Chapter 7

1828 Words
MABILIS nagdaan ang ilang linggo. Di na ako napapansin ni Professor Ekz, maaga na kasi akong pumapasok. Ganoon din ang isa kong guro si Ma'am Bartolome, sa unahan na ako umuupo para di ako malapitan ni Vincent. Kailangan lang pala malaman mo ang mga kinaaayawan ng mga ito. Gusto ko na talagang makatapos kaya naman iiwas na ako sa anumang magpapahamak sa akin. Gagawin ko ang lahat maka - graduate lang. Hindi nga ako napapansin pero batid ko mababa ang grades ko lalo na kay Professor Ekz. Kailangan ko siguro makipaglapit dito para nang sa ganoon may paraan pa para tumaas ang grades ko. May mga kaklase naman ako na lumalapit dito kaya pwede ko rin siguro siyang lapitan. "Pero paano? Paano ko siya i-a-approach? Sir pwede po ba kitang maka-usap? Sir baka may gusto po kayong ipagawa sa akin?" Dami kong kinakabisadong tanong sa isip ko pero wala akong mapili na maayos. At kung tama ba. "Ay naku sa ibang araw ko na lang isipin yon." Sabi ko pa rin sa sarili ko. Papasok na ako isang umaga, maaga na kami ni Tatay Pedro. May nakita akong sasakyan na nakatigil sa may tabi. Habang dinadaanan namin nakita ko ang lalaki. Si Professor Ekz. Baka may problema ang sasakyan niya. Agad kong pinatabi sa gilid ang sasakyan. "Tatay Pedro, pakitigil po sa tabi. Professor ko po yun oh," sabay turo ko sa gawi ni Professor Ekz. "Baka kailangan po niya ng tulong." Pagpapatuloy ko. Itinigil naman ni Tatay Pedro ang kotse. "Tutulungan ba natin? Iyan yung pangalan na sinabi mo noong first day mo sa klase, tama ba?" Tanong ni Tatay Pedro. "Opo siya po iyon. Pero di na po niya ako ngayon ipinapahiya. Baka po malate siya sa klase po namin. Tulungan 'nyo na po siya Tay." Saad ko kay Tatay Pedro. May alam kasi si Tatay Pedro sa pagmemekaniko kaya sigurado ako na matutulungan niya ang Professor ko. Bumaba na si Tatay Pedro at pinuntahan si Prof. Nagpasya din akong sumunod dahil sa tingin ko nag-aalinlangan si Prof. Baka iniisip niya na masamang tao si Tatay Pedro kahit malayo ito sa ganoong hitsura. "Good morning Professor Ekz! Si Tatay Pedro po siya, maalam po siya sa sasakyan. Nakita po namin kayo na nakatigil kaya tumigil rin po kami. Ano po ang problema ng sasakyan po ninyo?" Bati ko dito at sinabi ko na rin kung bakit kami nandito ni Tatay Pedro. "Good morning din sa inyo. Oo nga, nag preno lang ako dahil may dumaan na aso, tapos noong i-ni-start ko na, ayaw na niyang mag start." Sagot nito sa akin. "Sir baka po sa alternator or battery po ninyo. Baka ayaw po magkarga ng kuryente sa battery. Okay lang po ba subukan ko Sir?" Ani Tatay Pedro. Sinubukan nga nito at ayaw mag-start. "Kunin ko lang po Sir ang gamit ko at ang battery ng kotse para malaman po natin kung iyon po talaga ang problema." Bago pa makasagot si Professor Ekz ay nakalayo na si Tatay Pedro. "Baka malate ka niyan dahil sa akin." Baling sa akin ni Prof Ekz na ikinagulat ko. "Okay lang po Sir, kayo naman po ang Professor ko sa first and second subjects ko po. Nasa sa inyo na po iyon kung may minus five points po ako kapag nalate po ako." Nagawa ko pang magbiro akala mo close kami nito. Natawa naman si Prof. "Pasensya ka na sa akin, time is gold ang motto ko sa buhay." Sagot nito sa akin. Di ko na nagawang sumagot dahil nakabalik na si Tatay Pedro. Nagulat ako dahil nahubad na ni Prof Ekz ang kanyang polo. Naka sando na lamang