I decided na umalis matapos kong makalabas ng hospital, gusto ko ng mag pakalayo layo para sa baby ko. Gusto kong mag simula muli, malayo sa lahat ng gulo. Nag punta ako sa province ni Nanang Gelay na nag-alaga sa akin nung buhay pa ang mga magulang ko. Hindi na din muna ako nag paalam na mag asawa. Nahihiya na di ako sa kanila dahil sobrang dami na nilang naitulong sa akin. Nang marating ko ay naglakad ako patungo sa bahay ni Nanang mabuti ay natatandaan ko pa din. "Nanang Gelay?" "Tao po? Nanang?" Maka ilang ulit akong tumawag ay may nag bukas na isang babae na medyo bata pa. "Ay sino po sila?" nagtataka na tanong niya sa akin. Nginitian ko siya. "Nandyan ba si Nang Gelay?" Tumango siya. "Nanang may magandang babae na nag hahanap sayo!" sigaw niya tsaka naglalakad papasok. Nang