#03

2329 Words
"Thanks for saving my car. Nasabi lang nito pagkatapos niyang i-carwash ang sasakyan nito, na ikinatango lang naman niya rito. Saka naglakad papunta sa bahay ni Mang Kiko, para ibalik ang hose na hiniram niya rito kanina. Saka bago umalis ay nagpasalamat muna siya rito sa hiniram niya saka, lalagpasan na sana niya ang nagngangalan Art nang biglang pigilan siya nito. "Wait! Pigil nito sa kaniya, na ikinatigil naman niya sa tangkang paghakbang saka kunot na noong liningon niya ito ngayon. "I know I was rude to you earlier. But what's your name again? Tanong nito sa pangala niya ng nakangiti nang nakatingin ito sa kaniya ngayon. "Jo, maikling sagot niya naman rito sa tanong nito sa kaniya ng hindi na nakatingin dito ngayon. Dining niya naman na pa "Ah" ito sa sagot niya rito. "Nice to meet you Jo. Nakangiti na naman bati nito sa kaniya. By the way I'm Art. Ani nito saka inuumang pa ang kaliwang kamay nito para makipagshakehands sa kaniya. Dahil ayaw niya naman maging bastos sa kaharap, ay alumpihit niya naman tinanggap ang pakikipagkamay nito sa kaniya. "Alam ko kagabi pa. Sagot niya lang dito at kinuha na ang kaniyang kamay sa pagkakahawak rito. "Oh I'm bad. Nasabi lang nito at matamis ng nakangiting tumingin sa kaniya ngayon. "Yeah, your so bad. Bigla ay nabigkas niya na lang dito. Pero hindi naman nito ikinagalit ang sinabi niya rito, bagkos ay ngumiti lang ito sa kaniya ng may kasamang amusement sa mga mata nitong nakatingin sa kaniya ngayon. Kung sa ibang pagkakataon lang ito nangyare ay tiyak laglag panti na ang peg niya ngayon sa harapan nito. Pero hindi. Kahit gwapo ito sa paningin niya ngayon ay kay Debbie Love lang malaglag ang panti niya. At isa pa karebal niya ito sa puso ng dalaga, kaya isang malaking no. Iyon lang naman at agad na itong nagpaalam sa kaniya. Hindi pa muna siya umalis sa kinatatayuan niya. Dahil linggo nga at wala naman siyang gagawin mahalaga ngayon araw. Ay hinintay niya munang makaalis ito bago siya umuwi ng bahay nila. Rinig niyang sinimulan na nitong paandarin ang makina ng kotse nito. Ang kaso umungot lang iyon, at kalaunan ay namatay rin bigla. Inulit pa nitong paandarin ang kotse, pero katulad ng nauna namatay rin. Nakalimang subok pa itong paandarin ang makina ng kotse nito. Nang hindi na makatiis ay bigla na lang itong lumabas sa kotseng pagmamayari nito na pakamot kamot na sa ulong naglakad na ito papalapit na sa kaniya ngayon. I have a major problem, Jo. Sabi na nito sa kaniya, pagkadating na pagkadating nito sa kinatatayuan niya. "Nakita ko nga brad. Pambarang sagot niya lang rito ng nakangisi na. Sa sinabi niya rito ay kita niya naman biglang lumukot ang mukha nito. " If you don't mind. Puwede mo bang i-check ang kotse ko sandali? Mayamaya ay tanong nito sa kaniya. "Iyon lang pala eh. Sige titingnan ko lang kong makakaya kung makakaya kung remedyuhan ang problema. Siya na naglakad na papunta sa sasakyan nito. Sumunod naman ito sa kaniya at ito na rin ang nagkusang magbukas bg carhood ng kotse nito. Pagkabukas nito iyon, ay kaagad naman siyang namangha at nalula sa nakitang pagkaorganisado at bago bago pang makina ng sasakyan nito. Sa isa at kalahating taon kasi na pagtatrabaho niya sa talyer ni Mang Kiko ay ngayon lang siya nakakita at nakahawak ng makina ng isang mamagalin sasakyan na katulad nito. Madalas kasi kung hindi Dam track ay chop chop o hindi kaya motor naman ang ipapaayos sa kanilang dalawa ni Mang Kiko. "Kaya mo ba itong ayusin? Bigla ay pukaw na tanong nito sa kaniya sa naglalabay niyang isipan. Napatingin naman siya rito. Oo, naman pre, kayang kaya. Simpleng fuse lamang ito. Pu-puweding remedyuhan. Nabubulol naman na sagot niya sa tanong nito. Pagkatas sabihin iyon, ay iniwanan muna niya ito at para bumalik muli sa bahay ni Mang Kiko para kuhain ang mga gamit niya na naiwan kagabi. Pagkakuha niya iyon ay kaagad din siyang bumalik, para simula nang ayusin ang sasakyan nito. Halos isang oras din ang tinagal ng pagaayus niya sa sasakyan nito, bago niya napaandar ng hindi namamatay ang makina. "Ayus na pre. Aandar na ito. Nasabi niya lang dito, saka inutusan ulit itong paandarin ang makina ng kotse nito. Kaagad naman nitong sinunod ang utos niya. At ngayon, ay nakangiti na itong lumabas sa kotse nitong lumapit sa kaniya. "Huwag mo lang patayin ang makina, dahil mahihirapan kanang paandarin itong muli. Dagdag na sabi niya rito, habang pinupunasan ang pawis na kanina pa namumuo sa noo niya gamit ang madumi niyang kamay. "Okay. Sagot naman agad nito sa kaniya. Saka iniabot nito sa kaniya ang makapal na papel na dinukot pa sa mamahalin wallet nito. At doon kita niyang lilibohin ang mga iyon. "Here.. Take this for helping me. Ani nito na nakatingin na sa kaniya ngayon at siya naman ay nakamata lang sa perang nasa kamay pa nito. Why is this not enough? Tanong nito na may pagkalito ng nakatingin sa kaniya ng hindi niya pa tinanggap ang perang inaabot nito sa kaniya. Sa sinabi nito ay bigla naman lumaki ang mga mata niyang nakatingin na rito ngayon. "N-No I mean yes. You are enough brad. Pasikali ay sagot niya na lang rito sa tanong nito sa kaniya ng nakatiim ang mga labi. Sa pagsabi niya iyon ay kita niyang kumunot bigla ang noo nito sa sinabi niya at may dinukot pa na isang card sa wallet nito. At ibinigay sana nito sa kaniya, ngunit kagaya ng pera ay tinanggihan niya rin iyon. Nagpupumilit pa itong kunin niya na ang bigay nito. Kaso matigas siya. At pinandigan niya pa rin dito na libre nga lang ang serbisyo niya ngayong araw. At isa pa may pumipigil sa kaniyang huwag ng kunin ang inaalok nitong pera sa kaniya. Tulad ng nakaraan ay ito na rin ang sumuko at nagpaalam ng umalis. "Okay. Sagot naman agad nito sa kaniya. Saka iniabot nito sa kaniya ang makapal na papel na dinukot pa sa mamahalin wallet nito. At doon kita niyang lilibohin ang mga iyon. "Here.. Take this for helping me. Ani nito na nakatingin na sa kaniya ngayon at siya naman ay nakamata lang sa perang nasa kamay pa nito. Why is this not enough? Tanong nito na may pagkalito ng nakatingin sa kaniya ng hindi niya pa tinanggap ang perang inaabot nito sa kaniya. Sa sinabi nito ay bigla naman lumaki ang mga mata niyang nakatingin na rito ngayon. "N-No I mean yes. You are enough brad. Pasikali ay sagot niya na lang rito sa tanong nito sa kaniya ng nakatiim ang mga labi. Sa pagsabi niya iyon ay kita niyang kumunot bigla ang noo nito sa sinabi niya at may dinukot pa na isang card sa wallet nito. At ibinigay sana nito sa kaniya, ngunit kagaya ng pera ay tinanggihan niya rin iyon. Nagpupumilit pa itong kunin niya na ang bigay nito. Kaso matigas siya. At pinandigan niya pa rin dito na libre nga lang ang serbisyo niya ngayong araw. At isa pa may pumipigil sa kaniyang huwag ng kunin ang inaalok nitong pera sa kaniya. Tulad ng nakaraan ay ito na rin ang sumuko at nagpaalam ng umalis. Wendy kailangan ko na talagang umuwi. Siya na sinamahan pa ng paghikab ang pagkakasabi niya rito. Ewan niya ba, pakiramdam niya ay para bang nakakapagod sa kaniya ang araw na ito ngayon. Nakita niya naman ng dalawang mata niya ang biglang pagtigil nito sa pagsasalita at nakanguso ng nakatingin ito sa kaniya ng may paawa epik. At hindi niya naman pinansin ang ginawa nito. Hindi niya naman pinansin ang ginawa nito at kaagad ng tumayo mula sa pagkakaupo sa kamang ito. "Kararating mo lang ah? Aalis kana agad? Ito na nililigpit na ang mga make ups na ipinakita nito sa kaniya kanina. Dahil sa tanong nito sa kaniya ay hindi niya naman mapigilan mapaikot ng mga mata sa itaas, dahil sa narinig mula rito. "Para sabihin ko sa iyo miss makakalimutin. Kanina pa po tayo nandito at naguusap. Siya na hindi mapigilan sabihin na nito iyon. Napatingin naman ito sa gawi niya ngayon. "Luh, kanina pa ba? Hindi ko napansin. Ngayon lang kasi tayo nakapagusap muli ng matagal. Ani nito na pinalungkot pa ang boses. Hays heto na naman po tayo. Siya sa isip niya. Kaya bago pa tuluyan magdrama itong muli. Ay kaagad na siyang naglakad patungong pintuan para lumabas sa kuwarto nito at nang makauwi na. "Wait lang Jo?! Pigil nito sa kaniya ng tangkang pagpihit niya sa pituan ng kuwarto nito. Napalingon naman siya sa gawi nito at doon kita niyang nakatayo na ito at naglakad na papalapit sa kaniya ngayon. "For you! Ani nito, sabay abot sa kaniya ng isang maliit na paperbag ng makalapit na ito sa kinatatayuan niya. Nalilito naman niyang tiningnan ito at lumipat sa paperbag na inabot nito sa kaniya. Nang hindi pa hindi pa niya tinanggap ang ibinigay nito sa kaniya ay ito na mismo ang kumuha ng kamay niya. Para ilagay doon ang bigay nito sa kaniya. Lito niya pa rin tiningnan itong muli at bumalik sa isang paperbag na hawak niya na ngayon. "Ano ito? Nalilitong tanong niya na rito, na hindi niya na inabalang tingnan ang laman nito. "Advance gift ko iyan para sa iyo sa birthday mo next month. Ito na naglakad na pabalik sa kama nito at pagkatapos ang pasalampak na umupo na ito roon. "Oh, next month pa naman ang kaarawan ko. Bakit mo na ako binibigyan agad agad ng regalo? Siya na blangko pa rin ang isip sa kabaitan pinapakita nito sa kaniya. "Kaya nga advance gift eh, kasi hindi mo pa birthday. Ito na sinusuklayan pa ang hanggang balikat na buhok gamit ang mga daliri nitong sabi sa kaniya. Sa sinabi nito ay bigla naman siyang natawa nang magsink-in ang sinabi nito sa kaniya. Sa kakausap nito sa kaniya ay talagang nahawa na ito ng kaunti sa kaniya na pabalang kung magsalita. "Salamat rito sa gift mo Wendy. Bigla ay agaw pansin niya rito ng bigla na lang tumahimik ang buong paligid nilang dalawa. "Welcome! Masaya naman sabi nito nang nakatingin sa kaniya. Kahit medyo badtrip siya rito minsan ay hindi pa rin siya nito nakakalimutan. At bukod pa roon ito iyung unang pagkakataon na nakatanggap siya ng regalo sa hindi ka anu-ano. Kaya kahit papaano ay masaya siya ngayon sa ibinigay rito sa kaniya. Napukaw lang ang pag-iisip niya ng bigla itong mapatili. "OMG! I forgot something. Nanlalaking mga matang sabi nito ng mapatingin ito sa kaniya ngayon. "I have a farwell party next sunday! Ani nito na sinamahan pa ng pagpitik ng dalawang daliri nito sa ire, saka tumingin sa kaniya. "F-Farwell Party? Siya na nakakunot na ang mga noong tiningnan ito ngayon. Napansin naman nito ang pagkalitong nakapaskil sa mukha niya. "Yes, Jo. Panimula nito sa sasabihin sa kaniya. Nahanap ko na kasi ang ama kong poringer. At gusto niyang doon na ako tumira sa bahay niya sa state. Tumigil muna ito saglit para lumunok ng bikig na bumabara sa lalamuna. "Kaya may pa farwell party ako sa susunod na linggo. Mahabang paliwanag nito sa kaniya ngayon. Sa sinabi nito ay hindi niya naman mapigilan ang sariling hindi mapanganga. Kaya pala panay ang english nito sa kaniya magmula pa kanina, ay dahil nahanap na pala nito ang amang afam. " Aasahan kita sa araw na iyon Jo ha? kaya pumunta ka. May pananabik na sabi nito sa kaniya. "And... Tumigil muna ito na parang nagiisip ng sasabihin. Kung gusto mo yayain mo rin iyong kapitbahay ninyo. Tukoy nito kay Debbie Love na kinaiinisan nito. O mas magandang na hindi na siya sasama. Pahabol nito sa sasabihin nito sa kaniya. Dahil sa sinabi nito ay hindi niya naman mapigilan tingnan ito ng masama. Oo pinahahalagahan niya ang bigay at mayroon sila nito ngayon, pero hindi niya mapapalampas na mapasama ang dalagang si Debbie rito. Sa nakitang reaksyon nito sa mukha niya ngayon. Ay kaagad naman nitong binawi ang mga sinabi. "Ito naman hindi mabiro. Pambawing sabi agad nito sa kaniya nang makitang inis na siya. Siya naman ay bigla na lang napairap sa kawalan sa tinuran nito sa kaniya. Kahit kailan talaga waley itong magbiro. Mana sa iyo. Singit naman ng isip niya. At tiningnan ang kaharap. "Oh siya aalis na ako Wendy. Salamat pala sa advance gift mo na ibinigay mo sa akin. Nakangiti ng sabi nito rito, saka itinaas ang paper bag nahawak niya na bigay nito sa kaniya. "Your always welcome Jo. Sabi naman nito sa kaniya, at saka sinundan lang siya papalabas ng kuwarto nito. "Bye. Paalam niya rito ng buksa na niya ang pintuan. Bye! Punta ka ha? Muli ay sabi nito sa kaniya ng makalabas nasa sa bahay nito. Tinanguan niya lang naman ito at naglakad na paalis ng bahay nito. Samantala.. Malayo pa lang si Jo, ay kita niya na ang dalagang si Debbie. Na nakatayo lang sa balkunahe paharap sa pinto ng bahay nito. Na parang bang may kausap, base na rin sa bibig nito na nagbvka sara. "Hsst. Sino na naman kaya ang kausap nito? Multo? Bigla ay naisatinig niya sa kawalan. Nang nasa tapat na siya ng bahay nila ay saka niya lang na laman na may kacall pala ito sa celpon nito ng bigla itong lumingon sa gawi niya. Nakita niyang tumawa pa ito nang tumingin sa gawi niya ng makahulugan bago pinatay ang tawag. Saka derederetsyong pumasok na ito sa loob ng bahay nito. Siya naman ay naiwan nakatanga lang sa pinanggalingan ng dalaga, dahil sa hindi makapaniwalang nakita niyang biglang pagtawa nito. Saglit lang iyon at biglang ipiniling ang sariling ulo. Kung sino man ang lalaking nagpatawa nito ay napakahusay niya. Dahil nahuli niya ang kiliti ng mailap na dalaga. Sa isipin iyon, ay biglang umulap ang kaniyang mga mata. "Hsst..Ang sungit talaga. Pero magal mo? Singit ng isip niya, saka daling-dali na rin pumanhik sa hangdan papasok ng bahay nila para matulog ulit.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD