Crown 7 ♛ BREATHE

3815 Words
"SURE KA? Ipapalinis ko kaagad iyong magiging space mo dito kung sakaling magbago ang isip mo," alok sa kanya ni Kylie habang nilalagyan niya ng palaman ang sandwich niya, ipit-ipit ang telepono sa pagitan ng balikat niya at tenga. Kyra was almost tempted to say yes, pero nakapagdesisyon na siya kagabi. She already faxed the papers to Sage's lawyer pati ang ibang legal papers na kailangan niyang papermahan. She’s just waiting for her home to be handed down to her estranged, forgotten husband. "‘Wag na, Kylie," umiiling na sabi niya. "Baka mas lalong sumikip diyan sa inyo kapag dinala ko pa diyan ang mga gamit ko." Napangiwi pa siya habang na-iimagine niya kung gaano pala karami ang gamit na puwede niyang dalhin doon kung sakaling bumukod siya sa bahay nina Kylie. "Ano ka ba, ayos lang naman iyon. Pwede mo namang iwan ang mga gamit mo sa garahe e. Pero buti na lang mabait ang kleyente mo no. Imagine, pinayagan ka pa rin niyang tumira diyan kahit na nabili na niya ang bahay niyo." She grimaced at the wistful voice of her friend. "Iyon nga eh. Ang bait niya," walang ganang sabi niya saka pinagdikit ang dalawang bread. Kung alam lang ni Kylie kung sino ang kleyenteng bumili ng bahay nila at kung gaano siya pinapahirapan ni Sage, siguro hindi lalabas sa bibig nito ang mga salitang iyon. Kung pwede nga lang, hindi na siya titira sa bahay nila kahit pa mahirap sa kanya. Pero hindi rin niya maikakailang may parte sa kanya ang masaya dahil kahit papaano ay hindi pa siya tuluyang magpapaalam sa bahay na naging parte na ng pangalawang buhay niya. Iyon na lang ang bagay na komokonekta sa kanya sa nakaraan niya. Pero kung kasama din niya si Sage sa bahay na iyon, malamang baka umalis din siya. But it was that single condition he said in buying the house and that undeniable yet ugly fact that she need him to remember—almost as she needed her home—made her decide to stay. "Pero hanggang kailan ka naman daw pwedeng mag-stay diyan?" tanong ni Kylie. "Hindi ko alam," buntong hininga niya saka kumagat ng sandwich niya. Kailangan talaga niyang bumili ng pagkain. "Mag-iipon na lang muna ako tapos saka ako aalis kapag nakahanap ako ng murang mauupahan," dugtong niya. But fortunately for her, she could have time to do that at hindi na niya kailangang pakisamahan si Sage dahil wala naman itong balak na doon tumira. Alam niyang may sariling bahay ito, condo unit, mansyon, at iilan pang properties sa iba't ibang sulok ng bansa. Surely, he won't stay in one place when he’s moving from place to place constantly due to his business commitments. She knew the likes. Kaya ayos na rin siguro ang mag-stay doon ng ilang araw, o buwan, habang nag-iipon siya ng pera. Hindi naman pwedeng habang buhay siyang titira doon. What if Sage decided to live there? Dapat lang siguro na umalis siya. Pero habang naroon pa siya, kailangan niyang makakuha ng sagot mula rito. Or better yet, she'll have to force herself to remember. "Lalaki ba ang buyer mo o babae?" tanong muli ni Kylie. "Lalaki," sagot niya. But she immediately regretted it when she heard the amusement in Kylie's voice. "Ow..." Kumunot ang noo niya sa tono nito. "Anong ow?" "Wala lang." Umikot pa ang mata ni Kyra sa panunukso ng kaibigan. Pero pinigilan niya ang sarili na sabihin ditong ang boss nito na nagtanggal sa kanya sa trabaho ang gumigipit sa kanya at bumili ng bahay niya, para matigil ito sa panunukso nito. "Hindi siya titira dito," paglilinaw na lang niya. "Binili lang niya ang bahay para madagdag sa milyong-milyong properties na meron siya." "Gano'n siya kayaman?" She made a face as she bit another piece of her dry sandwich. "Gano'n siya kayabang." "O, e hayaan mo na. Mukhang mabait naman." Mabait? Hindi nga bibilhin ang bahay kung hindi siya kasama sa package. At sa lahat ng mga salitang nabitawan nito sa kanya? No. She wouldn't call or describe Sage kind. It's the least of the word she could come up with, or would not even think of. "Hala! Male-late na pala ako! O sige. Babush na ako. Alam mo naman si Ms. Charlotte." "Sige. Ikamusta mo na lang ako kay Yanna." "Si June, 'di mo kukumustahin? Miss ka na no'n," natatawang sabi ni Kylie kaya napangiti na rin siya. "Sige na. Ma-late ka pa," sabi na lang niya. She was sure she was not breaking June's heart. Hindi naman niya ito pinaasa. At mas mabuti na rin iyong hindi niya ito nakikita. Lalo na ngayong alam niya kung bakit hindi pa tuluyang bumubukas ang puso niya para sa iba. Tumingin siya sa wall clock sa loob ng kusina niya at nakita niyang mag-aalas-otso na pala. Ilang oras na din pala siyang gising simula no'ng magising siya sa hating gabi mula sa panaginip niya. Napatitig si Kyra sa malinis na center table niya habang inaalala ang bagay na napanaginipan niya. That dream scared her. Hindi iyon isang bangungot. Pakiramdam niya, mas malala pa iyon sa banungot. Dama pa rin niya ang bigat ng loob niya dala ng panaginip na iyon. Pero pagkatapos ng pag-uusap nila ni Kylie, medyo gumaan na rin kahit konti ang pakiramdam niya. The shrill sound of her door bell broke her thoughts. Napakunot noo siya habang lumalabas siya sa kusina. Did she leave her gate open again? No. Not unless... Napamura siya sa loob ng utak niya nang maalala niya kung sino ang iba pang nakakaalam ng lock combination ng gate ng bahay nila maliban sa mga kapatid niya. "Akala ko ba may appointment ka ngayon?" agad niyang bungad kay Sage nang mapagbuksan niya ito ng pinto at hindi niya napaghandaan ang pagtalon ng puso niya mula sa dibdib niya nang salubungin siya ng mga mata nito. He was leaning a shoulder to the doorframe and his brows shot up quickly once his eyes travelled from her messy bun to her disheveled top, unmatching yoga pants, down to her bare feet and then settled on the unappetizing sandwich on her hand. "Anong ginagawa..." she trailed off when she noticed two duffel bags lying down the floor. Her brows knotted together. "Para sa'n iyang mga dala mo?" Hindi nito pinansin ang tanong niya at bigla na lang inagaw ang sandwich niya. "This is what you're having on breakfast?" Binigyan siya nito ng masamang tingin at ang hawak niyang sandwich nang kunin niya iyon. "'Wag mo ngang pakialaman ang kinakain ko. Ano ‘yang mga iyan?" tanong niya habang pinupulot nito ang dalawang malalaking duffel bag sa sahig. "I'm moving in," simpleng sagot nito saka walang sabi-sabing pumasok sa loob. Muntik pa siyang matumba dahil sa mga dala nitong malalaking bagahe, mabuti na lang at nasa likod niya ang pintuan. Sinundan niya ito sa loob nang maka-recover siya sa pagkakagulat. "Nagbibiro ka ba?" sita niya rito. He stopped in the middle of the house, turned around with one bag hanging on his shoulder, the other swinging beside his hips. "Does it seem funny?" "Hindi." He didn't say anything and just gave her a pointed look, saying 'So, there.' Ibinagsak nito ang dalawang bag sa sahig at parang tuta namang sinundan ito ni Kyra nang pumasok ito sa kusina at basta na lang binuksan ang ref. "Damn," he muttered under his breath. Nanliliit ang mga mata na tumingin ito sa kanya. "This is your food?" She shuffled on her feet from embarassment. "'Wag mo ngang pakialaman ang ref ko." Tinapon na rin niya ang hawak niyang sandwich sa tabi niyang trash bin. Nawalan na siya ng ganang kumain. Tumaas ang kilay nito sa sinabi niya. "Ref mo? Ang alam ko bahay ko na 'to simula pa kahapon." Kyra crossed her arms. "Technically, no. Hindi ka pa nakakapagbayad at na sa akin pa rin ang titulo ng bahay." Sinara nito ang pintuan ng ref at isinandal doon ang isang kamay nito, his tongue sticking against his cheek. "Technical or not, I own this house now." He sounded annoyed. "And don't worry about the money. You'll have it in your bank account tomorrow. O kung gusto mo mamaya." Pinigil niyang iikot ang mga mata sa kayabangan nito. "Tomorrow's fine," she said grumpily. Ibabayad niya din lang naman iyon sa banko na pagmamay-ari rin nito. So what's the fuss? At bakit ba ito nagagalit sa walang kalaman-lamang ref niya? Kasalanan ba niyang wala siyang pera? It's his fault it's empty. Gustong-gusto ni Kyra na lumabas na lang sa kusina habang pinapanood niya ang lalong pagdidilim ng mukha ni Sage. He was surveying every nook and corner of the kitchen and so far, he was not liking the sight. My god! Sana 'wag na siyang tumira dito! Please lang. Let him leave me here alone... "That's it," he snapped and suddenly grabbed her arms. "Come on." Nanlaki ang mga mata niya at mabilis na hinablot ang nakasabit na cardigan sa coat rack bago sila makalabas ng bahay. "Teka, sandali! Saan ka ba pupunta?" "We're going shopping. Someone needs to fill that fridge." "Ano?" Pinakawalan siya nito nang marating nila ang Bugatti nito. "Edi magshopping kang mag-isa. Tutal ref mo naman iyon, diba?" Tiningnan siya ni Sage nang buksan nito ang pintuan ng kotse niya. "I don't spend my time buying my own groceries. May gumagawa no'n para sa’kin. Besides, you know how to choose fresh meats." Malakas na sinarado nito ang pintuan nang makasakay na ito. Bakit hindi na lang ang taong iyon ang mag-grocery sayo ngayon? She wanted to say but clamped her mouth shut and just slipped inside his car and sat beside him. He revved the engine and moments later, they were driving to the nearest supermarket. "What happened to your evil sisters?" he said, breaking their fuming silence. Tiningnan ito ng masama ni Kyra. "They're not evil," she said defensively. She's still irritated about how he suddenly showed up on her footstep and, the next things, he was hauling her out her house and into his car. Ni hindi pa nag-si-sink in sa utak niya na talagang titira si Sage sa bahay nila. She saw him smirk. "You keep saying that but I don't see their horns coming off very soon." Tapos ay bigla itong sumeryoso. "Bakit hindi ka nila tinutulungan? Don't they know I'm growing pain in your neck?" Hindi siya nagsalita dahil kapag nagsalita siya, para na rin niyang kinomperma ang sinabi nito tungkol sa mga kapatid niya. She admits she doesn't have loving sisters as she would hope them to be. Kahit na mahal niya sina Stella at Sandra, mas mahal pa rin ng dalawa ang isa't isa kaysa kanya. Matagal na niyang tanggap iyon, at kahit masakit sa kanya ang aminin ang totoo, mahal niya at mahalaga pa rin sa kanya ang mga kapatid niya kahit na siya ang sinisisi ng mga ito sa pagkamatay, hindi lang ng mommy nila, kun'di pati ang pagkawala ng daddy nila. "They dumped everything on you again, huh?" Saglit na nabali ang iniisip ni Kyra sa sinabi ni Sage. Again? She sensed some nagging feeling that Sage and her sisters were not in good terms. Why? Kaya ba hindi sa kanya sinabi ng mga kapatid niya na kasal siya o minsang kinasal kay Sage? Bakit nila itatago sa kanya ang detalyeng iyon sa buhay niya? Sage broke into her thoughts again. "Kyra, you should learn to stand up from them. Hanggang kailan mo sila hahayaang pahirapan ka?" matigas na sabi nito. She’d think he’s actually concerned if she doesn't remember how he treated her this past few weeks. Ikaw lang naman ang nagpapahirap sa akin. But her words never came out of her mouth because of a phone ringing. Sabay silang napatingin ni Sage sa mobile phone nitong nakalagay sa cellphone deck na nakakabit sa dashboard ng sasakyan. Sharmaine calling... Kyra jerked her eyes away from the flashing name. She could feel that arrow again, piercing deeper inside her. Who is she? Tiningnan muna siya ni Sage bago nito inabot ang earplugs nito at sinagot ang tawag. "Hello... Oh, damn! I'm sorry, Maine, it slipped out of my head..." Kyra heard the distinct softness of his voice as he talked and laughed. At lalo niyang hindi nagugustuhan ang nagiging reaksyon niya. Tumingin na lang siya sa unahan niya at pinilit na pakalmahin ang dibdib niya habang nagkukunwaring hindi nakikinig sa usapan nila. Inayos niya ang manipis na cardigan jacket at saka niya niyakap ang sarili. Sage glanced at her. "Well... I'm pretty busy right now," sabi nito na nakapagpalingon sa kanya rito. He was reaching for the aircon at nakita niyang ina-adjust nito ang temperature. Nakunot ang noo niya. Akala siguro nito ay nilalamig siya. Gusto niyang pigilan ito pero hindi siya gumalaw at hinayaan na lang niya nang marinig niya ang sinabi nito. "I-reschedule mo na lang sa'kin... Yup. Lunch is good. Thanks. I'll see you later." He took his earplugs out and looked at her. "Still cold?" Umiling lang siya. At least not on the outside. She didn't think the aircon is enough to warm her inside. "Sino si Sharmaine?" tanong niya kay Sage nang maging tahimik ulit ito. Hindi niya alam kung dapat ba niyang tanungin kung sino ito, pero hindi siya mapakali sa tuwing naririnig niya ang pangalan na iyon. Sage threw her an irritated look. "There you go again and your..." he stopped, his frown was deepening. "Hindi mo maalala si Sharmaine?" Umiling si Kyra. "G-girlfriend mo ba siya?" "What? No!" he said incredulously. Natawa pa ito habang umiiling. "She's my lawyer. Akala ko ba nagkausap na kayo?" "O..." iyon lang ang lumabas sa bibig niya habang nakatitig sa unahan. She could only focus on the distinct heaviness being lifted out of her chest. Ni hindi niya napansing dumating na pala sila sa supermarket. Bumaba si Sage at wala sa sariling lumabas din siya ng sasakyan at sumunod rito. Kyra rewound her memory the day she received a call from the real estate broker, as she watched Sage walking carelessly with his grey t-shirt and, bonnet, and khaki shorts. The broker mentioned someone wanted to buy the house and immediately faxed her a mail. Hindi naman niya ito diretsahang nakausap through phone kaya hindi niya alam na babae pala ito. Akala niya’y lalaki dahil sa pangalan nito na nakasulat sa natanggap niyang mensahe. Attorney S. Madrigal. So that's what the S means. Sharmaine Madrigal. Kung lawyer ito ni Sage, alam ba ni Sahrmaine na kasal sila ni Sage dati? Kilala din ba siya nito? Was that why she’s feeling like that when she hear her name? Nasa ganoong pag-iisip siya nang may madaanan siyang babae at narinig niya itong bumulong. "Ang guwapo." Mabilis na lumipad ang mata niya kay Sage. He was walking ahead of her, pulling out a cart from its train. Medyo nagmura pa ito nang hindi nito iyon magawa ng maayos. Then he smirked when he managed to pull one out, tapos ay tumingin-tingin ito sa paligid na parang may hinahanap. "Grabe, ang guwapo pala niya sa personal!" Napabuntong-hininga na lang si Kyra saka nagpatuloy sa paglalakad nang hindi pinapansin ang mga babaeng nagsisimulang magkumpul-kumpol masilayan lang si Sage. If she could go back in time, in her 22-yers-old self, hindi si Sage ang tipo ng lalaking magugustuhan niya. She liked silent, mysterious type, nerd, bookish, and anti-social. Ayaw niya ng mga habulin, masyadong guwapo, at charming. Everything that was Sage. A total package with abs, muscles, lean body and all. So why did she marry him? How did they even meet? "There you are." Nagulat si Kyra nang hawakan siya ni Sage sa kamay. "Saan ka ba nagpunta? Ba't ang tagal mo. I thought you're lost." Napatunganga si Kyra dahil sa nag-aalalang mukha nito, pati ang mga matang nakapukol sa kanya. Something gripped her chest when she remembered those eyes that once looked at her before. Hindi siya magaling sa deriksyon. She's frequently lost kapag may mga fieldtrip sila sa school. Kaya lagi siyang may dalang mapa. Sage knew that too? "Ay. Sino iyan? Girlfriend niya?" someone whispered behind her. "Hindi siguro. Yaya yata eh." Napayuko tuloy siya sa suot niya at napangiwi. No wonder they would think like that. She sighed. Why oh why did Sage grab her looking like this? "C'mon." Pinahawakan na lang sa kanya bigla ni Sage ang cart. "Let's get moving." At umalis na ito. "Sabi sayo. Yaya niya iyan." Napapikit na lang si Kyra sa narinig niya. Okay lang iyan, Kyra. Totoo naman. Magiging alila ka na lang ni Sage ngayon. Pero hanggang kailan? Bakit ba kailangang lumipat doon ni Sage? Sumasakit ang ulo niya sa dami ng iniisip niya. Paikot-ikot na lang ang mga iyon sa ulo niya. Hindi niya na nakita si Sage kung saan ito nagpunta habang napadpad siya sa mga de lata. Kung anu-ano na lang ang pianglalalagay niya sa cart dahil alam niyang si Sage din naman ang magbabayad ng lahat. Kahit siguro bilhin niya pa ang buong laman ng supermarket na iyon, kayang kayang bayaran ng lalaking iyon. She was looking at a can of new flavored tuna when Sage threw a bunch of onions and some root crops in the cart. Ang dami-dami no'n na halos mapuno ang cart nila. "Sage, ano iyang mga iyan?!" He picked up the onions and other three items from the cart. "Onions, carrots, uhmm... ano ba 'to?" May ipinakita ito sa kanya. "Ginger." "Right. Ginger, tomatoes, potatoes..." "Hindi na natin kailangan lahat niyan," she cut in. "Marami pa niyan sa bahay." Kumunot ang noo ni Sage sabay hulog ng balikat nito. "But you love spices, kaya dinamihan ko na." Bumuka ang bibig niya para magsalita pero naitikom niya agad iyon nang ma-realize niya ang sinabi nito. How did he know that? He was your husband, idiot. "Sige," he said after a while and started to pick them up. "Kung gusto mo bawasan na lang natin—" "Hindi na!" Mabilis siyang dumukwang at pinigilan ito sa kamay. Sage looked at her hands then at her face, wondering. "Hayaan mo na lang iyan diyan." Mabilis din niyang binitawan ang kamay nito. "Okay." Sage shrugged. "Tara sa meat section." Napabuga siya ng hininga at tahimik na lang na sinundan si Sage habang naglalakad ito papunta sa meat section. For a while, she found herself feeling nervous right there. Bakit ang dami nitong alam tungkol sa kanya? God! She can't believe she really married someone like him. But why didn't it work? Bakit sila nagkahiwalay ng landas? Bakit ito galit sa kanya? Ano'ng ginawa niya? Who's that Italian chef? Why did she end up in that hospital and woke up without Sage? She was pressing the thong on the chicken breast, thinking wakeless thoughts, when Sage suddenly stood closely beside her. Goosebumps stood at her nape. She had to drag a rugged breath because her lungs closed up as she caught a whiff of his scent. Kinailangan pa niyang lumayo bago niya ito lingunin sa tabi