CHAPTER 19

1250 Words

LUMIPAS ang isang buwan na hindi natagpuan ni Raiven si Lauradia. Hindi pa man din tuluyang nawawala ang eskandalo ng pag-atras niya sa kasal ay nagkaroon na naman ng bagong dahilan ang mga reporter para guluhin siya nang bigla na lang i-announce ni Julia Lagdameo ang pagpapakasal nito sa isang lalaking nagngangalang JM Aurellio. Ayon sa mga balita ay kasintahan daw ng babae si JM bago siya. Nagkaroon ng napakaraming espekulasyon tungkol sa drama ng relasyon nilang tatlo at lumabas na siya pa ang kontrabida sa pag-iibigan diumano ng dalawa. Dahil doon ay kinulit na naman siya ng mga reporter para hingin ang panig niya. Pero wala siyang balak na ipagtanggol ang sarili. Bahala ang kampo ni Julia na gawin ang gustong gawin ng mga ito kahit pa lumabas na masama siya sa mga mata ng ibang tao.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD