naman na kakalabas lang ni Mommy khaelle sa kwarto nila at nakabihis na din.
" Let's go. " mosyon nito at agad ko syang sinundan at sumakay and we're off to go.
Nandito na kami sa labas ng school kung saan nagtuturo si mommy Avery. Yes, isa syang proffesor. Sakto naman na papalabas na sya ng kawayan sya ni Mommy Khaelle at pinagbuksan naman sya nito ng pinto.
" Thanks My looove... " sabay kinindatan naman ito ni mommy kaya nagblush naman 'yong isa.
Natawa naman si mommy Avery ng makita ang itsura ng isa. Lumipat ako ng pwesto dito sa may back seat. Nakakatuwa sila at alam kong mahal na mahal nila ang isa't isa na kinuwento sa akin ni Tita Jane at madami daw silang pinagdaanan bago sila naging masaya at bumuo Ng pamilya.
" Ganyan ka pa din mula noon love. Wala pa din kupas alindog ko sa'yo..." natatawang sabi ni mommy dahil hinalikan sya sa labi.
Tumikhim naman ako para malaman nila na nag eexist pa din ako.
***
" Good morning pres! "
" Pres, Bakit ang ganda mo! "
Dinig kong bati ng mga nakakasalubong ko at araw-araw naman na ganyan palagi ,e. Kakatapos ko lang manggaling sa SC office at naisipan ko munang magpunta ng comfort room para mag ayos ng sarili at sakto namang pagbukas ko ng pintuan ay may dalawang bulto ng tao na nag memake out na ikinagulat ko na agad naman akong nakabawi.
Agad ko naman nakilala ang isa sa kanila, si Jasmine. Na kilala bilang isang certified playgirl sa school at di na ako magtataka.
Sinubukan din ako nitong landiin pero hindi sya umobra sa akin. Maganda din sya katulad ko. Pero mas maganda pa din ako :)
I appreciatr their beauty but I respect them for their sexuality.
Agad naman akong naglakad patungong sink at nag ayos ng sarili pagkatapos ay naghugas ako ng kamay. Hindi ko na sila nilingon pa at lumabas na ako ng comfort room. Dumaan ako sa likod para hindi ako masyado makita ng ibang student ng makita ko syang may kausap sa labas at sa tingin ko ay mas a head pa ako dito ng dalawang taon.
" Go ahead. " Dinig kong sabi nito sa seryosong tono at agad namang umalis ang kausap nya na halatang hindi dito nag aaral 'yon dahil na din sa iba ang uniform na suot nito.
Hindi ko alam kung sino ang taong kausap nya pero parang bigla akong nakaramdam ng hindi ko malaman kung ano. Napaka cold pa din ang awra nito ng mapansin ako nitong nakatingin sa kanya at binigyan ako nito ng irap.
" She's gorgeous but she's mataray." bulong ko pero bigla naman akong natigilan ng magsalita ito.
" What did you say? " nagtama ang mga mata ng umangat ang tingin ko sa kanya kaya napanganga nalang ako ng binigyan na naman ako nito ng sandamakmak na irap. Akala ko pa naman hindi nya madidinig dahil ilang metro naman ang layo ko sa kanya.
" ah.. E.. Nothing ma'am. Ang sabi ko ang ganda mo... Mauna na po ako.. " hindi ko na inintay ang sasabihin nya dahil alam ko naman kung ano ibibigay nya. Napatakbo nalang ako dahil sa pinagsasabi ko sa kanya. Kaloka ka Self anong pinagsasabi mo...ugh
Bigla naman akong hiningal ng makadating ako ng room namin at sakto naman na tumahimik ang mga kaklase ko. pagkatapos sumara ang pinto at nasinig ko ang papalapit na takong sa bandang harapan ko. Nakayuko lang ako at nakatingin sa floor. Nakaramdam naman ako ng kaba ng bigla akong sikuin ng katabi ko.
" Good morning. " dinig kong naka matic tone proffesor na ito kaya tumingin na ako sa kanya at biglang nagtama ang mga mata namin. Mga matang wala na namang emosyon ang makikita kundi ang cold at pagiging firm nito syempre kasama na Yong mataray nyang aura.
Bigla ko tuloy naalala ang sinabi ko kanina lang at napa face palm nalang ako sa aking noo. Napagmasdan ko na naman ito habang naglelecture sa harapan.
I check her out . She wears eye glasses today. She's sexy and hot with her attire white pencil skirt ang long sleeve shirt na may nakaukit na logo ng school sa bandang kaliwang dibdib.
Napadako na naman ang tingin ko sa malaki nyang ano---oh wait! Ano ba itong pinag iisip ko na para ko ng minamanyak si Miss Geneses nito sa utak ko. Mg hunus dili ka nga self.
Muli akong humarap sa harapan ko at bigla na naman akong nakaramdam ng panlalamig ng kamay ng mahuli na naman nya akong sinisipat ang suot nya at sa---
" Miss Ortega, are you listening? " bigla naman akong napaayos ng upo ng magtama ang mga mata namin kaya napalunok ako. Nakikinig naman ako pero nasa ibang bagay ang isip ko. Ano bang nangyayari sa akin
Binigyan na naman ako ng matalim na tingin at pinipigilan ang sarili na magalit. Hindi ako agad nakaimik. " I don't need a student who doesn't listen in my class and most especially when their mind is absent! ... "
" Okay get one fourth sheet of paper and answer this.." May sinulat sya sa white board habang ang ako naman ay nagsusulat ng name ko sa paper.
" What is the 12 Cooking skills that adult should be learn. I'll gave you 30 sec to answer it.. 1...2.." she count sh*t ano ba naman yan ang bilis naman. Buti nalang at nakikinig ako kahit nasa ibang dereksyon ang isip ko.
" pass your papers now and you can go." Tumingin ako sa paligid at ako nalang pala at si Ma'am Rodriguez. Nakita ko naman na papalabas na din si Brianna at nagliligpit na din ng gamit si maam . Kaya naman ay dagli akong tumayo para ibigay 'yong papel ko ng malapit na itong lumabas.
" Ma'am..." Bigla naman akong natigilan ng makaramdam ako ng paso ng mapadikit ang kamay ko sa kanya. Agad naman nitong kinuha ang papel at tsaka na ako iniwan na tila naguguluhan.