Ang bigat ng talukap ng mga mata niya. Hirap maidilat. Tila ay kulang na kulang pa siya sa pagtulog na ginawa niya. Inaantok pa siya. Panay ang buka ng bunganga niya at napapahikab. Talagang sobrang sakit pa rin ng balakang niya buhat sa naka ilang beses siya na bumagsak sa sahig kagabi. Tila mas ngayon niya nararamdaman ang kirot at sakit. Parang namamaga nga. Habang hindi nakatiis ay kanyang kinapa. Pinisil-pisil niya ang masakit na parte na ikinangiwi at hindi maipinta niyang mukha sa tila animo'y nakakain ng maasim. Sa asim ng kanyang itsura.
“Aray naman!" daing nya hindi pa niya napapansin kung nasaan siya.
Hindi pa nga nakikita ni Apple na wala na pala siya sa sofa. Sa sala kung saan ay inabutan siya ng kanyang pagtulog. Sa sakit ng ulo niya ng maipikit niya ang kanyang mga mata. Tuluyan na din siya tinangay ng antok na biglang pumuslit at dinala siya.
“Nag dire-diretso na pala." animo'y sarap na sarap niyang iniunat ang buo niyang katawan. Walang pag-aalinlangan na ang magkabila niyang mga binti. Iniunat niya pa ng diretso. “Grabe, hindi naman ako uminom. Na busog lang naman ako. But why did I feel so hard? Kumain lang naman ako kagabi. Iyon nga lang naparami ako ng kain. But It doesn't mean para maging ganito ang bagsak at bigat ng pangangatawan ko. Daig ko pa ang dinaganan kagabi o di kaya ay navirginize… Ano? navirginize? Bwisit!" usal niya na sabi ng mabigla siya ng bangon. Iniangat niya agad ang nakatalukbong na kumot sa katawan niya.
Sumilip siya sa kumot. Ang THANK GOD, WALA PALA! nakahinga siya.
Maluwag siyang nakahinga ng makita na may suot siyang damit. Akala talaga niya pinaglaruan siya. Ginalaw, ginahasa gaya ng madalas na mangyari sa ibang mga kababaihan. Sa tuwing makatu-tulog na lasing may kasama na lalaki. Naisip niya lang dahil sa y'on naman talaga ang madalas nangyari sa iba. But for her. She's very much thankful to know that her thought was wrong.
Hindi rin naman magagawa sa kanya ng lalaki. Kahit paano ay may kontrol ito sa sarili at hindi talaga siya kagaya nalang ng ilang kilala niya.
Matapos 'nga siya nito maibaba at maihatid sa kwarto. Iniwan na lang siya matapos na kumutan. Kahit ang magpadala sa tukso. Nilabanan ng lalake. Dahil sa ayaw niya ng pagkakataon na hindi naman niya gusto gawin. Kahit paano marunong siya kumontrol sa sarili. At wag magpadala sa sigaw ng pangangailangan ng isang tulad niyang lalaki.
Pero si Apple namutla pa rin. Hindi pa rin makapaniwalang gigising siya ng andon na sa kwarto. Parang maging. Naisip niya rin na baka naglakad nga siya papasok sa kwarto habang tulog. May case na ganun siya minsan. Magigising na lang nasa ibang place na siya o kaya mas madalas nasa banyo nakaupo sa inidoro. Kamot siya sa ulo pag ganun. Ngunit nangyayari lang ito once she was aiming to drunk. Yung tipo na problematic siya at gusto niya makalimot. Idadaan niya sa pag-inom ng alak hanggang lunurin na siya at matangay ng kalasingan. Duon nagstart ang pagiging abnormal niya.
Bigla pumasok sa isip ni Apple the one incident. Not, once pala dahil may ilang beses na nangyari ito sa kanya. Sa katangahan niya at sa sobrang pagkalasing. May isang pagkakataon na may nagdala sa kanya sa isang motel. Lasing siya that time. Katangahan niya nagpalunod siya sa alak. Nagpatangay siya because she was broke nasasaktan ng sobra ang puso niya at hindi niya magawa makalimutan ang mga pangyayari sa kanila ng kanyang minahal ng sobra. Sobra pa sa sarili niya.
Tulad ng gising niya ngayon. Mas malawak ang ikinalaki ng mata niya ng araw na yon. Why? It is because after she awakens. Laking gulat niya. Napamura. Napasigaw at nagtititili na halos mabaliw ng ilang ulit siyang gigil sa sarili na nasabunutan n'ya ang buhok niya ng makita. Nakapanty at bra nalang siya.
Di ba? Kay tanga niya. She really don't know kung sino may gawa nun sa kanya that time. May ilang taon na ang lumipas ng mangyari yon sa kanya. Pinagtatawanan siya ng mga kasama niya sa hotel. It is because yung motel na pinag dalhan sa kanya ay sister company ng hotel na pinagtatrabahuhan niya.
Co-incidents nga ba matatawag?
Kung bakit sa dami ng hotel, motel o maliit na bahay pahingahan na nagkalat. Duon pa talaga siya napadpad. Hiyang-hiya siya dahil sa siya lang naman ang naging laman ng mga usapan.
Marumi raw siyang babae.
Nakakahiya!
Nakakainsulto raw sa hotel na pinapasukan niya na isang empleyado ng hotel nila ay isang kaladkaring babae, pakawala, at higit sa lahat. Bayaran raw. Naisip niya, saan ba nakukuha ng mga impakta ang mga ganung issues na ipinupukol sa kanya.
Parang ang linis ng mga ito. Naisip niya madalas sa tuwing pagku-kumpulan siya at pagtu-tulong tulungan siya ng mga ito.
Oo marami siyang pagkakamali sa buhay. Pero hindi naman niya magagawa ang mga maling bintang na y'on na kung saan-saan lang ng mga ito na mapupulot ng walang sapat na patunay at basehan.
Minsan pumapatol siya. Minsan naman ay hindi at hinahayaan nalang ang ganun ang gawin sa kanya. Ayaw niya ng gulo. Lalo na ang makita siya ni Sir Arthur niya na madalas makipag away sa mga kasama niya. Ito kasi ang unang tao na pinagsasabihan siya. He says na way na lang patulan. Dahil habang pinapansin niya lang at magbigay siya ng reaksyon sa mga ito. Lalo lang siya aasari at mas lalaki ang hidwaan at gulo.
Napasinghap si Apple. While having back then to her past.
Bakit nga ba siya nakapunta sa kwarto?
Naglakad nga ba siya?
O, may taong bumuhat sa kanya?
Malabo na maglakad siya. Hindi naman siya lasing. Lalo na pagkain lang ang laman ng tiyan niya at ang pinoproblema niya lang kagabi ang tungkol pa din sa snatcher na nagnakaw ng pera niya. “Bwisit!" sigaw niya.
Wala na nga pala siya pero muli na naman niya naalala ang katangahan kahapon. Lagi nalang siya ganun. Mabilis maloko, mabilis ma-paikot, mabilis mahulog, mabilis na… She thought to herself. She was really an idiot. Everytime it came to the point. She met a guy who was good looking and thought he was a kind one. Ang bilis niya mapasakay at maloko. Heto, nangyari na naman nga sa kanya.
Napaupo siya ng maayos. Umusog. Sumandal sa headboard ng kama. Inaantok pa siya, o naluluha lang siya. Pinunasan niya ng isang kamay ang tumulo na luha sa mata niya sa pag-aalala wala na siyang pera.
May ilang minuto pa siya sa ganung position. Nang hindi niya namamalayan. Siya nalang pala ang mag-isa sa unit na tinutuluyan ng lalaking nakilala.
Wala na ito. Maaga lang ay umalis na ito. Hindi nga nakapag kape o nakapag agahan. Nasa isipan nito. Sa venue nalang siya kakain, at i-inom ng kape. Hindi na rin niya ginising ang babae. Sumilip lang siya. Mahimbing pa ito na natutulog. Kaya isinarado niya ang pinto ng maingat ng hindi magigising ito.
Ngayon. Malapit na siya sa pupuntahan niya. Ilang distance nalang ay nasa parking lot na siya. Kakapasok niya pa lang kasi sa daan papasok sa parking lot upang d'on na makapag garahe ng kanyang sasakyan. “Good Morning, Thomas?" gulat ang mata na nausal ng lalaki.
That guy was his college friend.
“Oh, andito ka rin pala sa Paris? Why didn't you tell me? Nanggugulat ka ahh!" sagot na wika ni Thomas. Tinapik nito sa balikat ang lalaki.
“Naku, it was because of Jillian. You know that girl? She must be crazy. Sukat bang pagwa-laan ako sa office para lang hilingin ang vacation dito sa Paris na ipinangako ko. I am a busy person. She knows that. Pero napilit niya pa rin ako na magtungo rito sa kabila na ang dami ko dapat ayusin sa Pinas." wikang kwento nito.
Si Jillian ay ang babaeng kasintahan nito. Hindi naman totally kasintahan. Fiancee. Anak ng business partner nito na siyang ipinagkanulo sa kanya. Pero sa huli. Natutunan din niya mahalin ito. “Kelan ba kasal?" tanong ni Thomas.
“Kasal?" natatawa na wika na tugon nito sa kanya. “Sa ngayon. Para na nga kami kasal. You know that, right? Sa bahay na siya nakatira. Ayaw na ako pakawalan. And ayaw na niya na mawala ako sa mga mata niya. Buti nga ngayon ayun. Nasa spa, nagpapa-spa don. Sabi ko lalabas muna ako. Medyo naiilang ako sa loob. Ayaw ko naman gumaya sa mga gusto at nahihiligan niya. You know that din diba?"
“Yeah!" natatawa na tugon ni Thomas.
He knows everything about his college friend. Ayaw na ayaw nito na may magtangka na hahawak sa kanya. Lalo kung hindi niya alam kung saan nagmula ang kamay nito. O sa madaling salita. Saan inihawak bago ihahawak sa kanya. Sobrang selan nito. Kahit siya na kaibigan nito. Once na madumi ang mga kamay niya at ihahawak n'ya dito. Aapila agad ito. Magrereklamo o 'di kaya naman magrereklamo agad ito. Buti nga lang ng tapikin niya. Hindi siya sininghalan, o kaya naman sinita, sa ginawang 'yon.
Sabagay malaki na rin ang i-pinagbago nito simula ng maengage kay Jillian. Nawala ang ilan sa mga nakasanayan nito. “Ikaw, bakit andito ka?"
“Work!" he answered.
“Trabaho? Maging dito ba? Wala ka pa rin talaga pagbabago. Bakit kasi hindi ka na mag-asawa. Kita mo ako, I am too old para sa mga bagay na ngayon maaga pa lang ang mga kabataan ang bibilis na nararating. Sa madali salita. Andaming kabataan. Ang a-aga pa lang may mga kanya-kanyang pamilya na. But tayo At our age dapat nga may mga pinag aaral na tayo na mga anak. Kaya lang sa ngayon kahit isa. Wala tayong dalawa. Kaya nga iniintay ko nalang na maikasal kami ni Jillian ng makabuo agad. Nang makita ko pang lumalaki ang magiging anak ko."
“Sa ngayon hindi ko pa iniisip iyan. Alam mo naman may mga kapatid pa ako."
“Malaki na sila. And besides diba nga may kanya-kanyang negosyo na rin sila na pinapatakbo it is because of you. Sa tulong mo lahat sila nasa maayos na buhay na at magkapamilya man. Makikita mo na okay na at ready na din sila." sabi nito sa kanya.
Napaisip bigla si Thomas.
Napahinto siya ng napaisip may point ang mga sinabi nito. Bakit nga ba until now ay binata pa rin siya. Walang pamilyar, asawa at anak? Bakit nga ba tila huminto ang mundo niya start ng mabroke a,ng puso niya. He took a deep breath while thinking.