CHAPTER 22: Picture

2617 Words

Sumunod na araw ay nakasabay na naming muli sa pagkain si Sir Dylan. Balik na ulit kami sa dating gawi kaya kahit papaano ay naging masaya ulit ang buong araw ko dahil nabalik sa dati ang dati naming bonding.  Kahit papaano ay nababawasan ang pag-iisip ko kay Ace. Makulit pa rin si Chelle, naglalandi na naman si Kutong-lupa at si Sam na palaging tahimik sa isang tabi. Naalala kong bigla si Arianne, baka lang hinahanap niyo siya. Dito na rin siya pumapasok ngunit closing shift siya kaya bihira na kami nagkikita. Hindi na rin siya nakakapag-almusal sa bahay dahil tanghali na siya nagigising. Kaya naman kahit papaano ay nakakatipid na kami sa kape at pandesal.  Pero na-miss ko rin naman ang kakulitan ng babaeng 'yon. Sa tuwing gigising naman siya ay nakaalis na ako dahil opening shift ako.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD