Kabanata XV Erica's POV Mabilis lumipas ang mga araw. Nasanay na rin ang mga estudyante ng St. Mary's na makita kaming magkasama ni Jed, pero wala silang kaalam-alam na we're already married. Namimiss ko na rin si Angelo. After noong hinatid niya ako sa bahay, bihira na lang kaming magkita. Pero nagkakausap naman kami through phone. At ngayon, hell week ko na!!! Finals na kasi eh!! Kailangan ko talagang magsunog ng kilay. Nakakahiya kaya kapag nakita ni Jed ang mga grades ko na ubod ng baba. "Ayoko na!! Brain hemorage!!!" sigaw ni Belle. Nandito kami ngayon sa tambayan. Nagrereview kasi kami para sa finals. "Brain Hemorage pinagsasabi mo?"-Arvian "Himdi na kaya ng utak ko!!! Dumudugo na siya!!!"-Belle "Eh paano, hindi mo iniintindi 'yang binabasa mo!! Puro ka text!! Sino ba 'yang