Huminga muna ako nang malalim bago mahinahong nagsalita, " Gusto ko sana, na hayaan mo muna akong makapagtapos sa pag-aaral bago natin ipaalam sa iba ang tungkol sa'tin." Lihim akong napangiwi dahil mukhang mali yata iyong huli kong sinabi dahil wala namang kami. Manliligaw pa nga, 'di ba? Pero may 'tungkol sa'tin - tungkol sa'tin' pa akong nalalaman! "Masyado na yata akong matanda pagdating nang araw na iyon," sagot ni Tyron. "Hindi na pala kita pwedeng ligawan." May kumirot sa puso ko dahil sa sinabi niya. Ang bilis namang nagbago ng isip niya! Hindi pala gano'n kalalim ang nararamdaman niya para sa'kin dahil hindi niya kayang maghintay ng four years. Binabalak niya pa talagang magpaalam kay Nanay gayong ang bilis niyang sumuko. Kung nagkataon ay nalagay pa sa alanganin ang trabaho ni