Nakatulala ako habang nakaharap sa salamin habang pinagmamasdan ang leeg ko na may kiss mark. Habang dumadaloy ang tubig sa katawan ko nakatulala lang ako sa salamin.
Hindi matanggap ng utak ko ang nangyari kagabi. Talaga bang hinayaan ko siya na gawin iyon sa akin? Now I know ang rupok ko pala. Tangina! Bakit ba ako nadala sa kanya. I let him invade my lips and neck! Putangina!
Pinilig ko ang ulo ko at dali-daling lumabas ng kwarto. May pasok pa ako, I need to forget what happened and it won't happened again! The hell! Nangyari sayo Nashi.
Walang alinlangan na binato ko ang baso at nagka watak-watak ito ng tumama sa pader ng pumasok naman sa utak ko ang sinabi nito na huwag akung magpahalik sa ibang lalaki. Si Van lang naman ang humalik sa akin sa pisngi! So he see that? The f**k! And why the hell did he saw that? Sinusundan niya ba ako? Did that bastard follow me?
Ano ang problema ng lalaking iyon at ginugulo niya ang buhay ko! Bumuntong hininga ako at nagbihis na. Binilisan ko ang pagbihis at kinuha ang mga gamit ko.
Hindi na ako kumain pero ng napadaan ako sa sala at nakita ko ang tali sa sofa napa awang ang labi ko. Tangina! f**k! Talagang hinahabol ako ng mga alaala ko sa lalat iyon!
Hawak-hawak ko ang leeg ko palabas hindi naman makikita ang kiss mark sa leeg ko cause I wear a turtle neck blouse. Mabilis kung nilakad ang hospital habang pinapatay sa utak ko ang lalaking iyon! Ramdam na ramdam ko pa ang bawat haplos ng labi niya sa leeg ko. At sa tuwing maiisip ko iyon naninindig ang balahibo ko. Pakiramdam ko hanggang ngayon hinahalikan parin niya ako.
Ng makarating ako sa hospital, sinalubong ako kaagad ni Mikay.
"Hey, Nashi," bati niya at pinisil ang ilong ko. Pero napatingin ito sa akin na naka high waist na jeans at naka turtle neck na damit. Kumunot ang noo nito. "Bagay nga sayo, pero first time kitang nakita na sumuot niyan," napairap nalang ako at pinisil din ang ilong niya.
"Maganda naman ah. Mauna na ako may pasyente pa ako," saad ko at nilampasan na ito, pero bago iyon nasiplatan ng mata ko ang ama ni Keiry na palabas ng hospital kasama ang ibang guards nito, napa kibit balikat nalang ako kaya dumiretso ako sa room ni Keiry para e check ito. Nakita naman ako kaagad ng guard niya kaya kaagad nilang binuksan ang pinto.
Nadatnan ko si Keiry na nakahiga habang kumakain ng apple. Napatingin ito sa akin at biglang ngumisi na kinataas ng kilay ko.
"Ano yan?" hindi ko gusto ang paraan ng pagkakatitig sa akin ni Keiry. "May marka ba ang leeg mo?" nanlaki ang mata ko sa sinabi nito. Pero pinakunot ko lang ang kilay ko sa sinabi niya.
"What the hell are you talking about?" I said and glare at him. "We're not close," saad ko pa at tinignan ang dextrose at ang sugat nito.
"Talaga lang ha, pero totoo sino ang humalik sayo?" tinignan ko siya ng masama at akmang susuntukin ng tumawa ito
"Close tayo na sasapakin mo ako? Nagtatanong lang e," saad nito kaya inirapan ko nalang. Hindi naman kasi mahirap kausap itong Keiry na ito.
"Huwag ka lang gumalaw-galaw para hindi bumuka ang sugat mo. Tapos, inumin mo ang resita na binigay ko para mabilis ka ng gumaling," wika ko sa kanya, pero siya kakaiba lang talaga ang tingin niya sa akin.
"Oo na, ingay mo," sita niya sa akin kaya mahina kung pinatok ang ulo nito. Tangina eh.
"Aray! Close tayo?" Sita niya sa akin, inirapan ko ito at umupo sa tabi nito. Bakit ba sarap niyang kausap eh.
"I see your father," seryosong saad ko, nakita ko ang pagiba ng aura nito at napalitan ng galit at inis.
"He's not my father Nashi, inampon niya kami ng Kuya ko pero hindi kami pumayag na palitan ang last name namin, so he's not my father," seryosong wika nito. "Ni isang katiting na dugo wala akung kinuha sa kanya kaya hindi ko siya ama," may diing saad nito kaya napangiwi nalang ako.
"Sorry about that. Sinabi niya kasi sa akin na anak ka niya at nanay at kapatid mo ang nandito noong isang araw," mas lalo itong napangiwi ito at parang nasusuka.
"She's not, and hindi ko kapatid iyon humubad iyon sa harapan ng Kuya ko para lang makama. So she's not my sister," parang nasusuka na wika nito rinig ko naman ang munting tawa ng guard niya dahil sa sinabi nito.
"Okay," mahinang saad ko nalang at tumayo. Napaayos ito ng higa at kinindatan naman ako.
"Ganda mo," napairap ako dahil sa sinabi niya.
"Magpahinga kana nga kapag lalabas ka ipatawag mo lang ako may pasyente pa na humihintay sa akin," saad ko at kinuha ang ibang gamit para ilabas.
"Pero Nashi, sino ang humalik sayo?" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, pero siya nakangisi lang. "Kidding umalis kana nga," saad pa nito, inirapan ko siya at walang lingon-lingon na umalis.
Tangina! Sa pananalita niya parang alam niya talaga ang nangyari sa akin. Tanginang Keiry iyon. Mabilis akung lumisan sa kwarto niya at dumiretso sa opisina ko.
Ng makapasok ako sa opisina ko kaagad kung kinuha ang extra ko na laptop at umupo sa mesa ko. Naghanap ako ng tungkol sa lalaking iyon. Pero wala akung mahanap ni katiting na impormasyon wala. Wala talaga.
Naibagsak ko ang laptop ko makalipas ang isang oras ng wala naman akung makita. Napabuntong hininga ako, sino kaba! Bakit mo ginugulo ang utak ko! Nagpakita kapa talaga sa akin ulit.
Napahawak ako sa labi ko, he's a good kisser. Hindi maipagkaila na magaling itong humalik. Ramdam ko parin ang halik niya sa aking leeg.
Damn those lips! Pero bakit niya sinabi na huwag na akung magpahalik sa ibang lalaki, simula ng nagkakilala kami si Van lang ang humalik sa akin sa pisngi. Nakita niya ba? Binabantayan niya ako? Damn! Sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip ng mga nangyayari sa akin.
Napabalikwas ako ng may kumatok sa pinto ng opisina ko. The hell!
"Come in," malakas kung sigaw, pumasok naman ang isang bodyguard ni Keiry.
"Miss Anashi, lalabas napo si Captain," tumango nalang ako bahala na ang lalaking iyon. Kung gusto niyang lumabas sige papayagan basta may waiver ito na lumabas siya sa kanyang kagustuhan at hindi masisisi ang hospital kung ano man ang mangyari sa kanya.
Kahit sino naman masasabi na mayaman ang lalaking iyon sa dami ba naman ng bodyguard niya.
Kaagad akung lumabas sabay suot ng coat at sumunod sa bodyguard nito. Nakasunod lang ako sa kanya papunta sa room ni Keiry.
"Nashi!" Napatigil ako ng tawagin ako ni Mikay, napangiti ako at hinintay ito.
"Come here," hinila ko ito ng makalapit siya sa akin at hinila papunta sa room ni Keiry.
"Teka naman, dahan-dahan lang naman Nashi. Aayain sana kitang kumain mamaya," wika nito at hinayaan nalang ako na hilahin siya.
"Oo ba, samahan mo muna ako. Paki check ng pasyente ko baka may sira sa utak," saad ko kaya napakunot ang noo nito pero ngiti lang ang sagot ko bago siya hinila papasok sa kwarto ni Keiry.
"Nash-- hoy lampa! Anong ginagawa mo dito," kaagad na bungad ni Keiry. Binalingan ako ni Mikay at pinaningkitan ng mata. Peace sign lang ang sagot ko.
"Nashi, hindi na niya kailangan ng doctor para macheck kung may sira ang utak niya," kaagad na ngumisi si Mikay sa akin. "May sira na naman talaga utak niyan e," saad ni Mikay na nagpataas ng kilay ni Keiry.
"Nashi, bakit kapa nag sama ng lampa dito baka madapa yan dito at ako na naman pag-iinitan niyan. Lampa na nga," wika naman ni Keiry, biglang itinaas ni Mikay ang kilay niya at lumapit kay Keiry habang hinuhubad Ang stethoscope sa leeg niya.
"Tangina ka talaga ano! Huh!" Hahampasin niya ito ng stethoscope ng hawakan ito ng bodyguard ni Keiry. "Hoy! Ano ba! Bitaw! Isama ko kayo sa boss niyo na bakla e," sigaw ni Mikay at binilatan si Keiry bago humarap sa akin.
"Sayo nayang stethoscope marami nayang virus. Mauna na ako Nashi sunduin mo nalang ako pag launh na, makakapatay ako dito e," saad pa nito at pabalibag na sinara ang pinto, masakit na tingin naman ang pinukol sa akin ni Keiry.
"Amasona yon, bakit mo pa kasi dinala dito ang lampa na iyon. Lalabas na ako pero parang ipapapatay mo naman ako sa amasona. Tinawag pa akung bakla, tangina sa gwapo kung ito?" reklamo nito at inirapan ako.
"Mabait naman si Mikay e, sa maling paraan lang talaga kayo nagkakilala," saad ko pero umirap lang ito. "Oo na, permahan mo yan o at makakalabas na ako paki settle ng bills at umalis kana," pambara ko sa kanya, napahawak naman ito sa heart niya.
"Grabi ka naman Nashi, mabait naman ako sayo ah tapos babarahin mo ako," napangiwi ako sa sinabi niya.
"Hindi tayo close Keiry, kahapon lang kita nakilala kaya tumigil ka," sita ko sa kanya, pero umikot lang ang mata nito. Lumapit ako sa kanya at tinignan ang sugat nito kasama narin ang ibang sugat nito. Mabilis naman ang recovery niya e.
"I need to go Keiry, may schedule pa ako sa isang pasyente ko," paalam ko sa kanya pero hindi na ako pinansin. Lumapit ako sa lalaking tumawag sa akin kanina at ang tumawag sa akin sa opisina ko. "Make sure na iinumin niya ang gamot niya for faster recovery," tanging tango lang ang sagot nito.
"Hey Nashi!" napabaling ako kay Keiry ng tawagin niya ako. Kumunot ang noo ko sa kanya. "Sino humalik sayo?" naningkit naman ang mata ko sa kanya.
Pinaningkitan ko ng mata ko si Keiry dahil halata naman na inaasar niya lang talaga ako. Parang hindi na inform na doctor ang kaharap niya ngayon.
"Hindi ka talaga titigil?" seryosong saad ko pero ngumiti lang ang loko habang kumikindat sa akin. Mas lalo lang niyang iniinis ako e.
"I'm just asking Nashi," he answer and blink his eyes with matching smile. Damn it! Lalaki ba talaga ako? Mukhang maniniwala na ako kay Mikay na bakla ito eh.
"Gusto mo tuluyan na talaga kita," banta ko sa kanya pero hindi manlang natinag, mas lalo lang itong ngumisi sa akin.
"Sino humalik sayo?" malakas akung napabuntong hininga at napatampal sa noo ko dahil sa mga tanong ni Keiry. Ilang beses pa akung napailing dahil umiinit na ang ulo ko sa lalaking ito.
"Mr. Keiry ano ang pinagsasabi mo? Babalatan kita ng buhay e," sagot ko sa kanya na nagpa ngisi pa lalo sa kanya. Ngising may laman at may kahulugan.
"E bakit ganyan ang suot mo?" panita pa niya kaunti nalang Keiry iihawin na kita. "Gwapo ba siya Nashi?" literal na napanganga ako sa sinabi niya. Sandali nga, kailan pa kami naging close ng lalaking ito para kausapin ako ng ganito? Tanginang Keiry ito.
"Keiry Exdel Zxicyl, gusto ko ang damit ko. At hindi ko alam ang sinsabi mo, saan mo yang lupalop ng mundo nahaligap. Kung ako sayo magpagaling kana," pambara ko sa kanya na ikinatuwa pa nito habang naaasar ako.
"Talaga lang ha. Sige bahala ka. Pero maganda ka talaga," saad pa niya at kinindatan ako napabuntong hininga nalang ako at tinignan ang lalaking tumawag sa akin kanina.
"Pakisabi sa pharmacist na bibilhan niyo ng gamot na sabi ko dagdagan ang gamot niya baka sakaling umayos na ang utak niya. At pakibantayan ang amo mo baka lumalala ang pagka saltik niya," nakita ko ang pagngiwi ni Keiry dahil sa sinabi ko.
"Hoy! Di ako baliw!" sigaw niya binilatan ko nalang ito habang nakanunot ang kilay niya sa akin. Nakita ko naman ang palihim na pagtawa ng bodyguard niya dahil sa inasal nito. See pati bodyguard niya alam nila na may saltik na ang amo nila.
Lumabas na ako at pinagpatuloy ang trabaho ko. Naririnig ko pa na sinuway ni Keiry ang bodyguard niya. Pero ano ang sinasabi niya? He know? Hindi naman siguro baka pinaglalaruan niya lang ako. Napabuntong hininga ako at pinagpatuloy ang paglalakad ko. Marami pa akung gagawin, at kapag ang lalaking nasa utak ko ang iisipin ko nawawala ako sa focus. I need to be busy para kahit paano mawala siya sa utak ko. Matinding virus naman niya sa utak ko. Tangina!
Naglibot pa ako sa hospital ward at nag check ng ibang patient upang masiguro ang kanilang mga kalagayan. Masyadong kilaka ang Nycolite Hospital kaya madaming pasyente ang pumupunta dito idagdag mo pa na magagaling ang mga doctor dito.
Mahal ko ang trabaho ko at dito ako masaya pero dito lang ba iikot ang buhay ko. Ganito lang ba ako habang buhay?
Dahan-dahan akung bumaba sa hagdan habang iniisip ang buhay na may roon ako. At ngayon pinaglalaruan pa ako ng lalaking iyon at naiinis ako sa sarili ko dahil pagdating sa lalaking iyon hindi ko alam ang ginagawa ko.
"Madapa ka sana!" napangiwi ako ng marinig ang boses ni Mikay na ngayon ay nakatayo sa dulo ng hagdan habang nakatingin sa akin.
"Gusto mo?" sigaw ko sa kanya at tumigil sa paglalakad habang matamis na ngumingiti. Kaagad itong napasimangot at kinindatan ako sabay taas ng kamay niya at nag oppa sign. Kaagad akung napangiti sa ginawa.
"Let's go!" sigaw pa ulit nito kaya pinagpatuloy ko nalang ang pagbaba ko hanggang sa makarating ako sa kanya. Pasalamat nalang ako na nandito sa buhay ko si Mikay. She's not just my best friend but also my sister, the only family I had right now.