CHAPTER 25 THE BILLIONAIRE'S KIDNAPPER Napabalikwas ako ng bangon dahil biglang bumaliktad ang sikmura ko. Madaling araw pa lang pero ito na agad ang bumungad sa akin. Pumasok ako sa banyo at dumiretso sa toilet bowl, ilang minuto na ako doon pero halos wala man lang lumabas sa bibig ko kaya napapaiyak na ako. Naramdaman kong may humaplos sa likod ko at dinungaw niya ako. “Hey, what's wrong?" “I don't know, masama yung pakiramdam ko kanina na para akong nasusuka pero wala naman lumalabas," naiiyak ko na sumbong kay Zane. Patuloy lang siya sa paghaplos ng likod ko at dahil nawala na ang pagsusuka ko ay tinulungan niya akong makatayo at dumiretso sa sink para magmugmog. “Hindi ka yata natunawan sa kinain natin kagabi kaya ka nasusuka ngayon?” aniya. "Siguro… " niyakap niya ako at ma