"ATE! MAG DAHAN DAHAN KA NGA!" gulat na sigaw ni Nessa na nasa tapat ng pinto. Natawa lang ako sa kanyang reaksyon, paano ba naman bababa lang naman ako ng hagdan gusto nya pa ng aalalayan pa ako sa kahit anong gagawin ko napaka over protective nila ni Nanang sakin grabe sila mag-alaga. "Nako ate tawa tawa ka pa pag ikaw tumalbog na parang bola dyan." umiiling niyang sabi. Lumapit siya sa akin na may hawak na suklay, nakabihis na sya at ready na. Inabutan ako ni Nanang ng tubig na nasa baso. Inabot ko yun at ininom. "Tama talaga ako lalaki ang anak mo." Napangiti ako sa sinabi ni Nanang, hinaplos ko yung malaking umbok ng tyan ko. "Mamaya po ay malalaman na nating kung babae ba o lalaki siya." Lumapit sa amin si Nessa na may dala dalang sling bag. "Tara na ate." baling niya sa akin