niya. Her heart almost flipped over when she found him smiling. She stopped what she’s doing and Sage looked at her, eyes still smiling. "Bakit ka natatawa?" tanong niya rito. "Nothing." He shrugged and smiled, a dimple deepening on his cheek, and it did funny things in her stomach. "I just remembered something funny," he confessed. And then something happened. Para siyang napunta sa ibang lugar, puno ng tao, but it was a supermarket too. She saw Sage standing beside her, a younger looking Sage, carefree, laughing, and happy. "Why do you keep pressing that?" the man in her memory asked. "Para malaman ko kung alin ang fresh at hindi," the voice answered. Muling nagsitayuan ang mga balahibo ni Kyra nang mapagtantong kanya ang boses na iyon. Yet... it wasn’t entirely her, or the woman she is now. Her voice sounded so cheerful and warm. And then she saw Sage leaning down on her. "Oh, so that's what the pressing is for, huh?" he drawled before he captured her smiling lips in a toe-curling kiss. And her toes really curled because she could vividly feel the way his tongue stroked hers, his teeth nipping on her mouth and she heard herself giggling inside her head when Sage's hands brushed the underside of her breast... "So, which is the fresh one?" Sage's deep voice penetrated into the memory flashing back in her head. Napapikit-pikit siya ng ilang ulit habang nakatunganga siya rito at saka niya narealize ang pangungulot ng mga daliri niya sa paa. Sage's eyes narrowed at her flaming cheeks, and she somehow knew they’re thinking the same thing. She slowly breathed out and let her taut body relax, saka niya hinarap ang mga frozen meat at tinuro ang kanina pa niya pinipisil. "Ito," sagot niya kay Sage. "Mukhang lahat naman bago kaya ayos lang kahit alin diyan ang kunin mo." Tumalikod na siya at umalis doon, iniwan na rin niya pati ang cart at pumunta sa kung saan malayo siya kay Sage. That intimacy she just remembered... and felt, made her want to crawl under a near table. It made her feel out balanced. Scared. Yes. Scared. Na-realize niya iyon kanina habang nakatitig sa kanya si Sage. She realized that everytime she’s getting close to something, getting a closer glimpse at her lost memories, she felt scared and frightened. At hindi niya maintindihan kung bakit. Hindi niya alam. Was her past so scary her mind shut it down? Dala-dala ang ilang piraso ng mga gulay na kinuha niya ay hinanap niya si Sage at ang cart. Tapos na siguro silang mag-grocery at puwede na silang umalis. Napunta siya sa can goods corner nang makita niya si Sage. He's not alone, though. He's with a woman. A tall, beautiful woman. At nakayakap ito kay Sage. Her arms were locked at the back of his neck while she kept her body pressed against him. A throb of pain slammed right into the middle of her chest, sharp and immediate, blindsiding her that she couldn't take a breath properly from it. "Really Sage," the woman purred in his ear. "Sana tinawagan mo na lang ako, so we could have lunched together." Sage laughed. "Next time, babe." "So how about dinner later tonight, hm?" "That would be great..." Kyra quickly stepped back and left as soon as she saw Sage's hands held the woman's waist. Hindi na niya kailangang makita kung anuman ang balak gawin ni Sage. She held her breath as another wave of pain lanced inside her. Tumigil siya saglit sa isang sulok. She kept her hands steady and her breath calm and slow as she held the vegetables in her hands. Masisira ang mga iyon kung hindi siya huminga ng maayos. Just breathe, Kyra. Breathe. Just keep breathing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD