Kabanata 25

1566 Words

" 'Wag mo nga—" Natigil ang pagsasalita ko at umawang pa ang bibig nang hawakan niya ang balikat ko. Pinagtitripan na naman ba ako ng tarantadong 'to? "Take your hands—" "Ang sabi ko, 'wag mong takpan ang magandang view!" sabi niya, sabay usog sa akin na parang dummy at ipinuwisto sa tabi ng puno ng talisay. " 'Yan perfect!" Ngingiti-ngiti pa siya habang nakatingin sa cell phone niya at kinunan na nga ako. Hindi ko na naman tuloy mapigil ang pagbusangot ng mukha. "Gumalaw ka naman, sayang ang magandang view kung pangit ang pose mo." Nakagat ko ang labi ko at pigil na bumuga ng hangin. Pinagloloko talaga ako nitong lalaking 'to. Ginagalit na naman ako. Alam ko namang hindi lang ang pose kong pangit ang tinutukoy niya, kung hindi, ang pangit kong mukha mismo. "Lakad ka do'n," utos

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD