CHAPTER 18

1402 Words

HALOS bumaligtad ang sikmura ni Lauradia habang nanonood sila ng balita kinahapunan. Tulad ng ikinatatakot niya ay umatras sa kasal si Raiven. Laman ng lahat ng channel ang press conference na ginawa ni Diosdado Lagdameo. Galit na galit ang matandang negosyante habang sinasabing wala “palabra-de-onór” si Raiven. Inakusahan pa ng matanda ang binata na nambababae habang engaged ito kay Julia Lagdameo at kung ano-ano pang malisyoso at masakit na akusasyon na kahit may halong katotohanan ay siguradong gawa-gawa lang ni Diosdado para sirain ang pangalan ni Raiven. Dahil kagabi lang ibinalita ang engagement party nina Raiven at Julia ay naging napakalaking usap-usapan ang biglang pag-atras ni Raiven sa kasal. Halos lahat ay naniwala sa mga sinabi ni Diosdado Lagdameo. Lalo pa at hindi nagbibiga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD