CHAPTER 33 THE BILLIONAIRE'S KIDNAPPER “Oh, iha. Bakit parang matamlay ka yata?" Tanong ni Lola sa akin. Nasa kanyang kwarto siya at nakahiga, ganoon din ako na tumabi pa ng higa sa kanya. Dito sa kwarto ni Lola ako matutulog ngayong gabi. Pakiramdam ko kasi, may kaunting takot na akong nararamdaman ngayon. Nasa edge na ng bibig ko na sabihin kay Lola ang nangyari sa akin kanina pero hindi ko talaga kaya bagkos nag-aalala ako sa kalusugan sa nag-iisa kong Lola Alma. “I don't know Lola, ganito ba talaga kapag buntis ka po ba noong ipinanganak mo po si mommy? Halos everyday, wala na akong ibang ginawa kundi ang matulog at lumamon ng pagkain and look at me now, feeling ko ang taba-taba ko na.” Pag-iiba ko ng usapan. "Well, kung ano man ang naramdaman mo apo ay ganyan din ako, lalo na kapa