Selena's POV "Boss! Magaling ba si Ma'am?" tanong kaagad ng tauhan ni Dale nang makabalik na kami. Nagkatinginan pa kaming dalawa. "No," tanging sagot ni Dale. Hindi nga naman ako magaling. Tatlo nga lang ang natamaan ko na dapat sampung hits iyon. Tanghali na nang makabalik kami kaya dumiretso na kaagad kami sa kusina kung saan nakahanda na ang pagkain. Naroon din si Cress. "Kumain na po kayo," pag-aya ni Cress nang makita kami. "Tamang-tama napagod ako," sabi ni monster sabay sulyap sa akin na may kakaibang tingin. May ibang ibig sabihin ang pagkapagod niya. "Nakakapagod po ba ang magturo ng shooting Kuya?" tanong naman ni Cress nang makaupo na kami. Nagkatinginan na naman kaming dalawa ni monster. "Yes, lalo na kapag walang experience yung tinuturuan mo. Hirap sumabay,"