UMAKYAT sa korte ang kaso. Dahil hindi sila kasal ay nagkaroon ng laban si Nadine. Isa pa, tinanong ang kambal kung kanino sasama at ang ina ang pinili ng mga bata. Pero dahil magaling na abogado si Lath ay nagawa nitong ipanalo ang kaso nang ilabas ang pirmado niyang papel. Ang hindi alam ni Nadine ay may agreement pala siyang pinirmahan noon. Siyam na taon na ang nakalilipas ay ibinibigay niya ang kanyang karapatan sa lahat ng mamanahin sakaling hindi siya tumupad sa usapan. Nakasaad doon sa permado niyang papel na kailangan niyang sundin ang magiging demand ni Lath Montemayor, pagdating ng tamang panahon. Iyon ang kondisyones na kapalit ng malaking halaga na pagkakasanla ng buong ari-arian. At ngayon ay magdesisyon ka or mapupunta ang kabuuan ng last will and testament. “Hindi po toto