Selena's POV "HOY! SELENA!" Natarantang minulat ko ang aking mga mata. Bumungad sa akin ang mga mukha ni Shyra at Aryana. Naalala ko, nasa school nga pala ako pero nakatulog ako sa sobrang antok. Hindi kasi ako nakatulog kagabi dahil nanood ako ng palabas sa kwarto at maga ang mga mata ko dahil sa pinanuod ko. Habang nanunuod kasi ako, tulo rin ng tulo ang aking luha dahil sa nakakaiyak na kwento. Pinayagan na akong pumasok ni monster. Wala siyang magagawa kundi ang payagan ako. Wala naman akong ginagawa dun sa mansion niya. Kagaya noong una, hinatid na naman ako ng dalawa niyang tauhan. Hindi nga lang ako ang nag-drive dahil binawi na muli sa akin ni Dale ang binigay niyang sports car. Binigay niya tapos babawiin din naman pala. "Bakit ba antok na antok ka?" tanong nitong si S