Sa likurang bahagi ng pool area ay may isang bahay na nagsisilbing dressing area at pahingaan. Doon kami pumunta ni Tyron upang tulungan ko siya sa paglalagay ng bandage sa sugat niya. Medyo kabado pa ako dahil first time kong maglalagay ng bandage tapos doktor pa iyong lalagyan ko. "Tama pa ba ang ginagawa ko?" tanong ko habang pinatungan ng ikalawang layer ng bandage ang gauge na una niyang pinalagay upang masigurong hindi papasukin ng tubig. "You're doing it right," aniya. "Ang gaan ng kamay mo. Bagay ka talagang maging nurse." "Ayaw ko," mabilis kong tanggi. Nilagyan ko adhesive paper tape iyong paligid kahit na may sariling adhesive iyong gamit naming bandage. "Hihintayin kong magbago ang isip mo," aniya. Sasagot pa sana ako pero bigla kong na-realize kung gaano kami kalapit s