KABANATA 2

1047 Words
NAMALENGKE kami ni Mama kinabukasan. Isa din ito sa rason kung bakit hind ako pwede sumama kila Macy. Tuwing grocery kasi ay sinasama ako ni Mama. Ilang taon na ito kaya nakasanayan ko na. Bonding na din namin.  Kay Mama ko natutunan iyong maglilista ng dapat bilhin bago pumunta sa grocery. Para daw hindi kami ma-over budget. Tingin ko effective talaga siya dahil hindi naman kami sumosobra sa dapat bilhin. Yakap-yakap ko ang paper bag habang nasa karinderya malapit sa amin. Umalis si Mama saglit dahil may nakalimutang bilhin kaya sumaglit na lang siya palengke malapit lang din sa amin. Sabi niya dito na kami kumain sa karinderya para hindi na magluluto at wala na ding huhugasang plato. “Ikaw, Vera? Ito lang sayo?” tanong ni Ate Lucy. Nilapag niya ang plato na may lamang adobong baboy at kanin. May chop suey na din.  Tumango ako. “Umalis pa si Mama saglit. Pagdating na lang po iyong kanya.” Ngumiti ito at tumango. Tinabi ko muna ang paper bag sa ilalim ng lamesa. Nagsimula akong kumain mag-isa. Sabi kasi ni Mama mauna na daw ako dahil alam niyang gutom na ko. “Ito na lang akin.”  Napakislot ako sa baritonong tinig na iyon. Gusto kong lumingon pero nahihiya ako na gawin. “Ay, sige ho! Isang order lang po ba nito?” “Oo. Tsaka isang kanin lang.” “Sige po. Pasok po kayo. May lamesa pa po sa loob!” Binuksan ko ang mineral bottle sa tabi at uminom. Nanuyo’t bigla ang aking lalamunan. Tila ba may kakaibang epekto sa akin ang boses na iyon. Ang ganda pakinggan. Buong-buo at lalaking-lalaki ang dating. Ganoon din kaya ang itsura niya? Nakagat ko ang ibabang labi. Kapag nalaman ni Mama na nagpapa-apekto ako ng ganito sa isang lalaki. Sabunot ang aabutin ko. Binagsak ko ang tingin sa aking plato at bumalik sa pagkain. Antagal ni Mama. Akala ko saglit lang siya. Nagpalinga-linga ako pero wala pa din siya. Nasa harap lang naman ng karinderya ang palengke. Bumili kasi ito ng para sa lulutuin mamayang gabi. Wala kasi sa grocery. Naubusan ng cream. Baka napasarap si Mama sa pagbili kaya natagalan. Malapit na sa kalahati itong kinakain ko ay wala pa din siya. “Sige po. Enjoy your meal!” si Ate Lucy na kahit matanda na ay kinikilig pa ata sa pinagsisilbihan niyang customer. Nag-angat ako ng tingin. Nahagip ng mata ko iyong lalaki na naka-cap. Sumulyap pa sa akin bago nagbaba ng tingin para kumain. Pasimple akong sumilip. Kaso may nakaharang pa kasi sa harap ko na customer ko din sa kabilang table bago iyong table ng lalaki.  Nagpatuloy ako kumain. Masyadong mabagal dahil nga inaantay ko pa si Mama. Nakakahiya naman na tapos na kong kumain ay andito pa rin ako nakaupo. May ibang customer kasi na kakain. “Lucy! Magkano itong akin? Magbabayad na ko,” tawag nung lalaki sa harap ko. Sinabi ni Ate Lucy iyong presyo. Nagbayad iyong lalaki kaya tumayo na at umalis. Naging bakante na tuloy sa harap ko at malaya ko ng nakita iyong lalaki na naka-cap. Tulad kung gaano kaganda ng boses niya ay ganoon din ang kanyang pangangatawan. Maputi at makinis. Para siyang anak ng mayaman. Kahit na naka-yuko ito masasabi ko na hindi siya basta-bastang tao. Hindi siya katulad namin. Ang kanyang ilong ay maganda ang pagkakatangos. Napalunok ako ng pagmasdan ang manipis nitong labi. Sa tanang buhay ko nagyon lang ata ako naka-appreciate ng lalaking maganda ang labi sa personal. Napakurap ako at nagbaba ng tingin.  Namula ang aking pisngi habang iniisip ko kung gaano kagandang lalaki iyong bagong customer ni Ate Lucy. Sumubo ako ng pagkain. Nginuya ko iyong mabuti tulad ng turo sa akin ni Mama. Bago nag-angat ng tingin para kunin sana ang tubig kaya lang naabutan ko iyong lalaki na nakatingin sa akin. Namilog ang mata ko sa gulat. Nagulat ako dahil nagkatitigan pa kami at totoong gwapo nga siya! Hindi ko alam kung imahinasyon ko ba iyong nakita kong multo ng ngiti sa gilid ng kanyang labi. Para bang nasatisfy siya sa reaksyon ko. Na nagulat ako. Napaiwas ako ng tingin at uminom ng tubig. Mabilis kong binagsak ang mata sa pagkain. Pinilit kong kumain kahit alam kong naiilang na ko dahil sa mga matang nagmamasid sa bawat galaw ko. Hindi ko tuloy manguya ng maayos ang pagkain.  Mula sa gilig ng aking mata ay nakita kong tumayo iyong lalaki. Nanatili akong nakayuko.  “Magbabayad na ko. Magkano lahat?” Napalunok ako ng marinig ang kanyang boses. Parang DJ lang sa radyo. Hindi nakakasawang pakinggan.  “Ay 70 lang, pogi!”  Tumikhim ako at uminom ng tubig na galing sa bote. Diretso ang aking tingin pero kita ko pa rin naman ang kilos niya mula sa gilid ng aking mga mata. Kinuha nito ang wallet mula sa likod ng kanyang pantalon. “Ay naku! Malaki! Wala bang maliit lang, pogi?” Naghanap muli ito ng pera pero mukhang lilibuhin ang naroon dahil nagreklamo pa rin si Ate Lucy. Binagsak ko ang tingin sa sariling pagkain. Nakita ko ang bulto ng lalaki sa aking gilid. Maya-maya pa ay nagulat ako sa isang libo na nilahad sa aking harap. Nag-angat ako ng tingin. “Do you have change for 1000?” Umawang ang bibig ko at hindi makapagsalita. Natulala ako sa mata nitong kulay asul. Masyado kasing halata iyon at ngayon lang ako nakakita sa personal. Tila perpekto ang pagkakagawa sa kanyang mukha. Makapal na kilay. Matangos na ilong. Prominenteng panga at manipis na labi. Malinis siya at mukha ding mabango! Patawarin nawa ako ni Mama! Sinuway ko siya sa aking isipan. Napakurap ako ng ngumisi muli ito. Kumalabog ang dibdib ko. Tumingin ako sa ibang direksyon pagkatapos ay umiling. “W-wala...” Totoo naman. Wala kasi ang wallet ko kundi na kay Mama. Kaya nga hindi ako pwede umalis dito hanggat wala siya dahil si Mama ang magbabayad ng pinagkainan ko. “I knew it...” Kumunot ang noo ko at bumaling sa kanya. Tila may laman iyong sinabi niya pero guni-guni ko lang ata iyon. Kung alam pala niyang wala akong barya. Bakit pa ko tinanong? Magsasalita sana ako kaso tumalikod na ito at ang naabutan ko ay ang malapad nitong likod habang nakikipag-usap na kay Ate Lucy. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD