TATLONG buwan din ang ginugol nila sa US at sa mga panahong iyon hinding-hindi umalis sa tabi niya si Lath. Ginawa ng binata ang lahat mapapayag lang si Nadine para sa therapy. Noong una ay hirap na hirap si Lath at halos dalawang buwan ding araw-araw nagwawala si Nadine. Unti-unti itong gumaling at naging mabilis naman ang naging response nito, lalo at palaging dumadalaw ang kambal sa hospital. “Advise ko lang, Mr. Montemayor, na iwasang ma-stress ng asawa mo at ang mga bagay na puwedeng makapagpaalala sa kanyang hindi magandang pinagdaanan. Kung magkakaproblema, ibalik mo agad siya sa akin.” “Salamat, Doc.” At inakay na niya ito patungo sa naghihintay na sasakyan. “Welcome back, Mommy.” Isang malaking tarpaulin ang nakalagay sa may pinto habang nakatayo ang kambal. “Kids . . .” agad