ito. Kailangan palang angatin ang upuan ng kotse. Kaya tinanggal muna nito ang polo para hindi nga naman madumihan. May klase pa ito at mahirap naman pumasok na marumi ang kanyang polo. Bawas pogi points iyon. Nailagay ang battery ng kotse namin kaya naman confirmed na battery ang problema ng sasakyan nito. "Sir kung okay lang po na dalhin ko ang battery po ninyo para mapakargahan muna at pwede din pong bumili ng bagong battery para di na po maulit ito. Maiiwan po dito ang sasakyan ninyo. Safe naman po dito na iwan po ang sasakyan. Ihatid ko na po muna kayo ni Wyeth sa eskwelahan." Mahabang salaysay ni Tatay Pedro. " Hindi po ba nakakahiya--" naputol ang sasabihin nito. " Tatay Pedro na lang po Sir, di naman po yata nagkakalayo ang edad ninyo nitong alaga po namin. " Dugtong ni Tatay Pedro sa sasabihin ni Prof Ekz. " Hindi po ba ako makakaabala sa inyo Tatay Pedro. Pwede ko naman po mamaya na lang ito gawin." Sabi ng aking Professor. " Sabihin ninyo na lang po Prof kay Tatay Pedro kung what time po kayo free para po madaanan po niya kayo sa school at mailagay na po ang bagong battery. " Nakisingit na ako para makapasok na kami. Nag-uumpisa na kasing uminit. " Opo nga Sir, puntahan ko po kayo sa school para madala ko po kayo dito at ang battery. " Pag-sang-ayon ni Tatay Pedro. " Tara na po para maka - abot po tayo bago mag start ang first subject. " Yaya ko na sa kanila. Sa harap umupo si Professor Ekz at ako sa dati ko pa ring pwesto. Tahimik naming binagtas ang papunta sa school. Pagdating namin doon nag-abot si Prof kay Tatay Pedro ng pera pambili ng bagong baterya ng kotse. " Bye, Tay Pedro. Ingat po kayo. " Sabi ko bago bumaba. Narinig ko rin si Prof na nagpasalamat kay Tatay Pedro. Hindi ko na hinintay ito dumiretso na ako sa classroom. Alam ko nagpupunta muna sila sa faculty room para sa attendance nila. Nauna akong dumating sa classroom. Ilang sandali pa dumating na si Professor Ekz at sakto saka nag bell. Okay mamam ang first and second subjects ko. Palabas na ako ng second subject ko ng bigla akong tinawag nito. "Miss Billanueva," tawag nito sa apelyido ko. Tumingin naman ako dito. "Yes Prof?" sagot ko dito. Siya na ang lumapit kaya di na ako lumapit pa papunta sa kanya. "Ah , may number ka ba ni Tatay Pedro? Vacant period ko kasi para maimessage ko siya. Nahihiya ako masyado ko na siyang naabala." Saad nito. "Okay po Prof. Here is his number." Hinanap ko sa phone book ko ang number ni Tatay Pedro at ibinigay ko ito sa kanya. Sakto naman habang kinokopya niya ay nag ring ang phone ko. "Hello po! Opo Tay, narito po si Prof kinuha nga po number ninyo para matawagan po kayo. Nasa parking na po kayo dito po sa loob ng school? Sige po sabihin ko po kay Prof. Okay po. Bye po." Nakatingin lang si Prof habang kausap ko si Tatay Pedro. Kaya malamang alam na niya sagot. " Prof nandyan na po si Tatay Pedro sa baba po. Hintay po niya kayo." Sabi ko dito. " Okay salamat. May klase ka ba ngayon? Baka pwede mo akong samahan kung wala. Nahihiya ako kay Tatay Pedro. Isasabay na lang kita pabalik dito." Sagot nito sa akin. Isasama daw ako, sabagay wala naman din akong gagawin kundi ang tatambay sa may ilalim ng puno. " Sige po vacant period ko naman po." Wika ko dito. " Tara na! Baka mainip si Tatay Pedro." Yaya nito sa akin. Bumaba kami at nagtungo sa parking. Di naman kami nag-uusap. Umupo uli ito sa tabi ni Tatay Pedro at ako uli sa likod. Pagdating namin sa pinag-iwanan ng kotse nito, hinubad muli nito ang polo niya para hindi madumihan. Nailagay ang bagong battery at umandar na nga ang makina nito. Ang ganda ng katawan niya pero di ako nagpahalata na tinitingnan iyon. Nang maayos na, inaabutan nito si Tatay Pedro ng pera na di naman kinuha nito. "Naku Sir, maliit na bagay po iyan. Si Wyeth po ang nagsabi kanina na tulungan ko po kayo, kaya kami po ay tumigil. Sige na po Sir mauna na po ako at may dadaanan pa po ako." Paalam nito. Nabanggit rin kasi ni Prof kanina na isasabay na lang ako papasok ng school. _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ Sakay ko si Miss Billanueva pabalik ng school. I made her sit in the shotgun seat. Even if I want to call her by her first name, I can't. Baka kung ano pa sabihin ng mga makakarinig. Pagtigil namin sa parking ng school inalok ko siyang mag snacks muna na agad din niyang tinanggihan. "Mag snacks muna tayo sa canteen?" Yayako sa kanya. "Salamat na lang po Sir, busog pa po ako." Sagot nito sa akin. Bumaba agad ito ng sasakyan kaya di ko na siya napagbuksan. "Mauuna na po ako Prof." Paalam nito sa akin. Di na ako nakasagot dahil agad din itong tumalikod at lumakad na. Mukhang sa quadrangle na naman ang tungo niya. Ilang beses ko na siyang nakikita doon sa ilalim ng puno. Mas maganda pala siya sa malapitan. Napakakinis ng kanyang kutis. Ang ilong nitong matangos na akala mo sadyang inihulma. Ang labi nitong mapupula. Ang mga mata nito na parang sa manika.At ang hugis puso nitong mukha. Sana di niya nahalata na panay ang tingin ko sa kanya."Ano ba itong naiisip ko?" saway ko sa sarili ko. May kulang isang oras pa bago magsimula ang susunod kong subject. Nagtungo na lamang ako sa faculty room. Mali yata ako ng desisyon dahil nandito na naman si Miss Bartolome. "Hi Ekz! Kanina pa kita hinihintay. I will invite you sana na kumain sa canteen. Wala kasi akong makasama." Salubong nito sa akin na akala mo sigurado na sasamahan ko siya. "Hello Ma'am Alice!" balik kong bati dito. Di ko pa rin siya tinatawag by her first name dahil baka bigyan niya ng ibang meaning iyon. Mas okay ng professional ang treatment ko sa kanya. "Kakatapos ko lang pong kumain," pagsisinungaling ko dahil kanina nga niyayaya ko si Wyeth. Ayaw ko lang talaga siyang makasama. Sa araw - araw ganito siya, gumagawa lagi ng mga alibis kung paano kami magkakalapit. "You're always making excuses. Gusto ko lang naman maging friends tayo." Maarteng sambit nito. "We can be friends naman kahit di tayo lumabas o laging magka-usap. And besides we're here to work. This is my first teaching job and I need to focus." Gusto kong ipaintindi sa kanya na mahalaga ang time. Kaysa itambay ko, mag-advance reading na lang ako o kaya ay gawin ang records ng mga students ko. Sana maintindihan niya. Ayaw ko ngagpaliguy-ligoy. Di na ito nagsalita pa at ako naman ay inabala ko ang sarili ko sa pagsusulat sa aking record book. Hanggang sa nag-paalam na ako sa kanya na pupunta na ako sa klase ko. Hindi ko alam kung napahiya siya dahil di na siya umimik. Di ko rin tiningnan ang mukha niya dahil baka maawa pa ako. Okay na yung pranka. Pagdaan ko sa quadrangle hindi ko na nakita si Wyeth. Kaya diretso na ako sa klase.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD