"Woi!" Halos mapatalon ako sa gulat nang bigla na lamang sumigaw si Chelle sa aking tabi kasabay nang pagsiko niya sa tagiliran ko habang ako ay nakatulala dito sa aming locker room. "Bakit?" walang gana kong tanong sa kanya. "Anong bakit?" nakangiwi niya namang tanong habang tinititigan niya ako sa harap ng salamin. "Tulala ka na naman! Aba, Alliyah Rein Vergara Villiantez, umayos-ayos ka! Buntis ka ba?!" Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Kaagad akong napalinga sa paligid at ang lahat ay nasa akin na ang paningin. "Anong sinasabi mo?" mariin kong tanong kay Chelle kasabay nang pagkurot ko sa tagiliran niya. "Aray naman! Eh kasi ang tamlay-tamlay mo p--Aray!" Muli ko naman siyang binatukan. "Buntis k--Aray!" tanong din ni Sam ngunit kaagad ko rin siyang binatukan. "Isa ka p