By Michael Juha
getmybox@hotmail.com
-----
Napabuntong-hininga na lamang ako nang makita kung sino ang nagsalita. "Nalaglag ang cap mo, 'Tol."
Kapwa ko pala pasahero na nakapila din sa aking likuran.
Dinampot ko ang nalaglag kong sombrero. Isinukbit ko kasi iyon sa bulsa ng aking hand carry. 'Di ko namalayang nalaglag pala. Marahil ay may nakasagi.
Gusto kong matawa at pagsabihan ang sariling ”Gago ka! Tanga! Nangangarap ka nang gising!”
Syempre, wala naman kasing dumating na Simon. Wala rin siyang tawag o text man lang. Wala... Isang kahibangan na lang ang magpanggap na may pag-asa pa akong makamit sa taong iyon. Imposible. Isang malaking suntok ito sa buwan.
Tumayo ako, binitbit ang aking hand carry at tinumbok ang nasabing gate. Parang wala ako sa aking sarili habang binaybay ang daan patungo sa hangdanan ng eroplano. Noong naupo na ako sa nakalaang upuan para sa akin, tulala pa rin ako, hindi makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. “Graduation ko lang kanina. Ni hindi ko man lang na-enjoy ang sarap at saya ng pagtapos ko ng kurso...” bulong ko sa sarili.
May isang oras ang nakalipas at nakalapag na ang sinakyan kong eroplano. May 15 minuto pa uli at nakababa na ako. Tinumbok ko ang conveyor upang kunin ang aking checked-in baggage at noong nakuha ko na ang mga ito, tinumbok ang exit ng airport. Dahil unang pagkakataon kong pumunta ng Maynila, may kaba rin akong naramdaman. Lalo nang ang kaibigan ko ay hindi raw makasundo sa akin gawa nangmay emergency sa trabaho at ayaw siyang payagan ng boss niya.
Naupo na lang muna ako sa sementong upuan sa mismong gilid ng exit na aking dinaanan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin; kung doon na lang ba ako magpalipas ng umaga, hintaying matapos ang aking kaibigan sa kanyang duty o sumakay na lang ng taxi patungo sa kanyang nirentahang flat. Ang mga narinig ko kasing sabi-sabi ay marami raw mandurukot sa Maynila, maraming sira-ulong taxi driver, maraming manloloko.
Nasa ganoon akong pagkalito kung ano ang gagawin noong biglang nagring ang aking cp. Tiningnan ko ang number ngunit hindi ito pamilyar sa akin. Ngunit sinagot ko pa rin. “Hello!”
At doon lumakas ang kabog ng aking dibdib noong narinig ko ang boses sa kabilang linya. Boses ni Simon. “T-tol... saan ka na ngayon?”
Pakiwari ko ay tumatalon-talon ang aking puso sa narinig. Nabigyan ba ng pag-asa. “N-nasa Manila na...”
“Alam ko! Ibig kong sabihin, nasa airport ka pa ba?”
“Ah... oo! Oo!” gusto ko pa sanang sabihin na wala akong sundo upang kahit papaano ay may nasabihan ako. Ngunit hindi ko na itinuloy. Nahiya pa kasi ako. At isa pa, alam kong wala rin siyang maitutulong gawa nang nasa malayo siya at malay ko rin ba kung may concern pa siya sa akin.
“Saang banda?”
Nagulat naman ako sa kanyang sinabi at lalong lumakas ang kabog ng aking dibdib, nalito kung ano ang ibig niyang sabihin. Di ko tuloy maiwasang mangarap na naman na baka sinundan niya ako o may tele-seryeng palabas na mangyari sa akin. “D-dito sa exit... sa gilid, may sementong upuan.” Ang sagot ko.
“Ok... hintayi mo d’yan ang aking kambal. Sunduin ka niya!”
“Mali na naman ako. Haisssst! Hindi na ako natuto!” sa sarili ko lang. Ngunit nalito rin ako sa narinig kasi simula pa noong naging magkaibigan kami, wala naman siyang binaggit na kambal niya bagamat ang alam ko hiwalay ang mga magulang niya at ang kanyang ina at isang kapatid na lalaki ay nasa Maynila kung kaya minsan ay binibisita niya sila. “M-may kambal ka?” ang tanong ko.
“Oo... At tinawagan ko. Ang sabi ko ay patungo ka ng Maynila at tutulungan ka niya.”
“T-talaga?” sagot kong tuwang-tuwa sa narinig.
“Oo...”
Itatanong ko pa sana kung napatawad na niya ako ngunit pinatay na niya ang kanyang cp. Kaya wala na akong nagawa kundi ang maghintay.
Maya-maya lang, may dumating, galing sa loob ng aiport. At kahawig na kahawig talaga niya! “Hi! Ikaw si Mark?”
“O-oo. Ako nga! Ikaw ang kambal ni Simon?”
“O-oo, ako. Tawagin mo na lang akong Matt.” sabay abot ng kamay niya sa akin upang makipagkamay. “Tumawag kasi si Simon, hindi mo raw kabisado ang Maynila kung kaya heto, at your service ako ngayon.”
Para akong nakuryente noong naglapat ang aming mga kamay at nag hand shake. Parehong-pareho talaga sila! Pati ang dimples sa kanyang dalawang pisngi, ang mapuputi at pantay ng mag ngipin, ang hikaw sa kaliwang tainga. Ang pagkakaiba lang ay ang buhok. Med’yo mahaba kasi ang buhok ni Simon. Ngunit si Matt, iyong tinatawag nilang semi-kal, o semi-kalbo. Bagay din naman sa kanya. Naka-faded maong siya na may butas-butas ang tuhod, naka-body-fit na t-shirt. Astig din ang porma. Hindi kaagad ako nakapagsalita. Na-mesmerize ba sa kanyang angking kakisigan. Cloned na cloned silang dalawa ng kambal niya! Pakiramdam ko tuloy, nasa harap ko lang si Simon.
“M-may dumi ba ang aking mukha?” sambit niya sabay bitiw ng isang nakabibighaning ngiti noong hindi ako nakaimik at nanatiling nakatitig lang sa kanya.
At sa ngiti niyang iyon, para akong ibinayaw sa kalangitan. Kilala ko ang ngiting iyon. Ang ngiting kagaya ng kay Simon; ang pamatay na ngiti kung saan kapag nakita ko sa kanyang mga labi ay para akong atakehin sa puso sa sobrang sarap ng pakiramdam. Iyon ang pinakagusto kong tingnan sa kanya; ang kanyang ngiti.
“Hey... magtitigan na lang ba tayo?” sambit niya.
“Ah....” ang gulat ko ring sagot. “B-bakit ka pala galing sa loob? Di ba dapat ang mga sumusundo ay galing sa labas?” ang lumabas na tanong sa aking bibig.
“Dito ako sa loob nag work. Isa akong immigration official na nagche-check sa mga in-coming passengers galing sa ibang bana. Off duty na ako noong tumawag ang utol ko... Mahaba-haba rin ang pinag-usapan namin.”
“Ah ganoon ba... S-salamat. Nag-abala ka pa talaga.” ang nasambit ko na lang.
“Ok lang iyan! Utos ni utol kaya ok lang. O... tara na!”
At sumunod ako sa kanya. Pumara siya ng taxi at sumakay kami. Wala pang 20 minutos, huminto na ang taxi. Hindi ko alam kung anong lugar iyon ngunit nagtaka ako dahil sa isang hotel pala kami bumaba. Sumunod na lang ako. HIndi na ako nagtanong. Naisip ko na baka malayo ang bahay nila kung kaya doon niya ako dinala.
Halos hindi kami nag-uusap. Nagkahiyaan ba. Hanggang sa inihatid na kami ng bellhop sa aming kuwarto.
Maganda ang aming kuwarto. Twin bed ito, at maganda ang mga muwebles. Sa tingin ko, kung hindi 4-star iyon, five star siya. Agad siyang tumawag sa food service at nag-order ng pagkain. Habang hinintay namin ang pagkain, naligo ako. Noong natapos na ako, siya naman ang sumunod na nagshower.
Dumating ang pagkain, at may kasama pang labing dalawang beer. Tapos na rin siya sa kanyang paliligo. Bagamat malamig ang aircon, nanatiling nakatapis lang siya ng tuwalya. Maganda ang kanyang katawan, halos pareho talaga ng kay Simon. Hindi ko alam kung may underwear siyang suot sa ilalim ng kanyang tuwalya. Gustuhin ko mang pagpantasyahan siya, hindi maiwaglit sa isip ko na utol siya ni Simon at nagsisi na ako sa aking ginawang kahalayan sa kanyang utol. Ayokong simulan ang buhay ko sa Maynila ng isa na namang pagkakamali.
Inilatag namin ang mga pagkain sa isang mesa at doon kami kumain. Hindi pa rin kami nag-imikan. Nahiya kasi ako. Sa isip ko lang, malamang na napagkuwentuhan na nila ang ginawa ko sa kambal niya. Hindi ko lang din alam kung bakit tila nahihiya siyang magsalita. Siguro nakiramdam lang s akin o sadyang mahiyain lang siya.
Noong tapos na kaming kumain, nagsimula na kaming uminum. Ganoon pa rin, parang ibang tao talaga kami. Naisip ko tuloy kung maluwag ba sa kanyang kalooban na sunduin ako sa airport. At ang hotel, ang mahal siguro ng bayad niya doon.
Halos maubos ko na ang pang-anim na beer ko, noong nagsimula siyang magsalita. Med’yo lasing na ako noon. “M-mark... may sinabi si Simon sa akin na iparating ko raw sa iyo.” Sambit niya na ang boses ay halatang lasing na rin.
“A-ano?” ang excited kong tanong.
“Sorry raw sa pagiging matigas ng kanyang puso sa hindi pagpapatawad sa iyo. Napatawad ka na raw niya....”
Mistalang nawala ang lahat ng aking nainum sa aking katawan sa narinig. “T-talaga?” At hindi ko namalayang tumulo na pala ang aking luha.
“Oo... At may isang bagay pa siyang sinabi.”
“A-ano?”
“Hindi raw siya ang nagpakalat sa tsismis. May hidden camera raw na inilagay sa kuwarto ang anak ng may-ari ng boarding house. Siya ang nagpakalat sa tsismis.”
“Kaya pala...” bulong ko. Ang buong akala ko ay siya talaga ang nagpakalat ng tsismis. Tinitigan ko si Matt. “N-nahiya ako Matt sa mga ginawa ko sa kambal mo. Kung kaya ako umalis...”
“First time mo bang gawin iyon sa isang lalaki?”
Tumango ako.
“Ako... hindi ko pa naranasan na makipag-s*x sa kapwa lalaki. May nag attempt pero hindi ko na-enjoy.”
Tahimik. Mistulang hinataw ng isang bote ang aking ulo sa narinig. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o iniinsulto lang ako. Hindi ko rin alam kung ano ang ibig niyang tumbukin sa kanyang sinabi. O baka sinubukan lang niya ako. “Ingat ka Mark...” ang sigaw ng utak ko, pahiwatig na ayaw ko nang magkamali uli.
Tumayo siya, tinumbok ang isang kama, tinanggal ang tuwalyang nakatapis sa kanyangbeywang atsaka humigang nakatihaya.
Tiningnan niya ako, “Halika...” sabay abot ng kanyang kamay sa akin.
Nakakabighani ang kanyang anyo, at ang mapanukso niyang tingin ay mistulang umalipin sa aking pag-iisip. Nakikita ko si Simon sa pagkatao niya. Ramdam ko ang matinding pagnanasang gumapang sa aking kalamnan.
At walang nagawa ang aking katawang lupa kundi ang magpaubaya sa tawag ng pagnanasa. Tumayo ako at parang napasailalim ng hipnotismong tinumbok ang kama niya.
At sa pagkakataong iyon, ginawa ko kay Matt ang ginawa ko sa kambal niyang si Simon...
Maaga akong nagising kinabukasan. Himbing pa ring nakatulog si Matt. Walang saplot ang kanyang katawan, ang isa niyang kamay ay nakalingkis sa aking katawan.
Hinawi ko ang kanyang kamay.
“Umummmm!” ang ungol niya noong nagising sa aking galaw.
“Uuwi na ako Matt, sigurado akong naghintay na si Simon sa akin. Ituloy namin ang plano naming magproceed ng MA in Business management at magsimula ng negosyo.” Ang sabi ko.
“Sasama na ako... Gusto ko ring makita ang aking kambal...”
Sumama siya sa akin. Habang nasa eroplano kami muling bumabalik sa aking isipan si Simon. Naalala ko pa ang gabi kung saan ko ginawa ang kahalayan sa kanya. Sariwa pa sa aking isip ang lahat. Nakatatak pa sa aking isip ang nunal na kasing laki ng butones ang dulo ng kanyang p*********i, tandang-tanda ko pa ang hugis at haba ng peklat ng opersyon niya sa appendecitis sa baba ng kanyang tyan.
Lahat nang iyon ay nakita ko rin sa katawan ni Matt.
At muling nanumbalik sa isip ko ang isang bagay na sinabi niyang gawin kapag gumraduate na siya, “Magpapakalbo ako 'tol, sa araw mismo ng ating graduation.”
Inilingkis ko ang aking kamay sa beywang ni Matt. Isinandal ko rin ang aking ulo sa kanyang balikat. “S-salamat sa lahat...” bulong ko.
Lumingon siya sa akin, binitiwan ang isang nakabibighaning ngiti.
Kumanta siya. Nakangiti habang binibigkas ang mga liriko ng kanta at nakatingin siya sa akin -
You
I don't know what to say
You take my breath away
You're every song I sing
You're the music that I play
And you take my breath away
You
You smile and it's okay
You take my breath away
Like water from a stream
On a sizzling summer day
Oh, you take my breath away
There are words
For the magic of a sunrise
Only none of them will due
For You
You take my breath away
And I don't know what to say
'Cause you take my breath away
[Instrumental Interlude]
You
You take my breath away
And I don't know what to say
'Cause you take my breath away
You take my breath away
You take my breath away
You take my breath away
Oh, you take my breath away...
Napako ang aking paningin sa kanyang mga labi. Kilalang-kilala ko ang boses na iyon. At lalong-lalo na ang kanyang nakabibighaning ngiti. Isa lang ang tao sa mundo na nagmamay-ari ng ganoong estilo ng pagkanta, at ganoon ka mapanuksong ngiti na nakapagbibigay ng matinding kalampag sa aking puso.
Si Simon...
WAKAS.