Kabanata 2

1650 Words
Ilang taon ang nakararaan. Katulong ang naging programa ng Baranggay kung saan tutulong sa gastusin ang mga taga-Baranggay sa namatayan ay nagkaroon ng disenteng lamay ang Lola ko. Isa siya sa naging myembro noon. At oo, sa pinansyal ay hindi ako nahirapan pero ang kalooban ko ay hirap na hirap habang dinadama lang ang kabaong niya. Gusto ko siyang tingnan sa huling pagkakataon pero hindi ko magawa. Sa pagkakataong ito ay namalaam na nang tuloyan ang aking lola. "Ano na ang mangyayari sa kaniya niyan?" "Kawawa naman. Bulag pa naman. May tumatanggap pa ba ng bulag ngayon sa trabaho?" "Wala nga, e. Pasanin nga iyan ni Manang Peli noong buhay pa iyon, e. Ngayong siya na lang—iwan ko lang!" Naririnig ko ang pag-uusap ng mga gumagawa ng bulaklak sa patay. Pati iyon ay ang mga kaba-baryo rin ni Lola ang gumagawa basta ba myembro ng organisasyon. At mukhang tungkol sa buhay ko ang pinag-uusapan nila ngayon. Napayuko na lang ako at pinipigilang maiyak na naman. Naka-upo lang ako sa upuan na malapit sa kabaong. Malayo ang mga kamag-anak ni Lola. Ni walang dumalaw sa lamay niya. Ako lang yata ang nandoon na kadugo niya at wala nang iba. Kahit kailan hindi ko rin naman nakadaupang-palad ang mga iyon. Pagkatapos ng tatlong araw ay inilibing si Lola. Umuulan iyon hanggang sa hapon habang tahimik lang akong naka-upo sa may bintana at dinadama ang lamig ng panahon. Panay tanong sa sarili ko kung saan na ako pupunta ngayon. Sa pag-iisip ko ay napagpasyahan na wala na akong pagpipilian kundi ang magpunta sa bayan bukas. Maghahanap ako ng trabaho doon at magbabakasakali na mali ang mga panghuhusga nila na walang tatanggap sa'kin. Lumingon ako sa may hagdan nang marinig ang mga pag-uusap sa baba. Siguro iyon na ang mga taong kukuha ng dekorasyon na hiniram namin para sa lamay ni Lola. Ibinalik ko ang atensyon sa labas ng bintana at ipinagpahinga ang isipan. Napakarami kong problema sa nagdaang araw simula noong nakaratay na si Lola sa higaan. Ang tanging alam ko lang ay ang gawin ang mga gawaing bahay na pinag-aralan ko simula noong onse ako. Napakarami kong gustong gawin pero hadlang ang mga mata ko para doon. At hindi ko nailigtas si Lola dahil sa kapansanan ko. Kung sana normal lang akong babae. ... "Pwede naman. Panigurado! Tatanggapin ka nong amo namin." Natatawa na sabi ng lalaki may kasama rin siya na lalaki at hula ko ay matador din sa pwesto na iyon. Abala ang lahat sa pagagayat ng mga karne na bibilhin ng mga costumers. "T-Talaga?" Nabuhayan ako ng loob. Iyon na ang pang limang nilapitan ko para mag-apply ng trabaho. At ngayon nang marinig iyon ay bumangon ang pag-asa sa puso ko. "Malaki ang pasweldo, sigurado!"dagdag niya pa. Napalunok ako. Mabuti kung ganoon nakaramdam ako ng tuwa. "Kaya lang ikaw ang gagawing panghiwa sa karne." Tapos nagtawanan sila. Para akong binagsakan ng langit at lupa nang malaman na pinagloloko lang nila ako. Napayuko ako. "Sa tingin mo sino ang tatanggap sa'yo niyan e mukhang 'di ka naman yata mapapakinabangan... maliban sa kama." "Oo nga, maganda, magandang katawan, ikot ka nga!" Maiiyak na akong nakayuko sa harapan nila. Dahan-dahan kong kinuha ang kahoy kong tungkod. Hindi na tali ni Sham ang hawak ko ngayon. Dahil gaya ni Lola iniwan niya na rin ako. At ngayo'y mag-isa na lang ako. "Ikot ka muna, hoy!" Naririnig ko pa rin ang tawa nila. Tinalikuran ko sila dahan-dahan habang kinakapa ng tungkod ko ang daan. At ilang saglit ay pinahid ko na ang luha na naramdaman kong dumaloy sa pisngi ko. "Hoy! Kayong dalawa ang bababoy niyo!" Narinig kong saway ng isang babae. "Bulag na nga iyong tao ginaganiyan niyo pa. Hala! Magtrabaho na kayo, iyong isang kostumer doon asikasuhin mo iyon!" Nagpatuloy na ako sa paglayo. Maraming kainan doon siguro iyon naman ang susubukan kong lapitan. Marunong naman ako sa gawaing bahay kaya ko naman yata iyong mga hugasin nila. Napasinghap ako nang may humawak ng braso ko. "Ineng?" Bumaling ako sa kaniya kahit hindi ko siya nakikita. "P-Po?" "G-Gusto mo ba ng trabaho?" Napalunok ako at agad tumango. Babae ang kaharap ko ngayon base sa tuno ng boses niya pero iba ang boses niya kumpara doon sa babaeng nanaway sa mga nambastos sa akin. "Akala ko matatanggap ka na kanina kaya hindi kita nilapitan. Pero ngayon..." May alanganin sa bawat salita niya. Nakapagtataka pero mas nakatuon ang atensyon ko sa binanggit niyang trabaho. "A-Ano po bang trabaho? Dito po ba sa palengke?" Matagal bago siya nagsalita. "Sa mga Rojo." Natigilan ako. Iyong sobrang yaman na pamilyang iyon? Doon siya nagtatrabaho? Sila ang pamilyang nagmamay-ari ng pinaka malaking lupain sa buong lugar. "M-May kontranta ako doon, penermahan ko na. Gusto kong umalis at..." "Bakit gusto niyo umalis? Mukhang maganda naman doon." Matagal na naman siyang nakasagot at mukhang nag-iisip pa. Kilalang mayayaman ang mga Rojo paniguradong maganda ang pasahod doon. "N-Nanganak ang anak ko w-walang mag-aalaga kung hindi ako uuwi. A-At, makakaalis lang ako kapag may sasalo ng kontrata na pinermahan ko. K-Kaya kung gusto mo..." Hindi na rin ako nagdalawang isip. Hindi rin ako pamilyar sa kontrata na sinasabi niya pero gusto ko talaga ng trabaho. Wala na akong matakbuhan ngayon kaya kahit ano papatusin ko mabuhay lang. "Mabuti, dadalhin kita bukas doon. Magkita ulit tayo dito sa palengke." ... Hindi ako nakatulog ng gabing iyon. Ito ang kauna-unahang beses na magtatrabaho ako. At ang nakakamangha ay ang malaman na isang kilala na mayamang taga-rito ang papasokan ko. Biglang sumagi sa isipan ko ang mga nakaraan. Iyong batang lalaki na nakilala ko dati sa batis. Kumusta na kaya iyon ngayon? Hindi ko naman alam kung anak ba iyon ng katulong ng mansyon o 'di kaya'y anak ng hardenero. Kung nangyaring umalis na ang magulang no'n ay paniguradong wala na rin siya doon sa Mansyon ngayon. Napabuntong hininga ako. Sana magkita ulit kami. Maliban sa kababata kong si Greg na anak ng kaibigan ni Lola ay na-miss ko rin ang batang nasa mansyon. Pinilit kong matulog sa gabing iyon. .... "Be mine." Nagising ako nang marinig ang boses na iyon. Natigilan ako nang makapa ang hinihigaan. Hindi ito ang higaan ko. Kaya agad akong napabalikwas ng bangon. Nangapa ako sa paligid. Makintab na lamesa ang nakapa ko at hindi ko namalayan na may mga gamit na nakapatong sa ibabaw niyon. Nahulog iyon at hindi ko alam kung may mga nabasag pa. Nagulat ako at napaatras. "P-Pasensya na, pasensya na po!" Nahintakotan akong napatakip ng bibig. Sa pag atras ko ay may nabangga ako. Agad akong napabaling doon. Sa pagkakataong ito ay hindi na bagay iyong nabangga ko. Naramdaman ko ang init ng katawan niya noong dumaiti ang likuran ko sa kaniya. Manghihingi na naman sana ako ng tawad nang bigla niyang hawakan ang palapulsuhan ko. Hinila niya ako palapit sa kaniya at bumangga ang dibdib ko sa matigas niyang dibdib. Naubo ako sa lakas ng impact. Gusto kong kumawala pero malakas siya. "You're mine, Yenah." Nagpumiglas ako dahil halos hindi ako makahinga sa higpit ng yapos niya. "Mine." Barituno ang boses niya at halos pabulong na lang ang huling kataga na binanggit niya. "H-Huwag!" Pero hindi pa rin siya bumibitiw sa pagkakayapos. Kahit anong gawin kong pagpupumiglas ay tila wala lang sa kaniya. Tila mas nag-ibayo pa ang lakas niya sa bawat palag ko. "Huwag!" Nagising ako at habol ang hininga. Napahawak ako sa dibdib habang hinihingal. Anong klaseng panaginip 'yon? Bakit ko napanaginipan 'yon? Saglit lang ang pag-iisip ko sa naging panaginip nang maalala ang usapan namin ng babaeng makikipagkita sa'kin sa palengke ngayon. Umaga na. Walang manok para manggising sa'kin pero nandiyan ang ibon na pang-umaga na nakasanayan ko nang pakinggan upang malaman kung umaga na. Boses ng insekto at ibang maliliit na hayop ang ginagawa kong orasan sa bundok. "Ay naku!" Bulalas ko at agad bumangon para makapagbihis na. Kagabi pa ako handa. Nandiyan ang maliit kong bag na gawa sa banig at iilang damit. Kukunti lang ang damit na mayroon ako. Iyong ipambibili ng damit ay pambili na lamang ng pagkain at iba pang kakailanganin sa bahay. Hindi rin naman ako masiyadong nalabas noon. Ngayon lang naman ako nakita ulit ng mga tao ngayong wala na ang Lola ko. Simula noong sinama ako ng bata sa loob ng mansyon ay kinabukasan mahigpit na si Lola sa pagbabawal sa'kin na maglalalabas. Nakasanayan ko na rin at hanggang sa magdalaga ako. Ayoko rin na mas bigyan pa siya ng problema. Pasanin na nga ako, magbibigay pa ng dagdag problema. Kaya sinusunod ko siya kahit hindi ko alam kung bakit. Sinuot ko ang pinaka-maayos kong damit. Iyong bulaklakin na damit na hanggang tuhod ayon sa diskripsiyon ni Lola noong iregalo niya ito sa akin. Hindi ko tinali ang buhok ko at hinayaan lang na nakalugay. Mas mukha raw akong maayos tingnan kapag nakalugay sabi ni Lola. Kaya para siguradong hindi ako tatanggihan ng mga Rojo ay kailangan kong maging presentable kahit papaano. Mabilis akong nakarating sa tagpuan namin dahil pinakyaw ko ang trysikel para ihatid ako sa lokasyon niya. Ginamit ko iyong huling barya na naiwan ni Lola sa bulsa ng luma niyang palda. Ayaw ko rin na paghintayin ng matagal ang babaeng tutulong sa'kin dahil baka mainip at magbago ang isip. "Nandito na ako." Hawak ko ang kahoy na tungkod at ngumiti. "B-Buti naman at dumating ka. Kinabahan ako baka hindi mo ako siputin." Base sa pananalita niya ay para siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan nang makita ako. "Kailangan ko talaga ang trabaho kaya..." Nahihiya akong ngumiti. "Tara na. 'Wag mo na alalahanin ang trysikel dahil ako na ang magbabayad." At mabilis niya akong naigiya sa isang sasakyan na dumaan. Para siyang mauunahan sa pagkain kapag hindi niya agad nasunggaban. Nagtaka lang ako dahil doon. Pero naalala ko iyong naikwento niya tungkol sa anak niyang nanganak. Kaya siguro ganoon. Bumuntong hininga ako. Sana hindi ako mabigo sa pagkakataong ito.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD