Maya maya may pumarada na dalawang van sa tapat ng bahay. Lumabas si Manuel kinausap ang mga yun sandali bago pumasok uli ito sa loob. "Tara na. Nandiyan na sila Bruno pinasunod ko para makauwi na tayo ng walang sagabal." Sabi ni Manuel, pinasunod pala niya ang mga tauhan niya para panatag ang loob niya sa paguwi namin.Kaya nakarating din kami sa wakas. Pero nag pahinto ako sa bilihan ng pasalubong kanin kaya kahit papaano may dala akong pasalubong kayla tita.kaya tuwang tuwa ang mga ito. Bumili kasi ako ng buko pai at strawberry tart. Ubi tart at chocolate tart. May kasama pa na mga cookies at peanut brittle. Si Manuel nanaman ang gumastos ng mga binili ko kapag kasama ko siya o kaya si tita sila ang gumagastos sa mga binibili ko. Kaya ang allowance ko hindi ko nagagastos. Ang ginawa k