"Sweetheart, hindi mo ba namimiss ang pamilya mo?" Tanong ni Manuel sa akin habang naghahanap ako ng magandang design ng wedding gown ko. Sa binigay na brochure ng mga kilalang designer. Lumingon ako sa kanya. "Namimiss ko naman sweetheart, kaso alam ko naman na hindi ko sila pwedeng puntahan." Sabi ko sa kanya. "At sino naman ang may sabi sayo na hindi ka pwedeng pumunta sa inyo?" Sabi ni Manuel. Nagulat ako sa narinig ko, kasi sa totoo lang matagal ko nang gustong pumunta sa bahay para tingnan kung ano ang nangyayari sa kanila. Pero akala ko hindi pwede kaya hindi pa ako umuwi buhay ng dalahin ako dito, hindi naman ako nagtatanong kasi nahihiya ako. "Talaga Manuel pwede akong pumunta sa bahay?" Tanong ko sa kanya na tuwang tuwa. "Of course sweetheart, bat naman hindi. Pamilya mo sil