CHAPTER 15

2084 Words
Naisip nila kapwa. Bakit ba ganyan sila makitungo sa isa't-isa. Wala naman sila relasyon tanging ang kasunduan lang nila ang namamagitan sa kanilang dalawa. Pero kung magtalo nga sila. Dinaig pa nila ang magkarelasyon. Kaya ang mga mata ng mga tao sa paligid ng buong restaurant sa kanila ang mga punta. Maging yung waitress nagulat sa mga usapan nilang dalawa. Sa mga sagutan nila. Hindi rin magpapatalo si Apple sa paninita niya sa lalaki. Habang ganun din ito sa kanya. Magulo sa paligid. Maiingay ang bawat busina ng sasakyan ng makalabas na sila sa loob ng restaurant. Hindi na nila makayanan ang mga titig at tinginan ng mga tao sa loob. Kung bakit ang tatanga-tanga na si Apple nabangga ng isang waiter at nabuhusan ng juice. Kaunti lang naman ang bumuhos sa kanyang mukha, damit at higit sa lahat sa magkabila niyang dibdib. Nakaiwas kasi ng siya ay bigla nalang hawakan payakap ng lalaki. Hehehe! Hindi lang ngayon isang beses, dalawang beses siya nayayakap nito at nagdampi ang mga balat nila. Sa mga katangahan niya ay napapadalas nalang at nauulit ang mga nangyayari it is because of her. “Sumunod ka! Andun yung sasakyan ko." turo nito. Nang magulat siya napansin pala nito ang pagkatulala niya at pagtigil ng mapa-tayo lang siya habang hawak ang magkabilang pisngi. Kasi naman ay ngayon siya nakaramdam nuon. Sa maraming tao naman ba kasi nangyari at marami ang mga matang nakakita ng magkatinginan sila sa mata. Kaya ang nangyari tuloy ngayon. Nanigas ang mga paa niya ng hindi mailakad ang paa. Hindi makarecover sa mga puna at iniisip ng mga tao sa loob ng restaurant. May nagtanong kasi. “Are you both… In a relationship?" dahan-dahan pa na nausal ng isang customer habang ang daliri nakaturo sa kanilang dalawa. Napadaan lang kasi ito. Nang sweet siyang nasalo ng lalaki. Slow motion. Pero ang bilis ng sa puso niya. Ang bilis din naman kasi ng pangyayari. Kaya talagang di siya makahulma pinamulahan lang siya ng magkabila niya na pisngi. Yung waitress nga. Halos dumikit na ang mata na nakatingin sa kanila. Manipis na napangiti pa ito na tila ay natuwa sa mga nangyari nang makita na halos magdikit na sila. Hindi lang ang katawan nila. Kundi maging ang kanilang mga dibdib at labi. Nauna lang madikit ang kanyang dibdib sa lalaki. Tumalbog pa nga siya ng nabuwal ito sa sahig bago siya. Napakahigpit nang hawak nito nang mauntog maging ulo niya sa mukha nito. Na payakap naman siya ng tumagilid ito na nakayakap sa kanya. Di ba? Ang cute nila na mga tingnan ng mamula na ang pisngi niya. Maging nuo na nauntog sa kanya. Si Apple hindi maihakbang ang paa habang iniisip ang nangyari sa kanya. “Imposible, bakit lumalakas ang t***k nito pagdating sa kanya?" tanong niya, napahawak sa dibdib habang nakabulong siya sa kanyang sarili. “Hey, lalakad ka ba o maiiwan ka diyan?" sigaw ng lalaki sa kanya. Pero di pa niya alam ang pangalan nito. Kaya naisip niya. Mr. Suplado nalang ang itawag niya dito. Wala na siya maisip na ibang katawagan na pangalan maliban sa naisip niya ang Mr. Suplado. Kaya lang naisip niya parang hindi bagay. Parang is awkward kung tawagin niya ito sa ganun. Napalunok siya. “Okay, nariyan na!" sigaw niya, sumunod na rin siya hila pa rin ang mga gamit niya. Nagmamadali na rin siya na sumunod. Isang kalye ang pinasukan nila at duon tanaw niya ang isang kulay asul na sasakyan. “Maganda" usal niya ng makita ang bigla nito hinto at pagtapat ng lalaki sa asul na sasakyan na yon. “Pero sana red, para mas unique sa itsura niya. Ang sungit kasi niya, paiba-iba pa ng mood. Hindi ko maintindihan talaga. But, anyway ayos lang basta matapos ko lang ito at makauwi na rin ako. Ayos na! Hindi naman na kami magkikita diba?" naitanong niya sa sarili ng bumubulong siya habang nilalakad ang kalye. Malapit na siya dito. “Hindi man lang gentleman?" naibulong muli niya ng makatayo na siya sa harapan ng sasakyan. “Pasok! Ilagay mo nalang sa likod yang gamit mo. And then saka ka pumasok." nakalunok na ito na sambit nito sabay utos. Malalim na buntong hininga na kumilos si Apple. Wala naman siya magagawa. Alangan na sabihin niya na baka pwede na ito na ang gumawa para sa kanya. Hindi naman pwede! Nahihiya siya na utusan ito at sabihin yon dito. Lalo na nang mauna na ito pumasok sa loob ng sasakyan. At isarado ang pinto. Habang siya nasa labas pa nahihirapan na iangat ang compartment sa likod ng sasakyan. May ilang minuto pa ang lumipas bago sumunod ang pinto ng compartment. Bago bumukas at mailagay niya ang gamit niya. “Talaga naman!" aniya na wika ng maisarado na ito. Napainat siya ng kanyang katawan. Ngalay sa pagbubukas ng pintuan. Nung compartment. “Bakit kasi sa taxi automatic na bumubukas. Bakit ang isang yon hindi?" natanong niya nang buksan na rin niya ang pinto sa likod sa kanang gilid ng sasakyan. Nang makasakay na siya. “Bakit dyan ka naupo? Hindi mo naman ako driver di ba?" “Kanina ka pa! Nangiinis ka ba talaga?" mabigat na napahing ng kanyang hininga si Apple. Tanong niya sa lalaki. Inismiran siya. Sabay na tingin sa harap ng sasakyan at pinaandar ang makina. “Okay, whatever! Maupo ka nalang diyan if gusto mo." sabi ni Thomas. Palihim sumilip ito sa maliit na salamin sa ibabaw. Malapit sa may ulunan niya. Nakikita niya ang babae dun habang nakasimangot. “Taga saan ka?" nagtanong si Thomas habang nagmamaneho. “What do you mean? Taga saan? Dito o sa Pilipinas?" sagot ni Apple. Pilosopo siyang sumandal na sumagot na patanong din sa lalaki. “I mean kung taga saan ka sa Pilipinas?" “Ahh!" kumukuyakoy ang kanyang mga binti. Kinakabahan? o, talagang bumibilis lang ang t***k ng dibdib niya sa tuwing mapapatitig siya sa lalaki. Kangina kasi tahimik lang ito ng mag-umpisa na magmaneho. Pero ngayon madaldal na ito at nag-uumpisa na rin na magtanong. “So taga saan ka nga?" inulit nito na tanong sa kanya. Napaisip pa si Apple kung dapat niya ba sagutin ang tanong nito. “Wag mong sabihin sa ibang lugar ka nakatira? Hindi sa Pilipinas? Saang bansa ka ba galing bago ka dito napunta for vacation?" “Alam mo magmaneho ka nalang muna. Gusto ko umidlip sana." masungit na sagot ni Apple. Inaantok. Bigla namigat ang mga mata niya at inaantok siya. Gusto niya sana maipikit ang dalawang namimigat niyang talukap. “Okay, sige wag mo na lang sagutin." tila dismayado pa ito nang hindi niya nalaman ang sagot sa tanong niya sa babae. Imbis na pangalan nito ang nauna niyang may tanong. Yung lugar sa Pilipinas kung saan ito nakatira ang naisip niya na itanong. Kinakain din siya ng hiya na nararamdaman nito. Ang totoo kabado rin siya na makaharap ang babae. Matapos ang mga nangyari sa kanila sa loob ng restaurant. Nang pinagtitinginan sila at usisain ng mga tao don. Labis din ang ibinigay na dahilan para ang puso niya, tumibok. For the second time. He felt like what he felt in her past. Yung pakiramdam niya noong unang tumibok ang puso niya sa babaeng una rin nanakit at nang iwan siya. Kaya nga hindi niya makalimutan ito. And because of the girl he met now. Tila nakita na naman niya ito at parang nauulit ang mga nangyari nuon. Kaya sinusubukan niyang iwasan. Pinipigilan niya na maulit. Pero nahihirapan siya. Para bang mahihirapan siyang gawin ito sa nakikita niya lalo na tatlungpung araw sila magsasama at magkikita. Hindi naman nya magawa na ipagtabuyan ito. Lalo na siya na mismo ang nag-alok at nagdala sa kanya sa ganun na sitwasyon. Sana binigyan nalang pala niya ng pera ito. Kung bakit naisip niya pang makipag kasundo dito. Nawala sa isip niya. Hindi siya nakapag-isip ng tama sa pagkakataon ng makaharap ito at makausap. O, baka naman dahil sa ngayon niya lang din narealize? Nagfocus siya sa pagmamaneho. Tulad ng nabanggit niya sa babae. Treinta minutos ang magiging biyahe nila. From her occupied hotel to his occupied hotel. Ganun kahaba at kalayo na ang narating niya ng magdecide siya na bumalik pa siya sa hotel ng babae para lang sunduin ito. Napansin niya na tulog na nga ang babae. Mukhang napagod nga ito mula sa kanilang pag-iikot kangina. Marami na din sila mga naikot at na pasyalan kangina. Kahit nga siya ay napagod na rin. Pero nagawa niya pa ang bumalik para sunduin ito. Naibuka niya ang bibig niya ng mapahikab siya. Inabutan din siya at dinatnan ng antok. Gaya ng sinabi niya sa babae. Maaga pa talaga siya bukas para sa kanyang meeting. But until now. It is too late. Madaling araw na nga papauwi pa lang siya upang bumalik sa hotel niya. Nais na sana n'ya ipikit ang mata niya. But, hindi pwede dahil sa nagmamaneho pa siya. Titiisin na lang niya total bahagya na lang malapit na rin siya sa hotel na tinutuluyan niya. And abot tanaw na nga niya eh. Napasinghap siya. Habang ulit mapahikab. “Miss, dito na tayo." ginigising niya yung babae. “Miss!" ulit niya na tawag dito. “Miss!" sa pangatlo na pagkakataon. Nagmulat din sa wakas ito ng mata. “Andito na tayo. Gumising ka na at kunin mo na yung mga gamit mo at tara na nang dun ka na matulog sa taas." tuluyan na nga naimulat ni Apple ang kanyang mga mata. Napalingon pa siya sa likod, sa harap at sa gilid. Tanging mga sasakyan na nakapark na lang ang nakikita ng mata niya. Wala na siya makita na mga naggagandahang ilaw sa paligid. Kundi ang mga naggagandahang sasakyan na lang ang mga nakikita niya. “Ano? Bababa ka ba o dito ka na lang matutulog?" baritono na tono na tanong ni Thomas sa babae. Smooth lang ang galaw ng babae. Hindi nagmamadali. Bumaba na rin ito sa sasakyan. Umikot sa likod at kinuha ang kanyang gamit sa may compartment. “Paki sara na lang tapos sumunod ka sa akin." wikang pakiusap na utos ng lalaki. Sumunod lang din si Apple. Namangha ang mata ni Apple sa kanyang nakikita. Sa elevator pa lang sa parking lot mukhang napakalaki ng hotel at yayamanin. Nasa isip niya yon. Habang napasinghap siya na tinitingnan ang bawat nilalakaran nila. “Ang ganda! Talaga ata na mayaman itong isa na ito. Hindi lang mayaman super yaman. Sa ganda at laki nitong hotel. Tiyak na super mahal din ng bayad niya rito per day." bulong niya, akay pa rin niya ang kanyang maleta. Hila-hila niya ang maleta niya nang pumasok sila sa elevator. Maging elevator nakapagpa-mangha sa mata niya. Ang laki eh! Sobrang laki, maganda rin at malinis. “Hey, don't look at me." “Hindi naman kita tinitingnan." agad na tugon ni Apple. “Bakit ka nakatingin?" “Sayo ba ako nakatingin? Hindi naman di ba?" sagot niya ulit sa lalaki. Sinimangutan niya nga. Saka siya tumingin sa pinto. Hindi na niya pa inilibot ang kanyang mata upang magsuri sa paligid. Tahimik nalang siya na tumayo sa tabi nito. Bahagya na inilakad niya na paatras ang mga paa niya upang b'hagya na lumayo dito. Konti na lang din kasi ay magkadikit na sila. “Ang sungit." bulong niya, yung mukha ni Apple. Ang itsura niya kita pala sa makinis at malinis na tila salamin na nakapalibot sa loob ng elevator. “Hoy, wag mo akong tingnan ng ganyan ahh!" sita ng lalaki sa kanya. “Hindi naman kita tinitingnan. Lumayo na nga ako diba?" sabi niya, napabuga. Nabulong pa si Apple. Hindi nalang siya pinansin ni Thomas dahil sa bumukas na ang pinto ng elevator. Inakala, ni Apple na dun na sila sa kung saan hinintuan na floor ng elevator. Hindi pa pala. Umikot pa sila at lumakad. Hanggang sa lumusot sila at makarating sa tila isang napaka gandang garden. “Wow!" ang namumutawi sa bibig niya. Manghang-mangha na naman ang kanyang mga mata sa nakikita niyang itsura ng lugar na nilalakaran nila. “Dito ba talaga siya tumutuloy?" nabulong na naman niya sa super ganda ng lugar. Napalunok siya nang makita ang mga bulaklak. Ang mga kulay green na dahon na nakapaligid sa mga tila naglalakihang unit. Parang bahay o Cr lang? charrr! Naisip niya lang. Pero ang ganda talaga. Habang hindi pa rin sila natatapos sa kanilang mahabang paglalakad. Pero nang magstop na si Lalaki. Mas lalo siya namangha sa tila palasyo na unit nito. “Wow!" nanlalaki ang mata na naibulong muli niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD