ISANG summon ang dumating sa mansiyon ng mga Montemayor. Agad na tinawagan ni Dave ang kapatid. “Brother, umuwi ka rito sa mansiyon. May nagsampa ng kaso sa ’yo.” “Copy, Kuya.” The same day ay dumating din si Lath at agad na binasa ang summon. Kinabukasan ay nagtungo agad siya sa legal counsel. Doon ay maghaharap sila ni Nadine. Tahimik lang siya habang nakikinig sa sinasabi ng kabilang panig, gano’n din ang dalaga. “Pag-usapan ninyo ang bagay na ito para hindi na umabot pa sa korte. Ang mga bata ang affected at mahihirapan sakaling magmatigas ang bawat isa sa inyo.” “Babawiin ko ang karapatan ko. Kukunin ko ang custody ng mga bata dahil iyon ang tama. Kung hindi papayag si Mr. Montemayor ay itutuloy ko ang kaso sa korte,” matigas na pahayag ni Nadine. “Hindi ko ibibigay ang mg