ARAW ng Sabado ngayon at mamalengke si Nanay Rosing. Nagpasya akong sumama sa kanila para maiba naman ang makita ko. Sa buong linggo bahay at school lang. Kailangan ko rin mag-unwind. Kaya kahit pamamalengke ay pwede na.
Isa pa, birthday ni Tatay Pedro bukas kaya madami - dami ang bibilhin ngayon. Kahit kaming tatlo lang ay maghahanda pa rin kami.
It's a celebration of life kaya dapat may salu - salo kahit kami lang. Para na rin kaming isang buong pamilya, ako ang anak nilang dalawa.
Kaming tatlo ang nagtungo sa palengke. Mas gusto dito ni Nanay Rosing dahil fresh ang mga meat at seafoods dito. Syempre bumili kami ng paborito ko, ang hipong swahe.
Kasunod namin si Tatay Pedro para siya ang magdadala ng mga pinamili.
Habang nasa bilihan kami ng isda meron akong narinig na kausap si Tatay Pedro. A familiar voice, kaya lumingon ako. Si Professor Ekz ang kausap ni Tatay Pedro.
Mukhang namimili din siya.
Nilingon ko ito at sakto naman tumingin din siya sa akin. Nagtama ang aming paningin. Naka ngiti si Sir kaya ngumiti rin ako. "Good morning Sir," bati ko dito. "Good morning din sa inyo," balik niyang bati sa amin.
Ipinakilala ni Tatay Pedro si Nanay Rosing kay Professor Ekz.
"Mukhang ang dami po ng inyong pinamiling seafoods ah," wika nito sa mga dala dala ni Tatay Pedro.
"Hindi naman masyado, may kaunting handaan lang sa bahay bukas. Baka libre ka bukas, sa bahay ka na mananghalian," sambit ni Tay Pedro.
"Ano pong meron sa inyo bukas?" muling tanong ng Prof ko kay Tatay Pedro.
"Ah, birthday ko bukas. I text ko sa iyo ang address namin. Sana ay makapunta ka. Aasahan kita Ekz," sagot dito ni Tatay Pedro.
"Advance happy birthday po Tay! Sige po pupunta po ako," rinig kong sagot nito kay Tatay Pedro. Nakatalikod kami ni Nanay Rosing dahil pinapanood ko ang paglilinis ng isda. Inaalisan kasi ng kaliskis ang binili naming bangus. Tumatalsik nga din sa akin ang ilan sa kaliskis ng bangus. Para tuloy may sequence ako sa buhok at mukha.
"Una na po ako sa inyo," sabi ni Prof Ekz. Kaya lumingon muli ako dito.
Tumango lang ako. Si Tatay Pedro naman ang kausap niya talaga.
Nito ko na lang nakita na marunong pala siyang ngumiti. Habang nag-uusap kasi sila ni Tatay Pedro napansin ko sa sulok ng aking mata na nakangiti ito.
Umikot pa kami para sa iba pang bibilhin. Dinala muna ni Tatay Pedro sa sasakyan ang mga nauna na naming nabili. May styro sa sasakyan para paglagyan ng mga meat at seafoods. Babalikan na lang kami uli para mabuhat naman ang mga gulay at fruits.
Nakakatuwang mamalengke ang daming iba't ibang klase ng mga isda at kung anu - ano pa.
Nang matapos kami sa pamimili ay umuwi na rin kami.
Habang nasa byahe kami pabalik, nagsalita si Tatay Pedro.
"Mabait naman na bata si Ekz," bungad na sambit ni Tatay Pedro. "Kakakita ko pa lang sa kanya, magaan na ang loob ko sa batang iyon. Nagkataon lang siguro pagdating sa pagtuturo ay terror siya, tama ba ang obserbasyon ko Wyeth?" baling naman nito sa akin.
"Siguro po," tinatamad kong sagot kay Tatay Pedro. Pero totoo naman, napaka seryoso nito kapag nasa loob ng classroom.
Pwede naman ang sinasabi ni Tatay Pedro, nagkataon lang talaga na di maganda ang pagkakakilala rin nito sa akin. Kaya lang ako na nga nagsabi na transferee ako dahil naibagsak ko ang mga subjects ko sa dati kong school.
Pagdating ng bahay, inisa isa ni Nanay Rosing linisin ang mga pinamili namin at nilagay sa mga food containers. Hanggang paglilinis at pag - aayos ng mga pinamili ay pinanood ko si Nanay Rosing.
Gagawa daw siya ng shanghai kasi paborito ko din iyon at ngayon na susimulan para bukas lulutuin na lang sa mantika.
Masarap kasi ang shanghai ni Nanay Rosing lalo na at madaming kinchay. Para tuloy ako ang may birthday.
Tumulong na rin ako maggayat para matuto din ako paano ginagawa ang mga pagkaing gusto ko. Kaya bukod sa paggagayat sabi ni Nanay ako na rin daw ang mag-mi-mix ng mga ito.
Madali lang pala, kaya tumulong rin ako sa pagbabalot ng shanghai. Ang cool lang kahit di perfect ang pag-ro-roll ko.
What I did today really relaxed me. Masaya akong matuto sa gawaing kusina. Di naman ako pinagbabawalan nila Mommy kaya lang madami kasing maid sa mansion. Saka doon kasi nakakagala ako and my friends can hang out in our mansion.
After eating lunch, I made the decision to go to my room and shower before taking my afternoon nap. Namiss ko ang matulog sa tanghali dahil may pasok ako from Monday till Friday.
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _
I need to go to the market to buy meat, vegetables, and fruits. I don't have any stocks for the coming week. Especially, I bring lunch everyday to save money.
Ganyan ako katipid. Dapat may masave ako kahit papaano. Hindi dapat maubos ang sweldo ko sa lahat ng bayarin.
Malapit lang naman ang central market dito.
Habang umiikot ako para mamili ng mga kakailanganin ko, nakita ko si Tatay Pedro. Akala ko nga siya lang pero may dalawang babae sa harapan niya na nakatunghay sa mga isda.
Nakita din niya agad ako kaya binati niya ako. Ipinakilala nito ang misis niya sa akin. Nagulat ako dahil kasama nila ang student ko. Si Wyeth Billanueva.
Lumingon ito at binati ako. Binalik ko rin ang pagbati sa kanila. Pero pagkatapos noon bumalik na uli ang tingin nito sa ginagawa ng tindera.
Ang ganda niyang tingnan sa suot nitong bestida na hanggang tuhod. Litaw na litaw ang kaputian niya at ang magagandang binti. Kaya marami ang napapatingin dito na dumadaan. "Bakit ko ba naiisip to? Wala naman akong pakialam sa mga babae noon." Sambit ng isipan ko. " Noon iba na ngayon. Ekzekiel ano ba yang mga iniisip mo? " Patuloy pa rin ako sa ganoong isipin.
Ilang minuto rin kaming nag-usap ni Tatay Pedro. Natutuwa ako simula noong tinulungan niya ako na magawa ang sasakyan ko, nagkaroon ako ng bagong kakilala sa lugar na ito.
He invited me to his birthday tomorrow. Kaya heto ako at naghahanap ng pwedeng maibigay sa kanya.
I accepted his invitation para makabawi din sa kabutihan niya. He didn't accept the money that I was giving him. And this is the chance para makabawi ako.
Medyo, awkward lang din ang pakiramdam ko kasi nasungitan ko ang alaga nila si Wyeth but I'm hoping she'd understand naman.
After I went to the wet market, I went to the mall to buy some stuff for Tatay Pedro.
At dahil Saturday lahat ng gawaing bahay ay kailangan kong gawin ngayon lalo na at may lakad ako bukas.
Nagsalang ako ng labahin sa washing machine habang inaayos ko ang mga pinamili ko sa palengke.
Ganito na ang routine ko every weekend simula ng mag start ang pasukan.
Lahat ready na. Ang Sunday ko ay inilalaan ko para magsinba at umikot sa mall.
First time ko na may pupuntahang ibang bahay dito bukod sa apartment ko.
Kahit noon hindi rin ako umaattend ng parties kaya sabi nga nila boring ang buhay ko.
Ewan ko ba bakit parang excited ako. Humuhuni huni pa ako habang inaayos ang mga ito. Perhaps I missed my family in some way. Kaya ganito ang pakiramdam ko. Ilang buwan na rin ako dito pero wala akong kakilala maliban kay Nanay Linda.
Nagsalang na rin ako ng sinaing. Dahil weekend may sabaw ang ulam ko this time. Sanay na rin akong kumain mag-isa. Kahit sa school minsan niyayaya ako ng ibang professor doon pero I choose na mag - isa na lang. Baka makita pa ni Miss Bartolome eh kung ano pa isipin.
Madalas dry ang ulam ko dahil nagbabaon ako pag may pasok. Hustle kung may sarsa or sabaw baka tumapon pa.
Napaka simple ng buhay ko dito compared sa kinalakihan kong pamumuhay. But I can say that I am satisfied with what I am doing right now. And I hope na maging masaya para sa akin ang family ko.
Kailangan kong matapos lahat ngayong araw na ito kasama na ang pamamalantsa ng aking mga slacks and polo. Para bukas kahit gabihin ako ng uwi, matutulog na lang ako.
Excited akong makita muli ang dalaga. Paano kung may kasintahan na ito. "Ayan ka na naman Ekzekiel? Birthday ni Tatay Pedro ang ipupunta mo doon hindi para makita si Wyeth." Sermon niya sa sarili.