CHAPTER 30: Memories

2302 Words

Lumipas ang isang linggo. "Bakit parang ang putla mo? May sakit ka ba?" tanong ko kay Sir Dylan nang mapansin ko ang pamumutla niya. Kasalukuyan kami ngayong kumakain dito sa canteen. Sa kanan ko siya nakapwesto at nasa kaliwa ko naman si Sam na buong maghapon nang tahimik. Habang nasa amin namang harapan si Chelle na punong-puno ang bibig ng porkchop. "Wala. Maputi lang talaga ako," pagmamayabang naman niya kasabay nang pagpapakita niya sa akin ng braso niya. Kasalukuyan din siyang kumakain ng mga damo-damo niyang pagkain. "Whow, ha. Pawrhang shinabi mong mayitim akho, ha!" sabat naman ni Chelle habang pinipilit niyang pagkasyahin sa bibig niya ang isa pang malaking porkchop. "Pwede bang lunukin mo muna 'yang isa bago mo isunod 'yang isa pa? Hindi ka mauubusan ng ulam," nakangiwi ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD