Two months later . . .
“GOOD to hear that, hija. At least napag-isipan mo nang mabuti. Para din iyan sa future mo.”
“Auntie, hindi po ito para sa sarili ko. Kaya ko gagawin ito ay para sa anak ko.”
“What do you mean, hija?"
“I’m pregnant po at gusto kong sa US ko palakihin ang anak ko.”
“Hindi kita tatanungin, Nadine, kung sino ang ama ng ipinagbubuntis mo dahil alam kong hindi ka pa handa. Ingatan mo sana ang sarili mo.”
“Thanks, Auntie.”
Ilang beses pang umikot ang paningin niya sa kabuuan ng airport. Siguro dahil matagal din niyang hindi masisilayan uli ito. O baka sadyang may inaasam siyang makita na impossible naman.
“Hija, mali-late ka na sa flight mo. Kanina pa ina-announce ang pangalan mo.”
“So paano, Auntie?” Matapos yumakap at humalik sa ginang ay kumaway na siyang tumalikod papasok sa check-in area.
Isang malungkot na ngiti ang namutawi sa mga labi ni Nadine. Bago i-off ang mobile phone ay umusal siya ng panalangin hanggang sa tuluyan nang nag-take off ang eroplano. Halos tulog sa buong biyahe si Nadine dahil sa kalagayan niya. Bahagya niyang hinawakan ang impis pang tiyan.
‘Baby, pangako, kahit dalawa lang tayo ay magsisikap si Mommy mo na mapalaki kita nang maayos. Sorry kung lalabas ka dito sa mundo na mommy lang ang mayro’n ka. Gusto kong malaman mo na hindi ako nagsisisi na ibinigay ko sa iyong ama ang lahat no’ng gabing iyon. Ikaw nga ang naging bunga. I love your dad so much. Pero alam kong hanggang pangarap ko lang siya dahil magkaiba ang mundo naming dalawa.’
Matapos ang mahabang biyahe ay nag-landing na sila. Matapos niya sa immigration ay agad niyang kinuha ang luggage sa claiming area. Sumakay lang ng taxi si Nadine patungo sa kanyang destinasyon. Mamumuhay silang mag-ina nang malayo sa mga taong minamahal niya. Dito niya isisilang at palalakihin ang anak niya. Sa lugar na ito, tuturuan niyang maging mabuting tao ang kanyang anak. Napangiti siya nang maalala ang mukha ni Lath Montemayor, ang lalaking kahit saan ay pinag-aagawan ng mga babae, pero at least lamang siya sa mga babaeng iyon. Dahil ngayon ay dinadala niya ang dugo at laman ng isang Lath Montemayor.
***
GINAMIT ni Nadine ang natapos niya para sa magandang pagsisimula nilang mag ina.
Nadine Moran is an architect at dahil may tatlong taon na siyang experience ay hindi siya nahirapang makahanap agad ng trabaho. Isang architecture firm ang napasukan niya na hindi naman kalayuan sa kanyang tinuluyang bahay. Actually, bahay ito ng kanyang auntie, ang kaisa-isang kapatid ng kanyang ina. Matapos mamatay ng ina ay iniwan siya sa pangangalaga nito.
Sa ilang buwan pa lang niyang pananatili sa company ay nagkaro’n agad siya ng mga kaibigan—sina Anton, Lenitte at Morgan. Mga dugong pinoy rin ang mga ito, siya naman ay half-European kaya napakaganda niya. Hindi niya kilala ang kanyang tunay na ama. Ang sabi ng kanyang auntie ay nabuntis lang ang kanyang ina and then bigla na lang nawala ang kanyang ama. Malungkot pero ano pa nga ba ang magagawa niya? Ang importante ay isinilang siya sa mundo.
“Hey! Ang lalim din naman ng nilalakbay ng imagination mo.”
“Hmp! Panira ka ng moment, minsan lang ako mag-emote, eh!” Sabay irap niya sa tatlong kaibigan.
Masaya sila habang kumakain. Dahil buntis siya ay hindi siya dapat magtagal sa loob ng bar. Dahil mausok, mabaho ang amoy at ayaw niyang malanghap ng kanyang baby ang hangin sa polluted na lugar na yon. Kaya naman matapos makakain ay agad ding nagpaalam sa mga ito si Nadine.
Pagdating ng bahay ay naligo at nag-ayos siya ng sarili para i-double check ang kanyang ginawang Archetictural plan. Ang sabi ng boss nila ay masyado raw masungit ang president ng airline company na nag-hire sa kanilang serbisyo kaya naman gusto niyang maging perfect ang kanyang gawa.
***
“DEN, pinatatawag ka ni Boss. Tumuloy ka na sa opisina niya, dalhin mo ang Archetictural plan. Tumawag daw ang airlines at minamadali na.” Ibinaba lang niya ang bag sa table niya at nagmamadaling umakyat sa 10th floor kung saan nandoon ang opisina ng boss niya. Nadatnan ni Nadine ang secretary ng kanyang boss.
“Ms. Moran, tumuloy ka na sa opisina, kanina ka pa hinihintay ni Sir.”
Agad niyang itinulak ang glass door nang matigilan siya nang makita ang isang matangkad na lalaking nakatayo sa gilid ng window.
“Sir, here.” Sabay abot niya sa nakarolyong Archetictural plan.
“Bring that in the table and open it.”
Agad naman siyang tumalima.
Pamilyar sa kanya ang mga mata ng lalaki at ang aura nito pero hindi niya maalala kung saan niya nakita ito.
“Mr. Montemayor, meet one of our best architects, Ms. Nadine Moran.”
“Hi, please to meet you, sir.” Inilahad ni Nadine ang kanyang kamay at bahagyang tumungo. Bigla ang kaba niya nang marinig ang family name nito. Halos wala siya sa sarili habang ipinapaliwanang ang bagong Archetictural plan niya. Kinakabahan siyang baka hindi magustuhan ng client nila ang kanyang gawa.
Hindi halos humihinga si Nadine habang nakikinig sa pag-uusap ng kanyang boss at ni Mr. Montemayor.
“Ms. Moran, are you pregnant?”
Nagulat siya sa tanong nito. Ang buong akala niya ay tungkol sa work niya ang itatanong nito kaya naman hindi agad siya nakasagot dito.
“Oh, sorry. Don’t mind me.”
“It’s okay, sir. My baby is three months now.”
“I see,” ngiti nito sa kanya.
“Ms. Moran, you can go now.”
“Thank you, sir.” At nagmamadali siyang lumabas ng opisina.
Habang naglalakad ay biglang lumitaw sa kanyang balintataw ang mukha ni Lath Montemayor. Related kaya ito sa Montemayor na na-meet niya early? Nakarating na siya sa cubicle niya pero parang wala pa rin siya sa sariling isipan.
“Sistah, are you okay?” worried na tanong ni Len sa kanya.
“Yeah, I’m fine.” Saka siya ngumiti nang matamis nang maalala ang last na sinabi ng client nila. Approve ’yong bagong Archetictural plan niya.
“Wow! So meaning, ibo-blowout mo kami mamaya?”
Naiiling na tumango na lang siya.
“But not in the bar, guys. Ayaw kong makalanghap ng usok doon ang baby ko. SA Italian restaurant tayo.”
Habang nagtatrabaho ay pabalik-balik sa isipan niya ang mukha ng kanilang client. May iba siyang pakiramdam no’ng makita niya iyon sa hindi malamang dahilan. Lumipas ang mahabang oras at hindi namalayan ni Nadine na uwian na nila.
“Let’s go, guys!” sigaw ni Anton. Napakurap siya nang makitang palapit na sa kanya ang tatlong kaibigan.
Masaya silang kumain ng dinner. Halos dalawang oras silang tumagal sa loob ng restaurant. Natatawa siya sa tatlo niyang kaibigan. Tatlong buwan pa lang ang anak niya ay nagpresinta na ang mga ito na maging ninong at ninang. Hindi naman na niya tinanggihan ang mga ito. Isa pa, sila lang ang kakilala niya sa lugar na iyon. Hindi lang ’yon, mababait pa ang tatlo.
Nagkakasayahan silang apat nang may pumasok na ikinalingon ni Nadine sa entrance. Nagkasalubong sila ng tingin ng kanilang client. Iiwas sana siya kaya lang ay ngumiti ito sa kanya. May kasama rin itong dalawang kaibigan.
“Hi, guys!” bati nito sa kanila na ikinataas ng mukha niya. “Hello, Ms. Moran.” Nagtataka namang tiningala ng mga kaibigan ang lalaking kumakausap sa kanya.
“Ah, Len, Ton, Gan, siya si Mr. Montemayor, ang ating client from the airline company.”
“Hi, sir!” sabay-sabay na pagbati ng mga ito sa nakangiti lang na lalaki.
“Masyado namang formal. Wala tayo sa trabaho. Just call me JB and this is my older cousin, Dale and Dave,” baling nito sa dalawang matangkad din na lalaki. “She’s the architect na sinasabi ko sa inyo, Kuya. Meet her and her friends. Lahat yata sila architect.”
Nahihiya man ang tatlong kaibigan ay ngumiti rin sila sa mga ’to. Halata naman kasi na mayayaman ang mga ito at ayon sa research ng kaibigang si Anton ay mga mga billionaire heir ang mga ito. Hindi namalayan ni Nadine na kanina pa siya nakatitig sa dalawang matangkad na lalaking kasama ni JB. Ang mga mata ng mga ito ay alam niyang nakita na niya. Obvious na twin ang kasama ni JB.
Hindi na sila nagtagal na, patapos na rin naman sila nang dumating ang magpipinsan kaya nagpaalam na sila sa mga ito.
“Sistah, ang guwapo naman ng mga ’yon. Totoo nga na mga hunk ang Montemayor heirs.”
“Imagine, client natin ang isang Montemayor at malamang na hindi lang isa sa kanila. Baka sa susunod na pagkakataon ay kuhanin na nilang lahat ang serbisyo natin.”
“Haller, hindi natin, si Nadine lang ’yon dahil gawa niya ang nagustuhan at hindi tayo kasali.”
“Ito naman, minsan lang naman mag-imagine, eh,” reklamo ni Anton na ikinatawa niya.
Matapos makauwi ng bahay, as usual, wala naman siyang masyadong ginawa kaya hinarap niya ang mga floor plan kahit hindi pa naman iyon rush. Mas mapag-aaralan niyang mabuti ang mga iyon. Napasandal siya sa upuan nang biglang gumalaw ang anak niya sa sinapupunan. Napangiti siya.
“Baby, ayos ka lang ba diyan?” Sabay haplos sa umbok nang tiyan. “Sana mamana mo ang pagiging Montemayor dahil mga guwapo ang lahi nila.” Malakas ang kutob niyang lalaki ang anak niya. Bago pala niya makalimutan ay dapat na siyang magpa-checkup. Matagal na siyang hindi nakababalik sa kanyang OB gyn. Iniayos niya ang mga trabahong nakalatag sa lamesa saka tumuloy sa banyo para mag-half bath.
***
KINABUKASAN, maagang gumising si Nadine. Dadaan muna siya sa OB gyn niya bago tumuloy sa trabaho. Tinawagan niya muna ang kaibigan.
“Sistah, mali-late ako dahil checkup ko ngayon sa OB gyn ko, baka hanapin ako ni boss.”
“Ingat, sistah.”
May nauna sa kanyang pasyente kaya naupo muna siya sa isang bench sa labas ng clinic. Habang hinihintay na tawagin siya ay inabala niya ang paningin sa pagbabasa ng pregnancy book. Nangingiti siya sa mga nalalaman at nalulungkot din siya sa ibang hindi niya nagagawa na dapat gawin ng isang buntis kagaya ng exercise dahil kailangan niyang kumayod.
“Ms. Moran?” tawag sa kanya ng nurse. Agad siyang tumayo at pumasok sa loob. Nakangiting doktora ang sumalubong sa kanya.
“Ang tagal mong hindi napasyal dito?”
"Pasensiya na, Doc, naging busy ako this past few months.”
“Higa ka na at nang makita natin ang status ng baby mo.”
Agad siyang humiga at iniangat ang kanyang maternity dress saka tumingin sa monitor.
“Oh.” Nangiti ang doktor niya.
“Ano po’ng lagay ng baby ko?”
“I think twins ang anak mo, Ms. Moran. Nakikita mo ba ang dalawang iyon?”
“Totoo po ba na dalawa ang baby ko?”
“Yup! Sure ako pero hindi pa natin makikita ang kasarian nila dahil maliit pa. Pagdating ng five months, maaari na nating malaman. Don’t worry, your babies are healthy. Basta sundin mo lahat ng sinasabi ko sa ’yo for their safety."
“Thank you po, Doc.”
“Here ang iba mong dapat inumin. Papalitan natin ang vitamins mo dahil dalawa ang nasa tummy mo.”
Nasa kotse na si Nadine pero hindi pa rin niya iyon pinapaandar. Nanatili siyang nakasandal at napangingiti. Hinaplos niya ang kanyang tummy. “Mga anak, kapit kayong mabuti diyan, okay? Mommy needs work at magiging busy siya sa mga susunod na araw. Kaya relax lang kayo diyan at h’wag pahihirapan si Mommy, okay?” Parang nakaintindi naman ang kanyang mga anak dahil gumalaw ang mga iyon. Nang makapagsuot ng seat belt ay pinaandar na niya ang sasakyan niya.
***
“HOW’S our inaanak?” salubong ni Len sa kanya.
“They’re fine,” wala sa sariling sagot ni Nadine.
“What? You mean, twins sila?"
Ngiti lang ang isinagot niya sa mga kaibigang nakatanga sa kanya.
“Wow! Congrats, sistah! Excited na ’kong magninang sa kaila,” si Anton na nangingislap ang mga mata. “I’m sure lalaki ang inaanak ko at mana sa akin na guwapo din.”
“OMG! Maawa Kayo, Panginoon. Kawawa ang inaanak namin ’pag nagmana sa Ton na ’yan,” exaggerated na si Gan. Napanguso naman si Anton na parang pikon na pikon sa sinabi ni Morgan. Gustong matawa ni Nadine sa panlalaki ng butas ng ilong nito. Guwapo rin naman itong si Anton, matangkad din at may pagkatisoy. Iyon nga lang, hindi ito ang tipo niya.
“Mag-celebrate tayo, sistah, treat ko sa mga inaanak ko.”
“Wow! Gusto ko ’yan!” sigaw ni Morgan.
“No! Hindi ka kasama sa treat ko. Ikaw ang magbabayad ng kakainin mo!” seryosong pagtataray ni Anton kay Morgan na ikinatahimik nito.
“Hmm . . . I can smell something.” Napangingiti si Nadine na palipat-lipat ang tingin sa dalawa. “Sige, ako na’ng magbabayad para sa ’yo, sistah,” baling ni Nadine kay Morgan.
“Talaga, sistah? Thanks, ha? Hayaan mo, babawi ako sa mga inaanak ko.”
Naiiling si Nadine habang nakatingin kay Anton. May nahahalata siya sa dalawang ito.
>>>