Nakatulala padin sa upuan ang dalaga. Nandito na siya sa classroom nila at si Sander naman pumunta sa cr. Di siya makapaniwala na kinuha ang first kiss niya at di niya alam kung galit ba siya o nasayahan sa nangyari.
"Hannah."
Napatingin siya sa harapan.
"Oh, Sean bakit?"
"Mukhang may problema ka. Pwede kitang tulungan kung meron." Sabi nito. Umiling nalang ang dalaga at ngumiti.
"Wala. Don't mind me."
"Kung meron man nandito lang ako... uhmm pwede mo ba akong samahan bukas?" Napatingin ang dalaga sa kanya.
"Saan ka ba pupunta?"
"Libing kasi ni Dad, tomorrow." Nagulat ang dalaga nakalimutan niya yun ha.
'Siguro pupunta din si Sander bukas matalik kasi silang magkaibigan ng pamilya nila.'
"Okey." Sabi ng dalaga. Napangiti ang binata.
"Salamat, Hannah."
Sa pwesto naman ni Sander nandito sila sa Sander at ang mga kaibigan niya sa rooftop.
"Big Boss, mukhang ang gloomy mo ngayon ha." Sabi ng kaibigan nito na si Lance. Napataas ang isang kilay ng binata.
"Oo nga agree ako... mukhang kanina ang init init ng ulo eh kita niyo ngayon mukhang nanalo ng loto." Agree namang sabi ni Christofer. Napa Tsk nalang ang binata gusto na sana niyang puntahan ang dalaga kung di dahil ng mga kaibigan nito.
"Sayang oras. Anong sasabihin niyo saakin?" Naiinis na sabi nito.
"Hmm... ngayong gabi naghahamon ng laban ang Sy Clan." Seryosong sabi ni Charles. Bigla nalang nakaramdam ng galit ang binata dahil pinatay nito ang isang napakaimportanteng kaibigan nito noon.
"Ok... lalaban tayo." Seryosong sabi nito.
Nandito ngayon sa sasakyan ang dalawa di makatingin ang dalaga sa binata. Di parin nito makakalimutan ang paghalik sa kanya ng lalaki na kinaresulta ng di nila pagpapansinan ngayon.
"A-ang susunod niyo pong pupuntahan ay sa Shooting Area." Naiilang na sabi ng dalaga at nakatingin lang ito sa kalsada.
"Okey." Sabi ng binata habang nakatingin sa labas.
Napabuntong hininga ang dalaga at pinaharurut na niya ang sasakyan hanggang sa makarating na sila sa shooting area.
Nakasunod lang ang dalaga sa binata hanggang sa makarating na sila nang nanlaki ang mata ng dalaga sa nakita sa paligid niya ito ay ang mga iilang tao na nagbabarilan sa shooting circle.
"Good Afternoon, Mr. Schubert." Pakilala nung isang lalaki na may ari ng shooting house.
Tumango ang binata at pinasunod kami kung saan pupwesto ang binata. Nakatingin lang ang dalaga sa binata sa pagpapaputok at kating kati na ang kamay ng dalaga matagal tagal na din siyang di humahawak ng totoong b***l eh sa b***l na pampatulog at isang niddle lang ang bala ang ginagamit niya.
Nakita sa scoring tv na 89 points lang ang nakuha ng binata.
"Ehem... pagod lang ako ngayon kaya ganyan." Napatingin siya sa dalaga at nakita niya na mukhang di ito makapakali.
"Mr. Schubert." Napatingin ang binata sa gilid at mukhang uminit ang dugo nito ng makita ang kaaway nito sa shooting dito sa lugar. Parate nalang siyang natatalo nito.
"Yamato..." kalmadong sabi ng binata. Napatingin ang dalaga sa dalawa at tiningnan ang isang binatang kaedad lamang nila.
"Gusto mo bang maglaban ulit tayo? .... ay alam ko na pala na madali kang matalo sa mga ganito. I'm the king of shooting here." Napatayo ang dalaga at tumabi kay Sander.
"Tsk. I figh..."
"I do it." Sabi ng dalaga napatingin naman silang dalawa sa dalaga. Innosente lamang itong ngumiti.
"You? I think ikaw ang P.A. ni Sander... ang galing pumili ng P.A. niyo ha sana yung mapasyal naman sa mall." Biglang uminit ang ulo ng dalaga at kumalma ito at lumapit sa lalaki.
"I don't care... let's fight. Kung mananalo ako mamaya ko na sasabihin ang kapalit at ikaw din ang magdedesisyon kung ikaw ang mananalo. Deal?" Sabi ng dalaga. Mukhang naging exciting ang binata dahil sa sinabi nito.
"Deal."
"Hannah, are you sure na kaya mong magshooting?" Kinakabahang sabi ng binata. Napaisip si Hannah.
"Hmm... yeah tinuruan ako ng papa ko isang beses. Kaya hindi ito ang unang paghawak ko sa isang baril." Mukhang hindi kumbinsi ang binata sa sinabi ng dalaga lalo na nung sinabing isang beses pa itong nakaexperience bumaril.
"Wag mo kong minamaliit." Nakangiting sabi ng dalaga at lumapit na ito sa may shooting area magkatabi ng pwesto ang dalawa at nagtitigan ang dalawa.
"Di mo ko matatalo." Nakangiting sabi ng binata.
"Wag mong maliitin ang mga kagaya ko." Sabi naman ng dalaga at sinout na ang ear protection at eyeprotection glass. At hinawakan nito ang b***l at nilagyan iyon ng bala.
At seryosong nakatingin ang dalaga sa target area at sabay nilang itinutok ang b***l at nagpaputok na sila ng limang beses at di masyadong nakita dahil malayo ito at may mga usok pa itong lumabas galing sa b***l. Hinintay nila ang scoring tv kung sino ang may mataas na score.
Ibinaba ng dalaga ang b***l at tinanggal ang ear protection at eyeprotection glass. At nakangiting tiningnan ang lalaki.
*Ting*
Napatingin sila na kinagulat ng lahat.
Hannah: 100 score
Kenjie: 99 Score
"So..." di makapaniwala si Sander sa nakita niya. Di niya akalain na magaling din ito sa barilan. May iba pa bang hindi nalalaman sa babae. Napakamisteryoso nito at di man lang alam kung saan nanggaling.
"I think i'm lose... your good tama ka nga di dapat kita minamaliit. So anong kapalit nun natalo mo ko." Lumapit ang si Marieneth kay Kenjie at inilahad ang kamay. Nakatingin lang ang lalaki sa babae.
"Be my friend."
Nagulat sila dahil kung ibang tao pa yun siguradong pera, sasakyan o ano pang bagay ang hinihingi pero ang dalaga tanging pakikipagkaibigan lamang ang hinihingi nito.
"Seryoso?" Di makapaniwalang sabi ng binata.
"Bakit? Anong mali sa nakikipag kaibigan?" Inosenteng sabi ng dalaga. Tulala padin ang lalaki at nagsalita ito.
"Ayaw mo ba ng pera, sasakyan o mamahaling gamit?"
"Ayaw. Yan mga bagay na yan mabilis yang mawala pero ang pagkakaibigan matagal yang mawawala." Paliwanag ng babae. Napangiti ang binata at tinanggap ang kamay nito.
"Okey, friends. Pasensya ka na kung may nasabi akong nakakasakit sayo ha." Umiling ang dalaga at ngumiti. Napatayo si Sander at lumapit sa kanila.
"I think WE need to go." Sabi ni Sander sa dalaga. Napatango ang dalaga.
"Sa susunod uli na pagkikita, Kenjie." Sabi ng dalaga at nagpaalam na ito at nakangiting kumaway ang binata.
"Kakaibang babae... feeling ko may kakaiba sa kanya... she's like an angel in disguise." Sabi ni Kenjie habang nakatingin sa dalagang lumabas ng pinto kasama si Sander.
Napangiti nalang ito.
"Magkikita uli tayo sa susunod, Hannah."
*****
LMCD