Prologue

993 Words
Kinapa ko ang paa nang makaramdam ng pamimigat doon. At napasinghap nang malaman na may malaking bakal na nakakabit doon. Kinapa-kapa ko pa ang nakakabit na iyon nagbabakasakali na baka maari kong makalag sa mga paa ko pero hindi ko alam kung papaano iyon. "M-May t-tao po ba diyan?"nanghihina ang boses ko kasabay ng panginginig. Hindi ako nakakakita kaya hindi ko alam kung anong lugar ito at nasaan ako ngayon. Malamig ang lugar. Maging ang sahig na kinauupuan ko—malamig din. Nakakabingi na katahimikan ang bumabalot sa lugar. "N-Nasaan ako?" Umalingawngaw ang boses ko. Naghintay ako ng ilang saglit ngunit tila binuhusan ng isang baldeg yelo nang makaramdam ng mainit na hininga malapit sa mukha ko. "Ssshhhh..." At mabilis na naitapat ang hintuturo sa mga labi ko. Napasinghap ako nang biglang hawakan ng mala bakal niyang mga kamay ang braso ko. Napangiwi ako sa sakit dahil pakiramdam ko babaon ang kamay niya doon. "N-Nasasaktan ako,"nanginginig kong turan. Dala na rin ng takot. "I said I want to be with you." Napanganga ako. "P-Po?" Napaigik ako nang maramdaman na mas hinigpitan niya ang hawak sa braso ko. Bakit ganito siya kalakas? O baka dahil mahina lang talaga ako? Pero nakikilala ko na ang may-ari ng boses. Ang lalaking ito... "Say it you want to be with me too." Mas hinigpitan niya pa para mapangiwi ako sa sakit. "Say it..." aniya sa baritunong boses. Ang hininga niya na amoy mint green. Nararamdaman ko na napakalapit niya sa mukha ko. At nakakakilabot ang uri ng boses niya. Tila may kalakip na kapahamakan doon iyon. "A-Ano ba ang kailangan mo? H-Hindi po kita maintindihan—" Napayuko ako sa sakit nang diinan niya na naman. Dyosko! Ano ba itong nangyayari? Ano ba ang kasalanan ko at ginagawa niya ito? "I just want your simple 'yes'." "Pakiusap..." Napaiyak ako. "Please say it." Nang mapansin na hindi ako nagsalita dahil sa kalituhan ay biglang hinawakan niya ng mahigpit ang dalawang pisngi ko at pinisil. "Just say it,"aniya ngunit may diin sa boses. Alanganin akong tumango. Wala pa ako sa sarili ngayon pero dahil iyon ang gusto niya ay kailangan ko sumunod. At nasasaktan na rin ako kaya wala akong magawa kundi ang pumayag. "I want to hear it, from your mouth."binulong niya iyon sa tainga ko. Kumalat ang kilabot mula sa likod ko tungo sa batok dahil sa ginawa niya. "O-Opo." Nakagat ko ang ibabang labi ko. Ramdam ko ang panginginig ng buo kong katawan. Maging ang labi ko ay nararamdaman kong nanginginig din. Sunod-sunod ang pagtulo ng luha ko. Hindi ko alam kung anong nagawa ko at ginawa niya ito sa'kin. Hindi naman ako nagkulang sa pagsisilbi sa pamilya niya, lalo na sa kaniya. Kahit kailan sa kabila ng kapintasan ko ay ginagawa ko naman ang lahat ng makakaya ko. Sinisikap kong huwag maging pabigat sa mga kasama ko sa mansyon na ito. Wala akong naalalang may nagawan akong atraso sa kanila lalo na sa kaniya. Araw-araw nararamdaman ko ang pagod ng katawan ko sa kakabanat ng buto. Gagawin ko naman ang lahat ng gusto nila. Kahit pa saluhin ko lahat ng gawain sa bahay na ito. Kahit ako ang pag-initan ng mga kasamahan ko. Ayos lang. Huwag lang ito. Kahit 'wag lang ito... "Good to hear,"paanas niyang sabi. Hindi ko kayang magsalita ulit pagkatapos ng pananakit niya. Natatakot akong baka gawin niya ulit iyon pag nagsalita ako. "I'm sorry." Ilang saglit ay naramdaman ko ang kamay niya na pinahid ang luha sa pisngi ko. Bahagyang napaurong ang ulo ko at napasinghap dahil sa ginawa niya. "Let me take this." Hinawakan niya ang bakal sa paa ko. Mukhang aalisin niya na ang bakal na iyon. Kaya lang may napansin ako sa ibabang binti ko habang tinatanggal niya iyon. Tila kumakapal iyon, nanlalamig, parang namamanhid. Nang tuluyan niya na iyong naalis ay balak kong tumayo at tatakbo kahit saan man ako dalhin ng mga paa ko. Mangangapa ako sa paligid hanggang sa makalabas ako at makalayo. Pero hindi ko iyon nagawa. Dahil hindi ako halos makatayo, walang lakas ang mga binti ko na hindi ko maintindihan kung bakit. "I cut something inside your legs. I know, sooner or later tatakas ka." Kinapa ko ang tuhod ko dahil doon ko naramdaman na may kirot. Naramdaman ko ang naka-cast kong mga tuhod. Anong pinutol niya? Ugat ba? Ugat ba sa binti ko ang pinutol niya kaya may binda ito ngayon at wala na akong nararamdaman dito? "Don't worry, maibabalik ko 'yan. Maging mabait ka lang, Yn." "Paano mo nagagawa ito?"halos hindi ko na marinig ang boses ko sa panghihina. Bulag na ako tapos hindi pa makalakad? Parang napanghihinaan ako ng loob sa mga nalaman ngayon. Bakit nangyayari sa akin ito? "Just behave and do you whatever I want. Dahil pwede ko rin kunin ang dila mo anytime so you can be totally a mute and blind." Napasinghap ako nang buhatin niya ako sa mga bisig niya. Masuyo niyang iginiya ang braso ko upang isampay sa balikat niya. "Mula sa araw na ito, dito ka lang... sa tabi ko." Humihikbi pa rin ako habang nasa braso niya. Nanghihina sa mga nalaman hindi ko halos masabi ang nasa isip. "I want you. Just for myself, exclusively for myself. I have to close the door, nobody can see you. I don't want someone staring at my property." Ibinaba niya ako sa malambot na higaan. Pero mas gusto kong sumiksik sa sulok kaysa doon. Nanginginig pa ang mga daliri, ramdam na ramdam ko. Inaari niya ako, anong utak mayroon siya? Kaya ba siya nakakulong sa silid na ito? Dahil ba doon? Kaya ba hindi namimili ng mga pinapapasok na katulong ang pamilyang Rojo? Ito ba ang totoong pagkatao ng anak nila? Pero bakit ako ang napili niyang ikulong at ariin? Napakarami niya nang naging tagapagsilbi pero ako lang... ako lang ang nakaranas ng ganito. Ano na ang susunod na mangyayari sa akin? Kinakabahan na ako ngayon. Nasa kamay ako ng taong baliw na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD