bc

The Best Stealing: The Badboy Rooms

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
second chance
heir/heiress
like
intro-logo
Blurb

MATURED CONTENT: RATED 18

chap-preview
Free preview
The Beast Stealing:The Badboy Rooms
Discliamer... The names of the characters and events mentioned in this book are just the creation of the author and have nothing to do with any person, living or dead. This story has a lot of vulgar words that are not suitable for the faint of heart.. Thank you!! Warning : Matured Content and many errors words Chapter One Sa maliit na sala ng barong barong ng tinitirhan bahay nila Jo, Aling tiring at Ana. Ay hindi maipinta ang mukha ng dalawangpung anim na taong gulang na si Jo. Habang hinihintay ang paglabas ng dalagang si Debbie sa inuupahan bahay nito, na katabi lang ng bahay na inuupakado rin nila. Sinadya niya talagang gumising ng maaga ngayon araw. Para maabutan niya ito. Palagi kasi itong umaalis ng maaga. Kung hindi man ay may susundo rito na mga lalaking tisoy na de kotse pa. Iyon nga dahil late na nga siyang umuwi galing talyer tuwing gabi, ay madalas hindi niya na ito nasisilayan ang magandang mukha nito pagkagising niya sa umaga. At isama pa ang magandang hubong ng katawan nito, na nagpapabuhay sa namlalamya niyang kalamnan pag hindi niya ito nasisilayan tuwing umaga. Isa pa ang kinaiinisan niya kagabi pa, ay sinabihan niya kasi ito kahapon na daanan siya at abisuhan nito pag umuwi na ito. Para maihatid niya man lang ito sa bahay nito. Kaso namuti na lang ang mata niya sa kakahintay rito ay walang Debbie ang nakita niyang dumaan sa talyer na pinagtatrabahoan niya. Medyo OA man pakinggan sa iba, dahil magkatabi lang ang bahay na tinitirahan nila. Ay wala siyang pakialam, ang gusto niya lang ay maging safe at komportable itong naglalakad sa daan ng hindi binabastos ng mga kalalakihan sa lugar nila. Dios ko maryusep! Si Nay Tiring na kalalabas lang ng silid na inuupukado nito. Na kamuntik niya ng mabundol, dahil sa kaparoon at parito niya sa sala ng bahay nila. "Ano bang nangyayare sayong bata ka at hind ka mapermi sa kinatatayuan mo? Tanong nito sa kaniya ng magsimula ng magtimpla ng sariling kape nito. "May hinihintay po ako Nay Tiring. Maikli niya lang sagot sa tanong nito sa kaniya. At malalaking hakbang na lumapit sa maliit na bintana nila para silipin kung nakalabas na ba ang kaniyang hinihintay. " Ah. Iyong dalaga ba sa katabing bahay natin? Tanong nito. Naku Jo, mahihirapan ka sa dalagang iyon, hindi masyadong pala salita. Tuloy tuloy na sabi nito sa kaniya. Tama nga ito, bilang na bilang lang sa mga daliri na narinig niya ang boses nito na nagsalita. Noong minsan ay nasa lilim siya ng puno ng santol na nasa harap lang ng bakuran nila nakatanim. Habang nagpepedicure sa koko niya nang magtanong ito sa kaniya. Kung may kakilala ba raw siyang nagpapaupa ng bahay. Sakto naman umalis na ang nagungupahan sa tabi ng bahay nilang si Venus. Kaya kaagad niya itong inerecomenda sa may ari ng bahay. Magmula ng mangyari iyon, ay iyon din ang araw na napagpasyahan niya na titiwalag na siya sa pederasyon na itinatag nilang dalawa ni Ana. Iyon ay walang iba kundi ang pagtatrabaho nila sa isang club. At iyon din ang huling araw na nakausap niya ito. Kung magsalita man ay palaging namimilipit ang boses nito na lumalabas mula sa bibig nito. Saka hindi rin mawawala ang palaginpalaging nakataas na isang kilay nito, tuwing nakikita niyang kinakausap nito ang mga tisoy na mga lalaking palaging sumusundo rito. "Iyon nga ang mga tipo kung babae Nay tiring eh. Madalas kasi sila iyong mga babaeng mapagmahal at sweet pag nakuha muna ang loob nila. Nasabi niya lang dito na ang mga mata ay nasa labas pa rin ng bintana nila. "Hay nako siya bahala ka sa gusto mong bata ka. Sumusukong sabi nito sa kaniya. At rinig niyang nagmartsa na ito papunta sa maliit nilang kusina. Siya naman ay naiwan nakatanga lang sa bintana, habang ang mga mata ay nasa pintuan ng kapitbahay nila. Nang bigla itong bumukas at iniluwa roon ang dalagang kanina pa niya hinihintay. Tulad ng dati, nakasuot na naman ito ng maiksing palda na binagayan naman ng mapuputi at mahahabang hita nito. Bukod pa roon ay tinernuhan din nito iyon ng puting sando na halos makita na ang buong kaluluwa nito sa sobrang laki ng tabas ng tela malapit sa dibdib suot nito. Sa nakita ay daling dali naman siyang lumabas ng bahay nila. At tinalon ang maliit na bulkanaheng nakakabit lang mula sa bahay nila. Nang nasa harap na siya ng bakuran nila ay pasikaling nag inat muna siya ng mga kamay niya. Saka kampante sa sariling kinuha ang isang maliit na dambell na hiniram niya pa sa mayari ng pinagtatrabahoan niyang talyer na si Mang Kiko. Pansin niya kasing panay mga machong lalake ang sumusundo rito. Kaya heto siya ngayon todo pagpapalaki ng muscle ang ginagawa niya. Katunayan nga niyan, fifty porsyento ng oras niya sa talyer ay napupunta sa pag gygym niya, pag wala siyang kustomer sa talyer. Ngayon lang siya nagkalakas ng loob na dahin ito sa bahay nila. At baka sa kaling makita nito ang pagpupursigi niya ay baka sagutin na siya nito. Tinaas baba niya pa ito sa ire para mapansin nito ang presensya niya. "Mukhang maganda ang araw ngayon ah. Sinadya niya talagang lakasan ang boses niya para mapansin siya nito kaagad. "Hays...Balak ko sanang pumunta mamaya sa karinderya ni Aling Chona, pagkatapos ko sa trabaho ko sa talyer mamaya. May nakapagsabi kasi sa akin na madalas ang kumain na magkasama roon ay nagkakatuluyan. Ani niya na ang mga mata ay nasa dalaga pa rin na busy sa pagkakandado ng pintuan nito. Gusto mong sumama? Siya pagaaya niya rito ng hindi na makatiis. Hindi naman nito pinansin ang sinabi niya rito. Bagkos ay tuloy tuloy lang ito sa paglakad. "Psst..Hoy Debbie Love! Tawag niya rito. Nang nasa tapat na ito ng bahay nila. Ay bigla na lang itong tumigil at tumingin sa gawi niya. Nakahanda na sana ang pinakamatamis niyang ngiting igagawad rito ng walang anu-ano'y bigla lang siyang iningusan nito. Pagkatapos gawin nito iyon ay nagpatuloy na sa paglalakad paalis. Sa ginawa nito sa kaniya ay hindi niya naman mapigilan ang lihim na mapaismid sa tinuran nito. "Tsk. Ang sungit talaga. Siya na sinusundan pa rin ng tinging ang papalayon dalaga. "Sige lang Jo, huwag kang susuko, sasaan ba at madedate mo rin siya. Pagpapakalma niya sa pusong sawi niya ngayon. "Mukhang malaki na iyan ah! At mukhang nasa kundisyon pa, para magbuhat ng mga balde." Si Nay Tiring na kanina pa pala aliw na aliw na nakamasid sa kaniya. Kaagad naman siyang napalingon sa gawi nito. " Nay Tiring kanina pa po ba kayo nandyan? Naitanong niya na lang dito at sinabayan pa ng pagkamot sa ulo niya. "Oo, hindi naman ako umalis magmula pa kanina eh. Ani naman nito. "Pero umalis kayo kanina eh. Siya na hindi pa rin kumbinsido sa sinabi nito sa kaniya ngayon. "Oo, pero bumalik din ako. Depensa nito sa sarili. "Joke lang kararating ko lang galing sa poso. Para lagyan ng tubig ang mga balde natin." Natatawang sabi na nito sa kaniya. "Grabe kayo Nay Tiring pinakaba niyo naman ho ako. Siya na umakatong na gulat sa sinabi nito. Ang totoo, ay alam niyang kanina pa ito nakakikinig sa mga sinasabi niya kay Debbie. Gusto niya lang makipagchikahan ng kaunti sa may edad. Lalong lalona't sawi na naman siya ngayong araw sa babaeng isang taon at kalahti ng sinisinta niya. "O, saan ka pupunta? Si Nanay Tiring ng makita siyang naglakad na palabas ng bakuran nila. "Nay Tiring pupuntahan ko na muna iyong nangangailangan ng kamachohan ko. Nasabi niya lang dito at nagpatuloy ng pumunta sa poso. Naiwan naman si Nanay Tiring na pailing iling lang na hinatid ng tanaw ang papalayong dalaga. Nang lumiko na ito sa ibang kanto ay saka lang siya pumasok sa barong barong nilang bahay.. Written start: July 22, 2023

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
301.2K
bc

Just Got Lucky

read
146.1K
bc

My Crush Is My Best Friend's Dad

read
17.0K
bc

The Lone Alpha

read
107.3K
bc

The Vampire King's Human Mate

read
98.8K
bc

Sold to the Ruthless Alpha

read
6.4K
bc

Cruel Love

read
781.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook