Buong durasyon nang paglulunoy namin ni Tyron sa jacuzzi ay hindi niya ako hinayaang umalis sa kandungan niya. Halos hindi nga niya tinigilan ang mga labi ko, which is gustong-gusto ko naman. Mabuti na lang at walang gumawi sa kinaroroonan namin. Nang maghahating gabi na ay pinasya naming bumalik na sa bahay nila. May nakahandang mga bathrobe para sa mga gagamit ng jacuzzi at iyon ang pinasuot sa'kin ni Tyron. Hindi na niya ako sinamahan sa loob ng bonggang restroom ng lugar. Napaka-awkward naman niyon kung tutulungan niya akong magbihis. Wala akong dalang damit kaya hindi ko na hinubad iyong basa kong underwear at pinatungan na lang ng malinis na bathrobe. Medyo malaki ito sa'kin kaya halos umabot sa talampakan ko. Ang bango nito, amoy-Tyron. Pinigaan ko muna iyong basa kong dam