Buong araw na batak na batak sa pagkukumpuni ng mga sirang sasakya si Jo. Pero kahit ganoon ay hindi niya pa rin nakakaligtaan patingin tingin sa daanan at baka dumaan na naman ang dalaga ng hindi niya napapansin. Nakalimang sasakyan din ang nakumpuni nilang dalawa ni Mang Kiko. Ngunit hindi niya pa rin napansin na dumaan ang dalaga.
Magtakip silim na. Pero hindi pa rin dumadaan sa talyer ng pinagtatrabahoan ni Jo ang hinihintay niya. Kunot noong napatingin muna siya sa relong pambisig niya. Nakakapagtaka, kalimitan ganitong oras ay umuuwi na ito o hindi kaya ay kanina pa ito nakauwi. Ito lang kasi ang dadaanan ng mga taong papasok sa compound nila. Kaya kabisado niya na kung anong oras ito umuuwi. Naglakad muna siya papalapit sa kalsada para tiningnan ang highway na nasa di kalayuan lang ng talyer nila, kung saan siya ngayon nakatayo. At doon kita niya ang mga liwanag ng headlights ng mga sasakyan na tumatama sa poste na malapit sa kinatatayuan kaniya.
" Nakauwi na kaya iyon? Tanong niya sa sarili. "Pero hindi imposible naman mangyare iyon, hindi niya naman nakita itong dumaan." Hindi kumbinsidong sabi niya naman sa sarili. Sa huli ay napagpasyahan niya na lang nahintayin ito sa labas ng bahay nito na minsan ay palagi niya rin naman ginagawa.
"Jo! Tawag ni Mang Kiko sa kaniya. Kaagad naman siyang napalingon sa gawi nito.
"Po. Siya at naglakad na papalapit rito.
"Uuwi kana ba agad? Malalim ang hiningang tanong nito sa kaniya. Tingin niya nagmamadali talaga itong naglakad para maabutan lang siya ngayon.
"Opo, pagkatapos kung magligpit ng mga gamit ko. Tukoy niya sa mga gamit niya na ginagamit sa pagkukumponi ng mga sirang sasakyan na magpasahanggang ngayon ay nakalatag pa rin sa lupa.
"Bakit po? Hindi niya mapigilan itanong rito.
Kita niya naman na napakamot ito ng kalbong ulo nito, saka nagsalita.
" May kumpare kasi akong tumawag at nagpapakumpuni ng kaniyang sasakyan.
"Ganoon ho ba Mang Kiko? Kaagad na sagot niya rito. Mabuti po iyon, wala po akong gagawin bukas. Linggo kasi bukas pahinga ng talyer. Pero puwede niya naman itong trabahuin kahit linggo.
"Eh, iyon nga ang problema ko, Jo. Nagkamot na naman ito ng ulo nito sa sinabi nito iyon.
" Ngayon niya kasi gustong trabahuin ko. Aalis kasi sila bukas ng maaga ng kanyang maybahay, papuntang binyag ng anak ng inaanak niya. Kung hindi lang sana nanlalabo ang mga mata ko sa gabi ay hindi na kita aabalahin pa. Nahihiyang sabi naman nito sa kaniya ng hindi na makatingin ng deretso sa mga mata niya.
Walang kaso sa akin iyon mang kiko. Tawagan niyo na po ang kumpadre niyo at tatrabahuin na natin ang sasakyan niya. Sabi niya na agad rito, pansin niya naman nagliwanag ang mukha nito sa pagpayag niya rito. At dalidaling patakbong bumalik ito sa bahay nito na katabi lang ng pagmamayari nitong talyer para tawagan ang kumpadre nito. Ayaw niya na sanang pagbigyan ito, kasi bukod sa pagod na ang katawan niya. Ay tapos na ngayon araw ang trabaho niya bilang isang mikaniko sa talyer nito. Pero kahit gusto niya itong tanggihan ay nangingibabaw pa rin ang malaking utang naloob niya rito.
Isang mini van ang dumating sa talyer ni Mang Kiko. At halos tatlong oras din niyang kinumponi iyon, bago siya natapos.
"Ayos na po. Sabi niya sa may-ari. Nakausap lang si Mang Kiko kanina.
"Gamitin niyo na lang po ito ng madalas, para po palaging nakukundisyon ang mga makina ng sasakyan niyo. Dagdag niya na sabi sa may ari. Na ikinatango naman nito. Bago umalis ay kita niyang nagusap muna ang mga ito sa presyo ng babayaran nito. Pero hula niya ay inilibre lang ito ni Mang Kiko. Dahil nakangiti lang ito at nagpasalamat na walang inaabot bago ito nagpaalam na sa kanila. Well ganoon naman talaga kung minsan ang magkukumpadre kahit mahirap na sitwasyon ay nadadaan pa rin sa diplomansyang usapan.
Sa kabilang banda, habang abala na sa pagliligpit ng mga gamit si Jo. Nang may isang mamahaling kotse ang huminto sa tapat ng talyer ni Mang Kiko. Pinagsawalang bahala niya na sana ito at hindi pagtuunan ng pansin. Nang bigla ay may lumabas na naman lalaking isang tisoy at mas lalo pang naghuhumanterado ang puso niya sa galit ng makilala ang akay akay nitong babae palabas ng kotse nito. Hindi lang iyon, nagyakapan pa ang mga ito ng mayroon ngiti sa mga labing naghiwalay. Sa nakita ay agad niyang binitawan ang mga tools na hawak niya at mabilis na napatayo at nakapamulsang inilanghakbang ang pagitan niya at ng mga ito.
" Mukhang ginabi ata tayo ngayon ah? Pasikali ay agaw pansin niya sa mga ito. Nagtagumpay naman siya ng lumingon kaagad ang mga ito sa gawi niya.
"Ayos ah, dito pa talaga sa talyer kayo ni Mang Kiko nagyayakapan. Dagdag na hirit niya pa sa sasabihin dito.
"Ikaw? Duro niya sa lalaking nakapamulsa lang din sa gilid ng sasaktan nito katulad niya.
"Hindi kaba natatakot na bakakuyogin ka ng mga babaeng tagarito? Tisoy ka pa man din. Sa bagay mas pabor nga iyon sa akin eh, para wala na akong kaagaw. Bulong niya ng pagkakasabi sa huli.
"Ikaw? Agaw niya kay Debbie na kanina pa pala nakamata sa kaniya.
"Ganito ba ang oras ng paguwi ng matitinong babae? Siya na hindi mapigilan sumbatan ito.
"Maybe. Maikling sagot naman nito sa kaniya, na ikinapantig ng tainga niya. Bago nag aya na itong umalis sa kasama.
"Anong maybe maybe ka diyan? Buong araw kitang hinintay tapos ngayon, maybe maybe lang ang isasagot mo sa akin? Siya.
"Tapos makikita kita kasakasama lang ito? Siya, hindi naman sa judgemental pero talagang wala siyang tiwala sa mga ganitong klasing mukha. Masyadong babaero, baka lukohin lang si Debbie nito pag ito ang naging boyfriend niya. Eh, anong gusto mo ikaw? Tanong naman ng isip niya. Puwede.
Pagkatapos sabihin niya iyon ay tinitigan lang siya ni Debbie ng malalim. Pagkatapos ay saka nilingon ang kasama nito.
"Let's go Art. Gusto ko ng magpahinga. Malalim na na boses na sabi nito sa kasama. Kaagad naman tumalima ang kasamang lalake nito. Bago umalis ay tumingin muna ito ng magkahulugan at ngumisi sa kaniya bago sumunod at yumakap sa dalaga ng naglalakad na.
"Debbie, Debbie, may love! Tawag niya sa dalaga na napakagat pa sa mga labi niya. Nang mapagtanto ang mga masasakit na sinabi niya rito. Hindi naman siya nito pinansin at mas lalo pang idinikit nito ang buong katawan nito sa kasamang lalaki nito. Sa nakita ay ngali ngali niya naman susundan ang mga ito o babalikan ang mga gamit na naiwan niyang ligpitin niya kanina bago pa dumating ang mga ito.
Ang nalilito niyang isip ay bigla na lang nawala ng makita niya si Mang Kiko. Na sinenyasan siyang ( Sige na sundan mo na sila at ako na ang bahalang magligpit ng mga gamit na naiwan mo)
Sa ginawa nito ay nakangiting iniwan niya na ang may edad at naglakad na para sundan ang mga ito. Malayo lang ang pagitan niya sa mga ito. Tama lang din para makita niya itong akap akap ang isa't-isa. Kalahating oras din ang lalakarin nilang tatlo bago makarating sa mga bahay na tinutuluyan nila.
Tiningnan niya muli ang mga ito, na hanggang ngayon ay magkayakap pa rin naglalakad sa makipot na daan ng eskineta. Napatawa na lang siya sa sariling kahibangan. Ewan niya ba? Alam niyang hindi na normal ang nararamdaman niyang pagkagusto niya rito. Ultimo, ni sa panaginip niya ay palagi nga itong sumisingit ito. Kung artista lang siya, ay tiyak papasa na itong extra, dahil sa role nito sa buhay niya. Bukod pa roon ay pinagkamalan na nga siyang adik ng mga taong nakapalibot sa kaniya sa bahay at ni Mang Kiko. Dahil sa labis ng pagkahibang niya rito. Pero ang lahat ng iyon ay wala siyang pakialam. Siguro kung kapanahunan pa ngayon ng war in drug ay tiyak siguradong matagal na siyang napatukhang. Hindi sa adik siya sa ipinagbabawal na gamot, kundi adik siya sa babaeng nagngangalan Debbie Love.
Namalayan niya na lang na nasa tapat na ang mga ito sa bahay ng dalaga. Nang makita niya ang mga itong nakahinto na at nagtuloy tuloy ng pumasok sa maliit na bakuran ng bahay nito.
Katulad ng inaasahan niya, pumasok na ang mga ito sa loob ng bahay nito at pinatay na ang buong ilaw nito sa labas ng bahay. At tanging maliit lang na liwanag ng maliit na ilaw sa tabi ng bintana ang nakasindi sa loob ng bahay nito. Hindi niya na kailang pang hulaan ang gagawin ng mga ito pagkatapos.
Dahil sa dalawang taon na pagtatrabaho nilang dalawa ni Ana sa club, madalas ay sa ganito talaga nauuwi ang lahat. Ang pinagkaiba lang nilang ay ipinapalinis lang sila ng mayari ng club. Sinubukan naman nila ang pagsasayaw at pagkanta, kaso imbes na masiyahan ay nabadtrip lang sa kanila ang mga nanood na kustomer sa kanilang dalawa ni Ana. Kaya noong na raid ang club na pinagtatrabahoan nila ay napilitang silang dalawa ng kaibigan na maghanap ng ibang trabaho. Sa awa ng dios, natanggap sila sa propesyon na pinag aaplayan nila. Siya bilang isang silbidora sa isang kainan sa kabilang baranggay lang. Ang kaibigan niya naman na si Ana ay isang janitress sa isang kompanya.
Kakatawa nga eh, akala niya magiging silbidora na siya habang buhay. Pero bigla ay nagiba ang ihip ng hangin at naging mekaniko siya, nang makilala niya ang dalagang si Debbie.
"Yeah, si Debbie. Bigla ay nausal niya sa kawalan.
"Ang sarap sigurong ma--- Bigla ay naputol ang sasabihin niya ng bigla na lang lumiwanag ang ilaw sa labas ng bahay nito. At doon niya napagtanto na nasa tapat na rin pala siya ng pintuan ng bahay nito na nakatayo. At bigla ay nanlalaki ang mga matang nakitang kanina na pala nakataas ang isang kamay niya sa ire. Handang handa ng kumatok ano man oras. Sa mararamdaman kahihiyan at takot, na ba ka mapansin at makita na nandoon siya ng mga ito. Ay mabilis pa sa alas kuwatrong tumakbo siya paalis ng bahay nito. Nagkadatisod tisod pa siya sa mga bakod na gawa sa kawayan, dahil sa pagmamadali. Pero hindi niya iyon ininda ang lahat ng mga iyon. Nang makarating siya sa bahay nila, ay deredetsyong siyang pumasok sa loob ng bahay na malakas ang kabog ng kaniyang dibdib.
" Na pano kang bata ka at pawis na pawis kang umuwi? Si Nanay Tiring na naabutan niyang nanonood pa ng paborito nitong palabas na ang Batang Quiapo ni Coco Martin. Nanlalaking mga matang tiningnan niya muna ito bago sinagot ang tanong nito sa kaniya.
"Wala po Nay Tiring, matutulog na po ako. Paalam niya rito at binuksan ang pinto ng kaniyang silid at nagtuloy tuloy ng pumasok roon. Dinig niya pang nagsalita itong muli.
"Kumain ka muna bago ka matulog. Ani nito sa kaniya.
"Hindi na po, busog pa po ako. Pagsisinungaling niya rito. Dahil ang toto'y gutom na gutom na siya kanina pa nga eh. Kaso nawalan na talaga siya ng gana ngayon kumain. Dahil sa nasaksihan niyang eksena kanina mula sa talyer at patungo sa bahay nito. Isali mo pa ang lakas ng kabong ng dibdib niya ngayon.
"Sige, buksan mo na lang iyon mga pinggan na nasa mesa, pagnagugutom kana. Pahabol nitong sabi sa kaniya. Ang tinutukoy nito ay iyong mga pinggan na may laman ulam at kanin. Na kadalasan iniiwan nito sa mesa. Pag may isa sa kanilang dalawa ni Ana ang hindi pa nakakain.
"Sige po salamat Nay Tiring. Sagot niya naman rito, bago isinara ang kaniyang pintuan ng silid na gawa sa yero.
Bago siya mahiga sa higaan niya sa papag ay kinalma niya muna ang sarili bago dahan-dahan na inilihis ang kurtina ng muting bintana niya. Sinadya niya talagang lagyan ng bintana ang kuwarto niya, kahit maliit lang, para makita niya ito ng palihim ng hindi siya napapansin nitong nakatingin, pag nasa balkunahe ito ng bahay nito nakatambay. Pero noon iyong mga taon na nahihiya pa siyang i-aproach ito.
Napanatag naman ang kalooban niya ng makitang nakapatay ng muli ang ilaw nito sa labas ng bahay nito.