Chapter 12

1003 Words
Nakarating na sila sa mansyon at papasok sana si Marieneth sa loob ng hinawakan ni Sander ang kamay nito kaya napahinto ang dalaga at humarap sa lalaki. "B-bakit?" Kinakabahang sabi ng dalaga. Tiningnan nito ng binata sa mga mata na kinalunok ng dalaga. Ang bilis ng t***k ng puso nito parang lalabas na atah. "Ano pa bang kaya mong gawin na di ko alam. Sino ka ba talaga?" Nakatingin padin si Sander sa dalaga. Di komportable ang babae dahil ang lapit ng mukha nito sa lalaki. "H-ha... ako si Hannah... anong pinagsasabi mo." Sabi ng dalaga. "You said na isang beses ka lang nakashooting eh mukhang matagal mo nang ginagawa yun... nagsisinungaling ka ba saakin?" Ayaw kasi ng binata na nililihiman siya ng isang tao. Nag isip ang dalaga kung ano ang isasagot nito. "K-kasi isa akong.... stunt woman sa isang movie noon." Sabi ng babae habang nakatingin sa mata ng binata. Napabitaw ang binata sa dalaga at nakatingin padin ito sa mga mata. Di akalain ng babae na mas nakakatakot itong magalit. Ito ang unang beses na kinabahan siya nang ganito. Ganito ba talaga magalit ang isang Mafia Boss? "I'm sorry." Sabi ng binata at nabigla ang dalaga nang yakapin siya nito. "O-okey lang." Naiilang na sabi ng dalaga at humiwalay na ang lalaki sa yakap. "Magpahinga ka na. May pupuntahan pa ako." Napatingin ang dalaga sa kasama. "Saan ka pupunta? Sama ako." Sabi ng dalaga. Umiling ang binata. "Hindi pwede eh. Sa susunod nalang." Sabi nito at lumakad na papasok ng mansyon nakatingin lang ang dalaga sa binata papasok ng mansyon. Agad tumakbo ang dalaga sa sasakyan at dinikitan ito ng isang location magnet. Ito yung isa sa mga gamit na paborito ng dalaga dahil malalaman nito kung saan pupunta ang biktima niya. Agad siyang pumasok sa mansyon at nang makapasok na siya sa kwarto binuksan niya agad ang laptop niya at nakita niya na nakabihis ito ng itim at mukhang mapapalaban ito dahil sa nakaitim ito ng damit sa loob at leather jacket at black pants and shoes. Napaisip ang dalaga na mukhang may laban ito kaya agad din siyang nagsout ng damit at bibura ang itim na kulay ng katawan niya at ngayon makikita na dito ang puting kutis ng dalaga at gumamit siya ng hard make up at nagsout ng sando na black at shorts na black at boots na itim at nagsout ng wig na brown ang kulay na hanggang likod nito at natuwa siya sa itsura niya kasi ang ganda niya kung wala ang mga itim na make up sa kanyang katawan. Tiningnan niya ang laptop na sumakay na ang binata sa sasakyan nito at pinaharurut ito palayo. Agad siyang pumunta sa parking lot at kinuha ang kanyang sasakyan na pinalanunan nung nag racing siya pero iniba niya ang plate number nito. At sumakay na siya at tiningnan ang cellphone at na locate niya kung saan pupunta ang binata at pinaharurut na din niya ang sports car niya. Nang makaabot na ito sa lugar kung saan ang binata agad siyang bumaba at makikita mo na ang tahimik sa labas at ang mga taong pumasok sa pinto ay kakaiba ang mga damit yung pag gangster kung baga. Habang naglalakad ang dalaga nakatingin ang mga lalaki sa kanya. Napatingin ito sa entrance kasi mukhang may entrance card. Napaisip ito at nilapitan ang mga lalaking nakatingin sa kanya. "Hello boys." Malanding sabi nito. Mukhang nasiyahan ito dahil sa pinansin sila ng malagoddess na babae. "Your so beautiful." Sabi ng lalaki sabay hawak sa bewang niya. Napangiti ang dalaga at nakisakay sa trip ng mga binata di ito ang unang beses na may nagganito sa kanya kasi noon pa man sa mga naassigment niya ang paglandi sa mga target nito. Pero di pa niya nasubukan ang ginagawa ng mga adult people alam niyo na yun. Gagawin lang niya yun sa taong papakasalan niya at sa kiss unang halik niya ay yung hinalikan siya ni Sander kasalu sana yun sa asawa niya pero ninakaw yung ng binata na di man lang niya iniwasan kaya inis siya sa sarili niya nun. "Yeah i know." Sabi nito sabay hawak sa katawan ng lalaki. Dalawa kasing lalaki ang nandito at mukhang mayayaman ang mga ito. "Uhmm... babe, pwede bang samahan niyo akong pumasok jan. You know i'm new here." Pacute na sabi ng dalaga. Agad napatango ang binata at inakbayan ito papunta sa may entrance. "Uhmm sir, sino po yang kasama mo?" Sabi ng guard. Tiningnan nito ang guard. "She's my girlfriend... why?" Napasmirk ang dalaga. Kakaiba na talaga ang kabataan ngayon gf na agad yan ang nasa isip ng babae. "G-ganun po ba? Ah maam ito po card po yan ay isang VIP card dahil po gf niyo po ang second na pinakamalakas dito na Mafia. S-sige po pasok po kayo." Tinanggap ng dalaga ang card. Nginitian niya iyon at pagpasok nila doon na loading ang utak niya at naalala ang sinabi ng guard. "Isa ka sa ikalawang pinakamalakas na Mafia?" Sabi ng dalaga. Napatango ang lalaki at ngumiti at niyakap ang bewang ng dalaga at inilapit sa kanya. "Yeah... why?" Sabi nito na may malademonyong ngiti. Napangiti ng palihim ang babae dahil ang target na mismo ang nandito sa harapan niya. Pinulupot nito ang kanyang dalawang kamay sa leeg ng binata at nginitian ang binata yung seductive smile niya. Mukhang nahuli ng dalaga ang pinakamalaking isda naglalasalamat siya kay Zander dahil pumunta dito at sinundan niya. "Mamaya na natin ipagpatuloy ito, babe... may laban pa ako. Mukhang di mo pa ako kilala ako si Joseph Doo Sy. And you are..." Sabi ng lalaki napangiti ito sa kanya. "I'm Ace." "Nice name." Nakangiting sabi ng lalaki at naglakad na sila nang nakahawak padin ito sa bewang ng babae nang makarating sila sa isang VIP table hinanap ng dalaga kung saan si Sander di masyado niyang makita dahil sa marami ang tao dito sa loob makaramdam siya ng kakaibang aura. "Sy." Napatingin siya sa likod nakita niya ang lalaking hinahanap niya. "Sander." ****** LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD