Chapter 66

2200 Words

Amanda’s POV Panibagong araw na naman at maaga na akong pumasok sa Firm. Kasalukuyan akong nandito sa pwesto ko habang nag-aayos ng mga gamit ko at ng tatrabauhin ko sa buong araw. Mukhang magiging abala ang schedule ni Sir Kaiden dahil wala nga siyang ginawa kahapon sa mga appointments niya ni-isa. Talagang hindi ito nag-abalang replyan ang mga mensahe ko kahapon at kahit na pinipilit kong kumbinsihin ang sarili kong wala akong dapat na ikagalit ay hindi ko maiwasang mainis sa hindi malamang kadahilanan. Pero pipigilan ko ang sarili kong tanungin si Sir Kaiden tungkol sa ginawa niya kahapon. Dapat makita niyang wala akong pakialam, tutal gano’n rin naman ang ipinakita niya. Abala ako sa pag-aayos ng mga emails at hindi ko namalayan ang paglipas ng oras dahil napatingin nalang ako sa m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD